Chapter 67: Zeke's Daughter

81 12 0
                                    

"Hatred and Sorrow of the Mafia Empresses"
Written by: @LadyTorment

Chapter 67: Zeke's Daughter

[Scarlett POV]

"Sa tingin mo, kapag ba nakita niya ako magiging masaya ba siya?" wika nito habang nakatingin sa labas ng window

Nasa biyahe pa kasi kami, malayo-layo pa ang mansion namin.

"Sa tingin ko...O-oo, tiyak na masaya yun kasi buhay ka," sagot ko sa kanya kahit hindi ko alam kung tama ba ang isinagot ko sa kanya. Ayoko naman kasing saktan siya habang nasa biyahe kami, baka hindi na siya sumama sa akin.

Tiningnan niya ako sa aking mga mata.

Nagkatitigan kami ng matagal, na tila ba binabasa niya ang aking isipan kung nagsasabi ba ako ng totoo. Hindi nagtagal bumalik na siya sa dati niyang pwesto. Nakatingin na ulit ito sa labas ng window.

"Malapit na tayo," sabi ko sa kanya na ikinatango lamang nito

Pinaharurut ko na ng mabilis ang aking sasakyan upang makarating na kami. Pagod na rin kasi ako.

"Nandito na tayo," saad ko sa kanya ng nasa tapat na kami ng gate. Hindi man lang siya kumibo.

Agad kong pinindot ang busina ng kotse ko. May lumabas naman na maid upang pagbuksan kami ng gate. Saktong pagbukas ng gate ng magsalita ito.

"Nandiyan parin ba si Kim?" wika nito na ikinataka ko naman. Bakit niya naman hinahanap si Kim na maid namin.

"Oo, bakit?" bigla itong napalingon sa akin na ikinabigla ko dahil sa nakita kong reaksyon nito.

"Pumasok na tayo," malamig nitong sabi na ikinatahimik ko bigla

Anong nangyari sa babaeng ito? Kanina malungkot tapos ngayon parang papatay. Ano bang meron kay Kim.

Sumunod ako sa sinabi nito. Agad kong binuksan ang makina ng kotse at pumasok na sa loob. Pinark ko ang kotse ko sa garahe. Nang naipark ko na ang kotse, agad naman siyang bumaba at mabilis naglakad papasok ng mansion.

May kutob akong parang may masamang mangyayari. Kaya naman sinundan ko na siya. Nasa tapat na ako ng pinto ng marinig kong nagtatawanana ang lahat. Hindi ba nandito pa ang burol ng pekeng Qin Sang. Bakit parang masaya pa sila.

Nakita ko si Qin Sang na nakatayo malapit sa kanila. Hindi siya napapansin ng lahat dahil sa lakas ng tawa nilang lahat. Alam kong nasasaktan na siya sa oras na ito. Hinanap ko si Xian, nandoon siya nakaupo katabi ni..ni...Mae. Masaya silang dalawa.

Hindi ko na kaya ang nakikita ko. Mabuti pa alisin ko muna si Qin Sang dito. Baka masaktan pa siya lalo. Lalapit na sana ako ng bigla itong nagsalita na ikinalingon naman ng lahat.

"Tila yata masaya kayo habang may nakaburol sa mansion," walang emosyon nitong sabi. Kita ko kung gaano silang lahat nagulat.

"Q-qin, i-ikaw ba yan! Pero p-paano-" utal na tanong ni Tian Qi

Hindi kumibo si Qin sa tanong nito. Bagkus naglakad ito patungo sa baul na nakaburol. Anong gagawin niya?

I think, kailangan kong pumunta sa kanya para samahan. Naglakad ako patungo sa kanilang lahat.

"What a tired day," bungad kong sabi sa kanila na mas lalong ikinagulat pa nila. Tiningnan ko si Mas habang nakangiti sakin. Nginitian ko din siya pabalik.

"What the! S-sino ang babaeng yan," biglang tanong ni Li Ze Feng

"Why don't you ask Mae Shin about me," i said at naglakad na palapit kay Qin Sang

"You're wrong. Xian is not happy to see me. She's happy with Mae," wika nito ng makalapit na ako sa kanya

"I'm sorry, i thought he will be happy to find out that your still alive," i said full of sincerely

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Where stories live. Discover now