Chapter 18: Another Problem

122 13 0
                                    

Chapter 18: Another Problem

[Mae Shin POV]

Taimtim akong nagiisip ng may biglang nagsalita mula sa aking likuran.

"Tila malalim ang iyong iniisip.?" Wika nito, kaya naman agad ko siyang nilingon

"Nandiyan ka na pala dad. Nasaan si Mike.?" Sabi ko

"Nandoon kay Mecca." Sagot nito

"Ganon ba, sige po maupo kayo."

Nandito parin ako sa hardin, ayoko pa kasing matulog.

"Gabi na, bakit narito ka pa sa labas.? Baka sipunin ka.?" Nag-aalala nitong sabi

"Hindi pa kasi ako dinadalaw ng antok. Besides, mabuti na rin siguro na sanayin ko ang aking sarili na mapuyat."

"Mau problema ka ba.? At tiyak nasaan ba si Min.?" Tanong nito na ikinatingin ko sa ibang direksyon

"Si Min ba.? Nandoon sa silid niya natutulog." Sabi ko

"Himala ang aga niya naman matulog. Ang pagtatanda ko ikaw ang nauuna matulog. Mae, umamin ka nga. May problema ka ba.?" Ani nito na ikinakaba ko

"Mae! Kilala mo ako. Iba ako magalit." Turan nito muli

Nilingon ko siya at sabay yakap sa kaniya ng mahigpit.

"Daddy Zeke, h-hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Maging si Min nasa panganib na. Okay lang sana kung ako lang ang mapapahamak pero pati siya nais nilang patayin." Mangiyak-ngiyak kong sabi sa kaniya

"Sshh! Tahan na anak. Alam kong nahihirapan ka ngayon pero kailangan mong maging matatag. Ilang beses ko na bang tinuro sayo na wag na wag kang iiyak kapag may problema ka. Alam mo naman na ayokong makita kayong umiiyak." Saad nito

Humiwalay na ako sa pagkakayakap ko sa kaniya, sabay punas ng mga luha.

"Min, is not okay right now. Nadaplisan siya kanina ng dagger na may lason. Mabuti at nandoon si Alicia upang painumin ng antidote." Saad ko sa kaniya na ikinatayo nito

"What!? Paano nangyari .?" Gulat nitong tanong

"I don't know. I'm in my room that time." I said

"How did they enter here.?" He asked again

"Yan din po ang tinatanong ko sa aking sarili. Paano sila nakapasok ng ganon kadali. Maraming bodyguard sa labas ng bahay at aso." Sabi ko

"Isa lang ang sagot diyan." Wika nito

Tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata.

"Ano naman 'yon.?"

"May traydor sa mga kasamahan mo." Aniya na ikinagulat ko

"Zeke! Imposible!."

"Posible na ngayon."

"I know them, hindi nila kayang pagtaksilan ako." Giit kong sabi sa kaniya

"Yes, you know them. Pero hindi ang lahat ng pagkatao nila. Sa panahon ngayon Mae, marami ng taong kayang baguhin ang kanilang postura, ugali at ang kanilang mga kinikilos na hindi natin nalalaman. Kaya kung ako sayo mag-iingat ka sa mga kasamahan mo dahil isa lang sa kanila ang gusto kang patayin maging ang kapatid mo." Pa-alala nito sakin

Kung totoo naman ang sinasabi ni Zeke, sino sa kanila ang traydor.?

Dahil sa mga sinabi niya napaupo na lamang ako. Hindi ko alam kung paano ko mahahanap ang taong yun.

"Tandaan mo Mae, nakasalalay sayo ang kaligtasan ng buong Mafia Clan, kaya kapag nakagawa ka ng mali, kahit maliit man ito, magkakaroon ng dahilan ang mga kaaway ng magulang mo na paalisin ka sa trono." Saad nito muli na mas lalong ikinabahala ko lalo

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon