Chapter 16: Mae Shin is Angry

139 12 6
                                    

Chapter 16: Mae Shin is Angry

(Nathalie POV)

"Hayst! Salamat at nakauwi rin ako. Iwan ba naman ako ng mga loko."

Pumasok na ako sa loob at agad nagtungo sa kusina.

"Yaya!" Bigla kong tawag sa maid namin habang kumukuha ng tubig sa ref.

"Yes ma'am!" Biglang bungad na sabi ng maid namin

"Nasaan nga pala sila Clyde.?" Bigla kong tanong sa kaniya

"Wala pa po sila young lady." Sagot nito na agad kong ikinabuga ng tubig

"What.? Wala pa sila.? Ang alam ko nauna sila sa'kin." Bigla kong sabi

"Wala pa sila young lady. Sa katunayan nga po nagtataka nga din ako kasi dapat ganitong oras nandito na po sila." Aniya

Yaya is right. Magagabi na kaya. Maging si ate Mae hindi ko na nakita. Sabi niya pupunta lang daw siya ng CR, pero ng pinuntahan ko naman wala naman tao. Nag-aalala pa naman ako sa kaniya dahil kay sugat yun.

"Sige yaya balik ka na po sa ginagawa niyo. Pakisabi na rin po kila yaya Janeth, na magluto na ng dinner." Saad ko

"Sige po young lady."

Iniwan ko muna siya at agad akong umakyat ng kwarto. Magbibihis muna ako, at mayamaya tatawagan ko ang nga loko.

Saan naman kasing lupalop pumunta ang mga yun. Baka umuwi si ate Mae wala pa sila. Lagot talaga sila sa kaniya.

(Phone is ringing...)

"Yes, hello!" Bungad kong sagot sa tumawag

"Nathalie! Nakauwi ka na ba.?" Bigla nitong tanong

"Who's this please.?"

"Si Mecca ito."

"Oh! Mecca, napatawag ka.? Nasaan na ba kayo.?" Saad ko

"Ah eh! Nandito palang kami sa..." Hindi ko na narinig ang sasabihin niya ng biglang may tumulak ng pinto ng kwarto ko. Kaya napalingon ako doon.

"Nasaan ang mga loko.?" Bungad na tanong nito na tila galit

Agad kong binitawan ang hawak kong cellphone, wala akong pakialam kung may kausap pa ako sa kabilang linya.

"A-ate Mae! Nandiyan ka na pala. Saan ka ba galing.?" Utal kong tanong sa kaniya

"Min! Nasaan sila.?" Galit nitong tanong"

"Ah eh... Yun ang hindi ko alam. Actually, kararating ko lang nga ngayon." Sagot ko

Shit! Nakakatakot siya ngayon. May nangyari ba.? Bakit siya galit.? Namumula ulit ang kanang mata niya. Kaya kapag mas lalong nagalit ito. Ang dalawang mata na niya ang pupula.

"Ang sabi ko kay Mecca na tulungan akong makalabas sa comfort room." Aniya

"Bakit?. Hindi ka ba pinuntahan ni Mecca ?" Tanong ko

"HINDI!! Ang pinapunta niya pa ang baliw na si Scarlet. Sa lahat ng uutusan niya si Scarlet pa." Wika nito

"Bakit si Scarlet pa.? Pwede naman siya ang pumunta sayo." Sabi ko

"Ang sabi ni Scarlet siya daw ang pinapunta dahil nakauwi na daw sila. Pero bakit hindi ko makita ang anino nila sa bahay." Giit nitong sabi

Patay! Nagsinungaling ang mga loko. Tiyak na humanda sila pag-uwi nila mamaya.

"Ahm, ate Mae. Mabuti pa magpahinga na muna. Bukas mo na lang sila kausapin o kaya pagalitan." Saad ko

Humarap ito sa'kin.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon