Chapter 50: The Old Past

98 12 0
                                    

[Mae Shin POV]

Maaga akong nagising dahil may asungot na tumawag. Kaya naman wala akong choice, bumangon na ako at naligo na.

Ang isinuot ko ngayon ay black cargo pants at black crop top printed "Mianheayo", with black shoes. All black, i love black.

Lumabas na ako ng kwarto at agad bumaba ng hagdan. Habang pababa ako, may naririnig akong boses sa may sala. Kaya naman agad akong nagtungo doon. Nakita ko silang lahat, masayang naguusap.

"Where's Elle and Nathalie.?" Bungad kong tanong sa kanila kaya naman napalingon sila sa akin

"Nasa kitchen silang dalawa." Sagot ni Cedrick kaya naman naglakad na ako patungo doon

Nang malapit na ako sa kitchen, napansin kong tahimik silang dalawa. Kaya naman agad akong lumapit sq kanila.

"Tila malalim ang iniisip ninyong dalawa." Bungad kong sabi sa kanila habang nagtitimpla ng coffee.

"Hi ate Mae. Good morning." Biglang bati ni Elle sa akin

"Good morning din. Kamusta na pakiramdam mo Elle? Masakit pa ba ang ulo mo.?" Tanong ko dito

"Hmm, hindi na po masyado. Sa katunayan nga po nagagalaw ko na ng maayos ang ulo ko." Sagot ito sabay inom ng kape

"Mabuti naman kung ganon. How about you Nathalie? Kamusta pakiramdam mo.?" Bigla kong tanong sa tahimik na Min. Pakiramdam kong may problema siya kaya ang tahimik niya ngayon.

"Ate Nathalie?" Tawag ni Elle sa kanya habang niyuyugyog

"Ah eh, a-ano yun.?" Utal nitong tanong

"Tinatanong ka ni ate Mae kung kamusta na daw pakiramdam mo." Wika ulit ni Elle dito

"Ah yun ba.? Okay naman na ako. Sa totoo nga pwede na ako magtrain." Wika nito na tila may iniisip.

"That's good. Akala ko hindi ka pa magigising dahil sa lason. Mabuti at meron pa akong natitirang potion para sa lason." Sabi ko

"Thank you ate Mae." Sabi nito

"Welcome, sige maiwan ko muna kayo dito. May pupuntahan pa kasi ako." Sabi ko

"Saan ka naman pupunta ng ganitong oras.?" Takang tanong ni Elle

"Sa airport." Tipid kong sagot

Naglakad na ako palabas.

"Ano namang gagawin mo sa airport.?" Tanong nito ulit. Hindi ko alam na susunod siya. 

"May susunduin lang ako." Sagot ko ulit sa kanya

"Eh sino naman.?"

Hayst! Hindi ko alam na makulit din pala siya.

"Makikilala mo din sila mamaya. Kaya wag ka ng puro tanong, mahuhuli na ako." Sabi ko kaya naman tumango na lamang ito.

I tap her shoulder.

"Alam ko na gusto mong sumama sa'kin pero hindi pwede." Sabi ko

"I know." Malungkot nitong sagot

"Sige na bumalik ka na sa kitchen."

"Okay."

Naglakad na ito pabalik ng kusina. Ako naman naglakad na palabas ng bahay. Nakita ko pa nga sila Cloud sa labas ng gate. May hinihintay ba sila sa labas.? Sino naman kaya.?

Hindi ko na lamang ito pinansin, bagkus sumakay na ako ng kotse ko at pinaharurut ito ng mabilis. Nakita pa nga nila ako, bakas sa kanilang mga mukha ang pagtataka.

(Phone's ringing...)

"Yes, hello." Sagot ko sa tumawag

"Nasaan ka na.? Nakalapag na kami ng airport. Ikaw na lang ang wala." Wika nito

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Where stories live. Discover now