CHAPTER 45

76 6 0
                                    

ATHENA POV

Andito ako ngayon sa garden.

Iba ito kisa sa mansyon ni Demon na malawak at maraming mga bulaklak.

Hinimas ko ang aking tiyan.

"Malapit ka nang lumabas anak."nakangiti kong sabi.

Hindi ko na pala namalayan na nasa tabi ko na si Yaya Esterlita.

"Ma'am Athena gusto mo bang maglakad-lakad sa labas?"tanong niya.

"Oh sige po."sabi ko.

Nang nando'n na kami sa labas   ng gate.

Teka?

Bakit parang sumasakit ang tiyan ko?

"Yaya ang sakit ng tiyan ko."sabi ko habang hinahawakan ang tiyan ko kaya agad akong inalayan ni Yaya.

"Ma'am may dugo po sa heta mo."kinakabahan niyang sabi kaya napatingin ako.

"Yaya ang anak ko!"umiiyak kong sabi.

Ang sakit sakit talaga.

At agad may dumating kotse at lumabas si Demon.

"Boss si Ma'am dinudugo."kinakabahang sabi ni Yaya kaya agad akong binuhat ni Demon upang ipasok sa loob ng kotse upang dalhin sa Hospital.

JOHN POV

Andito ako ngayon sa Office nang bigla nalang tumawag ang katulong ko na si Esterlita na si Athena dinala raw ni Demon sa Hospital dahil dinudugo ito.

Kaya agad na akong pumunta sa aking kotse upang puntahan si Athena.

Sana walang may masamang mangyari sa kanya.

FLASHBACK

"Sir John i'm sorry talaga pero bawal talaga sa buntis na magtake ng ganitong gamot."sabi ng Doctor.

"Ano ang gagawin ko? Hahayaan ko nalang si Athena? At ngayon hindi pwedeng operahan si Athena dahil buntis siya at hindi siya pwedeng uminom 'yan? Paano kapag sinumpong siya ng sakit niya sigurado akong dalawa talaga sila ng anak niya ang mamatay!"galit kong sabi kaya napayuko nalang siya.

"Pero dapat alam po ng asawa ni Miss Athena ang gagawin mo Sir John kasi pwede kang kasuhan kapag ginawa mo ito sa anak niya pati ako madadamay."sabi ng Doctor.

"Ibigay mo sa akin ang gamot ako na ang bahala kay Athena! At saka ipapangako ko sa iyo na hindi ka madadamay sa problemang ito."galit kong sabi.

Magsasalita na sana siya nang bigla nalang ako nagsalita.

"Kung makunan man si Athena para rin naman ito sa kanya para mas mapadali ang operasyon niya at siguradong mabubuhay siya."sabi ko.

END OF FLASHBACK

"I'm sorry Athena, ginawa ko naman ito para sa iyo, ayokong mawala ka sa buhay ko kasi parang kilala na kita at saka wala namang pakialam si Demon sayo at sa anak mo kaya ako nalang ang magdedesisyon kung ano ang dapat na gawin para sa'yo at sa anak niyo."sabi ko habang nagmamaneho ng kotse.

"Masama ang ginawa kong pagbigay sa iyo ng gamot pero ito lang ang tanging paraan upang makaligtas ka sa sakit mong 'yan."sunod kong sabi.

ATHENA POV

Nagising ako sa isang kwarto na halos puti lahat ang makikita.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may sakit ka!?"galit na tanong ni Demon kaya napatingin ako sa kanya malapit sa pinto.

Hindi ako makapagsalita sa tanong niya.

Ngayon alam niya na ang totoo ano na ang gagawin ko?

"SANA SINABI MO SA AKIN! KASI MUNTIK NG MALAGLAG ANG ANAK KO D'YAN SA SINAPUPUNAN MO!"sigaw niya.

At ngayon parang tutulo na ang mga luha ko.

Nakakatakot siya.

Parang bumalik ang dating Demon kung paano magalit.

"Hindi ko naman alam."mahina kong sabi sabay tulo ng aking mga luha.

Buw*s*t!
Bakit hindi ko mapigilan!
Bakit ang hina ng puso ko sa mga ganitong sitwasyon.

"HINDI MO ALAM? PERO ALAM MO NA BUNTIS KA AT DALIKADO PARA SA BATA ANG MGA GAMOT NA INIINOM MO!"sigaw niya sabay lapit sa akin at hinawakan ang aking braso ng sobrang higpit.

"Nasasaktan ako Demon."umiiyak kong sabi kaya binitawan niya na ako.
Lumayo siya at sinuntok ang pader sa sobrang galit habang ako naman ay umiiyak.

"I'm sorry hindi ko alam na dalikado."umiiyak kong sabi kaya napatingin siya sa akin.

"KAYA NGA AKO LUMAYO SA IYO UPANG HUWAG MONG SAKTAN ANG SARILI MO PERO SANA HUWAG MO NAMANG IPALAGLAG ANG ANAK KO!"sigaw niya.
Hindi ko na alam ang sasabihin ko.
Galit na galit na talaga siya sa akin.

"KUNG PATAYIN MO ANG ANAK KO HINDI MO MAGUGUSTUHAN ANG GAGAWIN KO SA'YO!"galit niyang sabi sabay labas.

Hindi ako makapaniwala.
Hindi ko na alam ang iisipin ko habang sunod-sunod nalang na pagtulo ang aking mga luha.

"Napakasama kong ina!"umiiyak kong sabi.

DEMON POV

Andito ako ngayon sa labas.
Naiinis ako kay Athena!

Bakit niya iyon ginawa?
Hindi niya ba alam na pwede iyon ikapahamak ng anak namin.

"Demon."sabi ni John kaya napatingin ako sa kanya.

"Nasaan si Athena, okay lang ba siya?"tanong niya kaya napangiti ako ng sarkastiko.

"Bakit mo hinayaan si Athena na uminom ng gamot!"galit kong sabi.

"Hindi ko siya hinayaan dahil ako mismo ang nagbigay ng gamot na 'yon sa kanya."sabi ni John kaya biga ko siyang sinuntok.

"HINDI MO BA ALAM NA IKAPAHAMAK NG ANAK KO IYON! NANG DAHIL SA IYO MUNTIK NA MALAGLAG ANG ANAK KO!"sigaw ko habang hinahawakan ang kanyang damit.

"GINAWA KO IYON PARA KAY ATHENA! KAYA PWEDE BA DEMON MAGPAKASELFISH KANA MAN KAHIT MINSAN! INTINDIHIN MO SI ATHENA!"sigaw niya kaya sinuntok ko siya ulit.

"KUKUNIN KO SI ATHENA AT DOON NA SIYA TITIRA SA MANSYON HANGGANG MANGANAK SIYA!"sigaw ko sabay bitaw sa kanya.

"KAYA HUWAG KANG MANGIALAM DAHIL ASAWA KO NAMAN SIYA!"sigaw ko.
Haist!

Lalakad na sana ako nang bigla siyang nagsalita.

"PAANO SI ATHENA? SIGE KUNG GUSTO MONG MABUHAY ANG ANAK MO DAPAT KAYA MO RIN MABUHAY NA WALA SI ATHENA!"sigaw ni John.

Wala na akong pakialam sa mga mangyayari basta ang alam ko lang walang mapapahamak sa kanilang dalawa dahil pareho ko silang mahal.

Kaya kong ipagamot si Athena!
At kaya kong ibigay ang puso na kailangan niya.

Pero naguguluhan na ako.

Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Hindi ko nga alam Demon kung ano ang ginawa mo sa akin! Pero ramdam ng puso ko kung ano ka talaga klaseng tao! Kung kaya mong mamatay lang si Athena, pwes ako hindi! Dahil gagawa ako ng paraan upang gumaling siya!"sabi niya kaya umalis nalang ako.

Ayoko siyang pansinin!

Isa lang siyang lason sa isip at sa mga plano ko para sa mag-ina ko.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now