Chapter 81: True Love

94 14 1
                                    

[Scarlett POV]

Maaga akong nagising dahil sa gusto ko. Siguro nagtataka kayo kung anong nangyari kahapon. Pagkatapos namin magshopping, umuwi kami agad. Pero ng nasa parking lot na kami...

*...FlashBack...*

"Alam ninyo ang saya ko ngayong araw." saad ko sa kanila habang naglalakad papuntang parking lot ng biglang may bumangga sakin kaya naman agad akong napalingon sa taong bumangga sakin.

"Scar!" rinig kong sigaw ng mga kuya ko sa pangalan ko

Bigla akong tumayo at hinarap ang taong bumangga sakin.

"Sinadya mo yun di'ba?" saad ko dito

"Tsk, ano naman kung oo." nakangiti nitong sabi

Tiningnan ko siya ng nakakalokong tingin.

"Bakit ko ba natanong yun, syempre aamin ka sa ginawa mo." sabi ko

"Alam mo hindi kita mapapatawad sa mga pinagsasabi mo sa daddy ko!" ani nito

"Eh, yun kasi ako. Matabil talaga bibig ko kaya pagpasensyahan mo na." saad ko

"Sa tingin mo patatawarin kita ng ganon-ganon lang. Hell no! Tuturuan kita ng leksyon para sa ganon hindi muna gawin ulit sa ibang tao." wika nito

"Hmm, paano mo naman ako bibigyan ng leksyon. Eh, baka ngayon ikaw ang mawalan ng malay sa isang suntok ko lang." kalmado kong sabi

"Tsk, sa tingin mo ba ako ang gagawa no'n sayo?" saad nito

Bigla akong napakunot noot sa sinabi niya. It means, may kasama siya. Let see kung magaling sila.

"Palabasin muna sila. Gusto ko ng tapusin ito ng maaga dahil pagod na ako  sa kakalakad." walang emosyon kong sabi

"Tch, okay. Lumabas na kayo diyan." ani nito, kaya naman nagsilabasan ang mga kasamahan nito. Nagulat ako dahil nandoon ang gang nila Cloud.

"Scar!" tawag nila kuya sakin. Tiningnan ko sila sabay ngiti ng nakakaloko.

"Don't worry, i can handle this. Just watch there, don't interrupt us. Okay!" wika ko sa kanila.

"But—" i cut their words

"No buts. Just follow my command. Stay there and watch."

Binitawan ko ang mga bitbit kong paper bag, sabay patong sa kotse ko. Tinali ko ang buhok ko para makagalaw ako ng maayos.

"Are you ready?" tanong nito habang nakangiti

"Yah! I'm ready."

"Okay boys, kayo ng bahala sa kanya. Wag niyo lang patayin, bigyan niyo lang ng leksyon." saad ng impakta sa kanila

Nagsilapitan naman sila sakin, at sabay lusob.

Iwas ako ng iwas sa mga suntok nila. Hanggang sa namalayan ko na lang na wala na silang malay.

"Hayst! Akala ko pa naman magagaling ang mga tauhan mo. Parang nag-exercise lang ako." saad ko kaya naman nagsitawanan ang mga kasamahan ko.

"Sa tingin mo ba tapos na, diyan ka nagkakamali. Clyde! Halika dito!" wika nito sabay tawag sa kapatid ni Cloud na si Clyde

Tiningnan ko siya habang palapit sa akin. Doon ko napansin na nanonood pala si Cloud katabi ang demonyo kong ama.

"Kamusta Mae! Ay! mali, Scarlett nga pala." bati muna nito sakin

"Okay lang naman ako, ikaw? Kamusta kana?" sagot ko

"Ayos lang naman,"

"Magkakamustahan lang ba kayo diyan." iritang sabi ng impakta

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon