CHAPTER 97

69 2 0
                                    

Hindi ko na pala namalayan na nasa pinto na si Demon nakatingin sa amin.

Nilapitan niya kami at niyakap ng sobrang higpit.

"Masakit ang pagkawala ni Deiven pero sana huwag mong pababayaan ang sarili mo."sabi ni Demon kaya napatingin ako sa kanya.

"Mahal na mahal ko kayo."sabi niya at ngumiti ako.

Maraming araw ang nakalipas andito kami ngayon sa companya at inayos na ni Demon ang mga problema.
Pagkatapos nito pupuntahan namin ang anak ni Claire.
Naaawa ako sa bata kasi wala na siyang ibang malapitan kundi kami lang.
Kababata niya pa upang mawala ang mga magulang niya.

"Athena dapat Ma'am na pala ang tawag namin sa'yo."nakangiting sabi ni Jessa.

"Naku kahit si Demon ang Boss niyo at kahit magpakasal pa kami huwag na huwag niyo akong tatawaging Ma'am naku para na akong matanda 'yan hehe."sabi ko.

"Magagalit si Boss kapag Athena lang ang tawag namin sa'yo kasi sinabihan niya kami na dapat tratuhin ka namin tulad ng pagtrato namin sa kanya."sabi niya.

"Basta huwag niyo akong tawaging Ma'am ako bahala do'n."nakangiti kong sabi.

By the way hindi ko pala na sabi sa inyo na wala ng bonet si Demon sa harap nila.

Pero okay naman ang lahat wala naman silang naalala o nakita kay Demon na may nagawa sa kanila na masama.

Okay na yung companya at yung mga business partner ni Demon na hindi pabor sa kanya pinaalis niya na.

Minsan nga naalala ko si John tuwing pumupunta ako rito kasi no'ng nagugutom ako sa mga oras na nagtatrabaho ako, siya lang ang concern sa akin.

Napapangiti nalang ako nang hindi ko namalayan.

Kahit marami man siyang nagawang kasalanan sa akin napatawad ko parin siya.

Iba ang John or Deiven na nakilala ko.

Ginawa niya lang 'yon kasi mahal niya ako.

Siguro ako lang itong may problema kasi mukhang pinaasa ko siya na akala niya sa kanya lang ako.

Pero iba.

Si Demon parin ang mahal ko.

At malaki rin ang pasasalamat ko kay John dahil kung hindi dahil sa kanya hindi ko minahal si Demon.

Nakilala ko si Demon at minahal dahil kay Deiven.

Maraming salamat Deiven.

"Ma'am Athena tulala kana naman riyan."sabi ni Julius kaya napatingin ako sa kanya.

"Ah wala."sabi ko.

"Naalala mo siguro si Sir John."nakangiting sabi ni Jessa kaya ngumiti nalang ako.

At nagulat kami nang biglang pumasok sa loob ng office si Demon kasama sina Ice at Nic.

"Mommy."masayang sabi ni Ice  sabay takbo papalapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

"Nagugutom na ba kayo?"tanong ko.

"Yes po."sabi ni Nic habang hinihimas ang kanyang tiyan hehe ang cute niya parang si Demon.

"Lets go?"sabi ni Demon kaya nagpaalam na ako kina Jessa na lalabas muna kami.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon