CHAPTER 47

75 4 0
                                    

Maraming araw ang nakalipas heto ako ngayon masaya kasama si Demon Martinez.
Hindi niya man pinapakita ang mukha niya sa akin pero nararamdaman kong mahal na mahal niya ako.

Palagi niya nga akong inaalagaan at ayaw niya na kumakain ako ng kahit ano.

Gusto niya gulay, prutas at gatas lang.

Hayss ano na kaya ito.

Kaya heto na man si ako sinusunod siya.
Hayss kaya 'yan Athena basta para lang sayo at sa mga anak mo.

Ang sabi niya kasi para naman ito sa mga babys namin at sa akin.

Pinapatingin niya rin ang puso ko sa Doctor at ang sabi ng Doctor na dapat ma operahan na raw ako sa mas lalong madaling panahon dahil mas lalong lumala ang sakit ko sa puso dahil kapag hintayin ko pang manganak ako bago operahan baka malagay sa panganib ang buhay ko.

Ayaw ni Demon na ngayon ako operahan dahil pwedeng malagay din sa panganib ang buhay ng mga anak ko.

Napakalungkot kasi pakiramdam ko kailangan ni Demon pumili sa amin.

Masakit isipin na mas mahal ni Demon ang mga anak ko kisa sa akin pero tama ang desisyon niya.
Hindi naman ako galit dahil kung ako rin ang pipiliin mas pipiliin ko parin ang mga anak ko kisa sa buhay ko.

Andito nga pala kami ngayon ni Demon sa garden nagpapahangin.

"Pangako ko sa'yo gagawin ko ang lahat maligtas lang kayong tatlo."sabi ni Demon sabay hawak sa kamay ko kaya ningitian ko siya.

"Ayokong mawala ng kahit isa sa inyo dahil hindi ko kakayanin Athena."sabi niya.

"Basta Demon kahit anong mangyari pipiliin mo parin ang mga anak natin."sabi ko kaya napatingin siya sa akin.

"Huwag kang mag-isip ng ganyan, kasi alam kong kakayanin mo at malalagpasan natin ang problema na'to."sabi niya kaya bigla ko siyang niyakap ng mahigpit sabay tulo ng aking mga luha.

"Maraming salamat."sabi ko kaya napatingin siya sa akin na nagtataka.

"Salamat kasi kahit pinagtabuyan kita papalayo ginawa mo parin akong tulungan."sabi ko kaya pinahid niya ang aking mga luha gamit ang dalawa niyang palad.

"Huwag kang magpasalamat sa akin kasi ginawa ko ito dahil mahal na mahal kita at ang mga anak natin."sabi niya kaya napangiti ako.

May ganito palang side si Demon.

Akala ko masama siya pero kung makilala mo talaga ang totoong pagkatao niya mabait siya, maalaga at mapagmahal.

Pero nakapagtataka dahil hanggang ngayon hindi parin niya pinapakita ang mukha niya sa akin.

"Demon."sabi ko.

"Ano?"tanong niya.

"Pwede ko na bang makita ang mukha mo?"tanong ko at bigla nalang siyang tumahimik.

Tumayo siya sa upuan at lumayo sa akin.

"Athena okay na siguro na ganito nalang tayo kasi ayokong makita mo ang mukha ko at baka maalala mo lang ang mga nangyari, ayokong iwan mo ako tulad ng dati."sabi niya habang nakatalikod sa akin.
Hindi ko talaga siya maintindihan.
Akala ko si John ang Boyfriend ko noon.
Pero naging kami ba ni Demon?

Haist!

Nakakasira naman ng brain na 'to!

"Pero-"magsasalita na sana ako nang bigla siyang tumingin.

"Darating ang araw na magpapakita na ako sa iyo at yung araw na iyon ay tanggap mo na talaga ako ng buong puso mo."sabi niya

Nakapagtataka talaga.

Sino ka ba Demon Martinez.

Bakit ang gulo-gulo mo.

Curious na talaga ako sa iyo.

Baka mamatay na ako na hindi ko nakikita ang mukha na 'to.
Haist!
Kalungkot.

"Sir Demon may naghahanap po sa iyo."sabi ni Yaya kaya napatingin kami kung sino.

"Hi Demon."maarteng sabi ni Claire sabay lapit kay Demon at niyakap ito ng mahigpit.

Alam niyo kung wala lang sigurong bonet ito si Demon sigurado akong nahalikan niya na ito sa labi.
Haist!
Ang landi!

"Bakit ka nandito?"tanong ni Demon kaya napatingin si Claire sa kanya.

"Namiss kasi kita at saka pwede ba tayong mamasyal wala namang meeting eh."malanding sabi ni Claire habang hinihimas ang dibdib ni Demon.

At ito namang si Demon syempre nagustuhan.

Haist makaalis na nga!

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now