Chapter 39: Magazine

83 10 1
                                    

𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 39: Magazine

[𝐌𝐢𝐧 𝐋𝐞𝐞 𝐏𝐎𝐕]

"Luhh! Nangyari doon?" Takang tanong ni Mecca ng biglang nag walkout si Mae sa harapan namin

Tiningnan ko silang lahat na may halong pagtataka. Hindi ba sila na inform na ngayon ang balik namin sa school. O sadyang ayaw parin nilang pumasok kaya ganon na lamang ang mga reaksiyon nila.

"Galit yata si Mae." Rining kong sabi ni Derick

Huminga muna ako ng malalim.

"Kayo kasi, alam niyo bang good mood si Mae ngayon. Pero sa ginawa ninyo, bad mood tuloy." Sabi ko

"Huh!? Good mood ba ang ganon? Bigla na lang nag walkout?" Hindi ko mawari kung anong klaseng reaksiyon ang aking nakikita sa ngayon

"Tsk, hindi niyo pa talaga kilala si Mae." Sabi ko na may halong pagkadismaya

Umupo muna ako sa sofa at agad kinuha ang isang magazine sa table. Nangbubuksan ko na ang magazine upang magbasa ng biglang..

"W-wait Nathalie!" Biglang sabi ni Calvin na ikinakunot noo ko naman

"Bakit?" Mataray kong tanong

"Ah eh, a-ano k-kasi..." Nanginginig nitong sabi

"May problema ba? Bakit nanginginig ka diyan?" Taka kong tanong

"A-ano kasi.." Panimula nito

"Ano ba! Bakit mo ako binibitin? Sabihin muna kung anong sasabihin mo." Usal ko sa kaniya

"Ang gusto kong sabihin, iba na lang ang basahin mong magazine. Wag na yang hawak mo." Saad nito na ikinataka ko naman

Anong meron sa magazine na ito. Bakit gusto niyang palitan ko. Siguro may tinatago ang lalaking 'to.

"Huh? Bakit naman? Eh, magazine lang naman ito. Besides, magkakapareho naman ang lamang ng magazine kaya bakit mo gustong palitan ko ito?." Tanong ko sa kaniya na may halong pagtataka

Tiningnan ko ang iba, napansin kong umiwas sila ng tingin sakin. Maging ang mga babae. Ano ba ang meron sa magazine na ito. Bakit iba na lang ang reaksiyon nila. Tiningnan ko itong muli, mapapansin na wala namang kakaiba sa magazine na ito. Kagaya rin ito ng ibang magazine na nakikita ko. Kaya naman bakit sila nanginginig.

Tumayo ako at sabay lakad palabas ng bahay, hawak-hawak ko parin ang magazine.

"Nathalie, ito na lang iba ang tingnan mo. Wag na yan.!" Sigaw ni Calvin sakin na animo'y may mawawala sa kaniya kung tingnan ko ito.

Hindi ko siya pinansin bagkus diretsyo lang ako sa paglalakad hanggang sa tumunog ang cellphone ko. May namuong pagtataka sa isipan ko. Sino naman ang tatawag sakin ng ganitong oras. Nasa tapat na ako ng kotse na sasakyan ko papuntang school ng biglang tumunog muli ang phone ko. Hayst! Sino ba kasi ang bwesit na'to.

"Miss Min." Biglang tawag sakin ni Kyle

"Oh! Kyle, nandiyan ka na pala. Si Mae nasa school na ba.?" Bigla kong tanong

"Opo, sa katunayan nga may kailangan siyang gawin ngayon." Sagot nito

"Ah ganon ba. Mabuti naman kung ganon. Tiyak na mas pipiliin ni Mae na maging isang mabuting mag-aaral sa university namin. Kesa naman makipagpatayan sa mga taong nais kaming patayin dahil lamang sa trono na iniwan samin ng aming mga magulang." Sabi ko na may halong lungkot

"Wag kayong mag-alala miss Min. Tiyak naman akong matatapos na rin ang malaking suliranin ninyo. Lalo na't nakakulong na ang dalawang Smith na binanggit niyo sakin." Nawala bigla ang pangamba ko sa sinabi niya subalit batid ko parin na kahit ganon alam ko parin na hindi sila ang tunay na kaaway. May mas mataas pa sa kanila, kaya yun ang pinaghahandaan ni Mae sa ngayon.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Where stories live. Discover now