Chapter 68: Unexpected

68 12 0
                                    

"Hatred and Sorrow of the Mafia Empresses"
Written by: @LadyTorment

Chapter 68: UNEXPECTED

[Scarlett POV]

"Magaling umarte ang babaeng 'yon," rinig kong sabi ni Tian Qi

"Kaya nga eh, akalain mo siya pala ang anak ni Zeke," sabi naman ni Li Zi Feng

"Pwede ba itikom niyo muna ang inyong mga bibig," biglang saway ni Mae sa kanila

Gulat silang lahat sa sinabi ng kambal ko.

"M-mae, may problema ba?" biglang tanong ni kuya Xian sa kanya

Napansin ko, wala si Qin Sang dito.

"Nakita na ninyong tahimik si Scarlett, napakaingay niyo naman," wika nito sa kanila

"Sorry Mae," saad nila

Bigla akong tumayo kaya naman napalingon sila sa akin.

"Saan ka pupunta?" biglang tanong ni Mae sakin

"Puntahan ko lang si Qin Sang sa kwarto niya. Kanina pa kasi siya hindi bumababa, nakapag-breakfast na nga tayo habang siya hindi pa," sagot ko

"Ah oo nga, kanina ko pa siya hinihintay na bumaba," wika nito

"Maiwan ko muna kayo," sabi ko sabay lakad patungong hagdan

Habang papaakyat ako bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit. Binilisan ko ang aking paglalakad, hanggang sa nakarating na ako sa tapat ng pinto ng kwarto niya. Kumatok ako ng dalawang beses.

(Insert knocking at door..)

Hindi siya sumasagot, tulog pa kaya siya? Imposible, kasi ang alam ko sa ganitong oras gising na dapat siya. Nagbabasa na siya ng aklat sa library, pero bakit ngayon hindi parin siya lumalabas sa kanyang silid.

Kumatok ulit ako, pero hindi niya parin binubuksan ang pinto. Masama na ito, baka may nangyari na sa kanya. Agad kong pinihit ang doorknob, pero...LOCK!.

Bwesit! Bakit lock? Wala pa naman akong susi ng kwarto niya.

"Qin Sang! Open the door please!" tawag ko sa kanya habang kumakatok sa pinto

No response..ano bang nangyayari sa babaeng 'to. Mabuti pa sirain ko na ang pinto niya, palitan na lang mamaya.

Okay, magbibilang na ako. Sisipain ko 'to ng malakas. Baka sakali magising siya sa mahimbing niyang tulog.

Isa..dalawa..tatlo.. BOGSHHH!

"Scarlett! Anong ingay yan?" biglang tawag sakin ni Mae sa baba

Tumingin naman ako sa ibaba.

"Wala, may nahulog lang akong vase dahil sa gulat," sagot ko sa kanya

"Ah ganon ba. Mag-ingat ka naman, mahal ang bili ko sa mga vase na yan," wika nito

"O-oo, isa lang naman ang nabasag,"

"Okay, pababain muna si Qin dito para kumain. I'm sure, gutom na yan," ani nito

"Okay sis,"

Agad akong pumasok sa kwarto niya. Wala siya sa kanyang kama. Nasaan kaya ang babaeng 'to.

Sandali lang! Sinabi niya sakin may secret door daw dito sa room niya. Pero saan naman kaya dito?. Isang pinto lang naman ang nakikita ko. Wow! Ang ganda naman ng painting na ito.

Bigla akong natahimik ng bigla kong hawakan ang painting. Agad itong may bumukas sa likuran nito, kaya naman agad ko itong tiningnan. Ito na yung pinto na sinabi niya sakin. Agad akong pumasok sa loob.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Where stories live. Discover now