CHAPTER 30

87 5 0
                                    

Habang naglalakad ako papunta sa parking lot agad kong nakita si Manong nakatayo sa tabi ng kotse kaya agad niya akong nilapitan.

"Ma'am bakit po kayo umiiyak?"nag-alala niyang tanong kaya napatingin ako sa kanya.

"Wala po Manong."sabi ko sabay pahid ng aking mga luha.

"Ma'am si Boss nagkita na ba kayo? At saka yung baon na ibibigay mo sana sa kanya naiwan mo rito kotse."sabi niya.

"Manong pwede mauna ka nalang sa Mansyon kasi may pupuntahan lang ako."sabi ko.

"Pero Ma'am baka magalit si Boss sa akin kapag hindi kita sinamahan, saan po ba kayo pupunta? Sasamahan ko na kayo."sabi niya.

"Huwag na at saka Manong huwag kang mag-alala uuwi rin ako kaagad, ako na ang bahalang mag-explain kay Demon."sabi ko kaya tumango nalang siya.

"Mauna na po ako Ma'am."sabi niya at pumasok na siya sa loob at pinahurot ang kotse.

Andito ako ngayon sa labas naghihintay ng taxi.
Kailangan ko munang mapag-isa.

Ayokong umuwi sa Mansyon ng Demon na 'yon!

Kaya andito ako ngayon sa loob ng kotse habang iniisip ang nangyari kanina.

Sino kaya ang babaeng 'yon!

Bakit nag-iba si Demon no'ng pumasok ang sexy na babae na 'yon!

Teka?

Siya yung babaeng nakabangga ko noon na nagalit sa akin.

Ano kaya siya ni Demon?

ATHENA!

Ano ba itong iniisip mo!
Huwag mong sabihin nagseselos ka sa babaeng 'yon!

Haist!
Maganda ako kisa sa babaeng 'yon at saka patay na patay si Demon sayo kaya huwag kang shunga d'yan!

Katawan lang naman ang maganda sa kanya.

Pasalamat siya buntis ako!

Buw*sit Athena ano ba itong iniisip mo tumahimik ka nga utak!

Pero bakit parang kumikirot ang puso ko!

"Buw*sit!"galit kong sabi kaya napatingin si Manong sa akin.

"Ma'am andito na po tayo kanina pa ako naghihintay."sabi niya kaya doon ako natauhan.

"Sorry po Manong by the way ito po ang bayad."sabi ko at inabot sa kanya ang bayad bago ako lumabas ng taxi.

Andito ako ngayon sa labas ng bahay namin.

Kaya napagdesesyonan kong pumasok sa loob.

Namimiss ko na ang bahay na ito.

Lalong-lalo na sina Mama at Papa.

"Huwag po kayong mag-alala Mama, Papa ipaghihigante ko kayo!"galit kong sabi sabay tulo ng aking mga luha.

DEMON POV

Andito ako ngayon sa Mansyon.
Ngayon lang kasi ako nakarating galing sa companya at 10:07pm na pala ng gabi.

"Apo kasama mo ba si Athena?"tanong ni Lola sabay lapit sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Teka akala ko umuwi rito?!"galit kong tanong.

"Hindi siya sumama sa Driver na'tin pauwi rito at saka ang sabi niya may pupuntahan lang daw siya at uuwi agad."sabi niya kaya napayukom ang aking kamao.

At agad na akong lumakad upang puntahan ang Driver namin.

"BUW*SIT BAKIT MO HINAYAAN SI ATHENA!"sigaw ko.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now