CHAPTER 60

61 3 0
                                    

Wala na akong ibang mapuntahan kundi sa dating Mansyon kung saan ako unang dinala ni Demon.

Mabuti nalang hindi nakalock ang gate pati na ang pinto ng Mansyon.

Wala naman kasing may taong pumupunta rito kasi magubat.

Nang makapasok na ako sa loob ng Mansyon agad kong nakita ang tali kung saan ginamit ito ni Demon no'ng kinidnap niya ang mga magulang ko.

Kinuha ko ito sabay tulo ng aking mga luha.

"Namimiss ko na po kayo Mama, Papa."umiiyak kong sabi habang yakap yakap ang tali.

"Sana kinuha niyo nalang ako kasi pagod na pagod na akong mabuhay."sunod kong sabi.

Hindi ko na kaya.

Gustong-gusto ko na mamatay.

Kakampi na ni Claire si John at Demon kaya heto ako ngayon nag-iisa.

Kung na buhay lang sana ang mga anak ko mayroon na akong kasama ngayon.

DEMON POV

Andito ako ngayon sa pool kausap si Lola gusto niya kasing makipag-usap sa akin.

"Apo bakit mo naman 'yon ginawa kay Athena, alam mo naman hindi pa siya nakamove on sa nangyari sa mga anak niyo."sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Kasalanan niya naman kung bakit namatay ang mga anak ko!"galit kong sabi.

"Paanong kasalanan niya? Alam mo Demon walang kasalanan si Athena sa nangyari sa mga anak niyo dahil ikaw naman ang pumili na iligtas siya! Sana pinili mo ang mga anak mo kundi sana hindi ka naging ganito ngayon!"galit na sabi ni Lola at ngayon ko lang siyang nakita na galit ng ganito sa akin.

Kaya tinalikuran ko na siya.

"Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon kaya sana sundin mo naman ang puso mo huwag yung puro galit lang!"galit niyang sabi at tuluyan na akong umalis.

Nakakainis talaga!

Mahal ko siya pero galit na galit parin ako!

Kung hindi lang sana siya nakipagkita kay John hindi sana nangyari ito!

"Demon anong pinag-usapan niyo?"tanong ni Claire sabay lapit sa akin pero hindi ko siya pinansin.

Kailangan ko munang mapag-isa.

Habang nagmamaneho ako ng kotse napatingin ako sa cellphone ko.

Bakit hindi man lang tumawag si Athena?

Demon tumahimik ka nga!

Pinaalis mo na siya sa Mansyon mo kaya imposibleng babalik iyon!

Pipindutin ko na sana ang number ni Athena sa phone ko nang parang may pumigil sa akin.

"Hindi pwede! Wala na akong pakialam sa kanya!"galit kong sabi sa aking sarili sabay tapos ng phone ko sa backseat ng kotse.

"Buntis si Claire kaya dapat nasa kanya ang atensyon mo ngayon!"galit kong sabi sa aking sarili.

ATHENA POV

10:30pm na nang gabi at andito ako ngayon nakahiga sa kama nang bigla nalang nagring yung phone ko kaya agad ko iyon kinuha sa table at sinagot ang tawag.

Si John?

"Bakit?"tanong ko.

"Athena nabalitaan ko umalis kana raw sa Mansyon ni Demon."sabi niya kaya tumayo ako sa kama upang pumunta sa terrace upang magpahangin.

"Si Claire ba ang nagsabi sayo?"sarkastiko kong tanong at bigla nalang siyang tumahimik sa kabilang linya.

So tama nga ako na si Claire ang nagsabi sa kanya.

Magkakampi nga sila.

"I'm sorry Athena."sabi niya.

"Bakit ka humihingi ng tawad? Hindi ba gusto mo rin naman 'yan na lukuhin ako? Kaya okay lang na magkampihan kayo!"galit kong sabi sabay tulo ng aking mga luha.

Buw*s*t na mga luhang ito palagi nalang tumutulo!

"Athena hindi ko intensyon na lukuhin ka pero sana bigyan mo ako ng chance."sabi niya.

"Anong chance John! Niluko niyo akong lahat! Sinaktan niyo ako at nagtiwala ako sayo bilang kaibigan pero anong ginawa mo sa akin! Buong akala ko pagkatiwalaan kita pero huli na kasi meron ng nagsabi sa akin na kasabwat mo si Claire!"galit na galit kong sabi habang sunod sunod na pagtulo ang aking mga luha.

"Kaya please huwag ka nang tumawag sa akin kasi mas lalo mo akong sinasaktan!"galit kong sabi sabay patay ng tawag.

Aalis na ako bukas sa mansyon na 'to at kailangan ko nang magpakalayo.

Pero naalala ko ang sinabi sa akin ni Garrel.

What if papatayin niya talaga si Demon.

Sasabihin ko ba kay Demon ang mga plano niya?

Pero paano?

Maniniwala kaya si Demon sa akin?

"Bakit ka nandito?!"

Napahinto ako sa kakaiyak nang bigla nalang may nagsalita sa aking likuran.

Teka?

Parang kilala ko ang boses na 'yan.

Kaya napatingin ako at tama nga hinala ko.

Si Demon masama ang titig sa akin.

Hindi ako makapagsalita.

Anong sasabihin at gagawin ko?

Aalis nalang kaya ako rito?

Pero papaano nakita niya na ako.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now