Chapter 72: Scarlett Problem

88 16 0
                                    

"Hatred and Sorrow of the Mafia Empresses"
Written by: @LadyTorment

Chapter 72: Scarlett Problem

[Scarlett POV]

"Doctor Han, mabuti po at nandito na kayo," bungad sa akin ng isang nurse

"How's the patient?" i asked her

"Ngayon po, okay naman po. Wala naman po kaming nakitang problema sa ex-ray niya," sagot nito

"Wala naman palang problema, bakit niyo pa ako pinapapunta dito?" taka kong tanong

Napansin kong tumingin muna siya sa ibang deriksyon kaya naman tinaasan ko siya ng kilay. Nagpalinga-linga pa ito, para bang may tao siyang tinataguan.

"Nurse Jane, ano ba! Bakit hindi muna lang sagutin ang tanong ko. May palinga-linga ka pang nalalaman diyan," saad ko sa kanya

Bigla siyang humarap at agad akong hinila.

"Wag tayo dito mag-usap," wika nito na ikinakunot noo ko

"Huh? Bakit?"

"Nandito sila Cloud, baka marinig nila ang pinag-uusapan natin," saad nito na ikinalingon ko sa likuran. She's right, nandito nga sila. Sinundan nga nila ako dito.

I'm sure, maniniwala na sila na hindi ako si Mae.

"Dito tayo mag-usap," saad nito sabay bitaw sa kamay ko

"Marami namang pwede nating puntahan upang mag-usap, may kwarto pero bakit dito pa sa rooftop?"

"Kilala mo naman siguro kung sino si Cloud Chen hindi ba?" saad nito

"O-oo, minsan ko na silang nakasama ng ako pa si Mae. Bakit?"

"Delikado sila lalo na si Cloud, kaya kailangan bago ka makipag-usap sa taong gusto mong puntahan. Make sure, tumingin ka muna sa paligid baka nandoon lang sila para manmanan ka," wika nito na may halong pagaalala

"Hayst! Don't worry. Kaya ko ang sarili ko, hindi kagaya mo. Pumasok bilang isang nurse sa hospital namin upang makapagtago," wika ko sa kanya na ikinayuko nito

"Kahit anong tago ang gawin ko. Kahit saan ako pumunta, nahahanap parin nila ako. Kaya sana sa pagiging nurse ko, hindi na nila ako mahanap," wika nito na may halong lungkot sa kanyang boses

Tiningnan ko siya habang nakayuko parin.

"If i were you, hindi ako magtatago sa kanila. Haharapin ko sila na may tapang," sabi ko na ikinaangat ng ulo nito

"H-how? Paano ko sila haharapin kung may takot akong nararamdaman. Hindi ko nga magawang makipag-usap sa kapwa ko nurse dito, maging sa ibang pasyente," wika nito

"Come with me. I will help you if you trust me," nakangiti kong sabi sabay lahad ng kanang kamay ko sa kanya

Ngumiti ito ng matamis. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti. Agad niyang inabot ang aking mga kamay.

"May tiwala ako sayo," saad nito

"Let's go. Gusto kong makita ang pasyente na sinasabi mo," pagyaya ko sa kanya sabay lakad na pababa ng rooftop

Habang naglalakad ako, bigla akong nakaramdam ng lungkot. Iwan ko kung bakit, para bang may gustong kumawala sa puso ko.

Nang nakababa na ako, biglang nakita ng dalawa kong mga mata ang lalaking matagal ko ng gusto. May kayakap itong babae. Gusto ko siyang lapitan at tanungin kung totoo ba yung sinabi niya na hindi niya ako kailanman minahal. Kahit konti, wala siyang nagustuhan sa'kin. Lahat ba ng pinakita niya sakin ng araw na 'yon ay parti lang ng plano.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon