Chapter 61: Andrie Han

78 12 0
                                    

"Hatred and Sorrow of the Mafia Empresses"
Written by: @LadyTorment

Chapter 61: Andrie Han

[Third Person POV]

Labis ang pagluluksa ng magkakaibigan sa biglang pagpanaw ng isa sa kanilang miyembro na si Qin Sang. Hindi nila inaasahan ang pangyayari. Subalit, habang nagluluksa silang lahat, ang dalawang magkapatid naman ay bigla na lamang pumunta sa teritoryo ng mga kalaban. Alam nilang mapanganib doon, subalit hindi nila nagawang pigilan ang mga ito.

"Anong gagawin natin ngayon?," biglang tanong ng binatang si Tian Qi

"H-hindi ko din alam, wala naman si Xian dito. I'm sure, kung nandito siya kanina hindi makakaalis ang dalawang 'yun," sagot naman Jin Yang

"Baka mapano pa sila doon. Kilala ko si Zeke, walang puso 'yon. Kahit pinalaki pa niya ang dalawa, tiyak na papatayin niya sila Mae at Min," may halong kaba na sabi ng isa kanila

"What if..sundan natin sila," sabad naman ng isa

"May isip ka ba talaga Tian Qi, alam mo namang delikado doon. Kung bakit kasi iniwan na tayo ni Qin Sang," wika naman ni Jian Yi na may halong lungkot sa kanyang boses

"Tsk, hindi naman mahirap pumasok sa bahay ni Zeke," biglang sabad ng isang binata na kanina pa nakaupo.

Napalingon ang magkakaibigan sa kanya at tiningnan siya ng nakangiti.

"Muntik ko ng makalimutan, nandiyan pala si Yijun," saad naman ni Li Zi Feng

"Oh, ano naman kung nandiyan siya," takang tanong ni Jin Yang sa kanya

"Nakalimutan niyo na ba. Pamangkin ni Zeke si Yijun, nakakapasok siya sa bahay nila Zeke," wika nito sa kaniyang mga kasama

"Ano ba ang iniisip mo ngayon Jin Yang?," may halong takang tanong ni Jian Yi sa kanya

"Gawin ninyo akong pain," biglang singit na sabi ni Yijun sa kanila

Bigla namang napangiti ng ang lahat sa kanyang sinabi.

"Siguraduhin mo lang Yijun na wala kang ibang gagawin," biglang turan ng isang babae sa kanya

"Wag kang mag-alala, itatama ko na ang mali ng nagawa ko. I will help them for you," nakangiti nitong sagot

"Make sure of it..Dahil kung hindi, kakalimutan ko ang lahat ng ugnayan na meron tayo, lahat-lahat," walang emosyong saad ng dalaga sa kanya

"Don't worry Feng Yan, hindi ko hahayaan na gawin mo yan," sagot nito

"Woahhh! Mabuti naman at nagbago na ang isip mo. Tama nga yang gagawin mo Yijun, masama si Zeke. Sadyang hindi mo lang talaga nalalaman dahil uncle mo siya," saad sa kanya ni Jian Yi

"Kung ganon, ano ang plano natin? Hindi tayo basta-basta pwedeng lumusob doon ng wala man lang ka plano-plano," biglang tanong ni Tian Qi

"Yan ang kailangan natin pagisipan ng plano at wala pa si Xian, we need him right now," wika naman ng binatang si Li Zi Feng

"Sasama ako sainyo," biglang sabad ng dalaga sa kanila kaya naman napalingon sila dito na may halong pagtataka

"Feng Yan, delikado ang pupuntahan namin. Dito ka na lang sa bahay, hintayin mo na lang kami," saad sa kanya ni Yijun

"HINDI! Sasama ako sainyo. Walang delikado sakin, training kaya ako. Kaya kahit anong sabihin niyo, sasama parin ako," matapang nitong sagot

Gusto mang tumanggi ng lahat pero wala silang magagawa. Kilala nila si Feng Yan, kahit anong gawin mo sa kanya. Hindi ito maniniwala. Sasama't sasama parin siya, kaya imbes na makipagtalo sa kanya isasama na lamang nila ito.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Where stories live. Discover now