CHAPTER 63

70 3 0
                                    

"Ngayon nakikita mo na ang mukha ko mamahalin mo pa ba ako?"tanong niya sabay lapit sa akin.

Natatakot ako sa kanya.

"HUWAG KANG LUMAPIT!"sigaw ko habang umiiyak.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko takot at lungkot dahil sa nangyari noon.

"Kaya naging ganito ako sayo Athena! I'm sorry kung ginahasa kita noon dahil sa walang kwentang rason!"galit niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya sabay tulo ng aking mga luha.

"Bakit ha! Ano ba ang kasalanan ko kung bakit mo ginawa 'yon sa'kin! Naghiwalay kami ni John nang dahil sa'yo! Sinaktan ako ng Lolo ko nang dahil sayo! Makasarili ka!"sigaw ko at nakita kong napatulo ang kanyang mga luha.

"Ngayon si Claire na ang mahal mo edeh magpakasal na kayo! Wala naman akong pakialam sa'yo kasi unang-una sa lahat hindi kita minahal! Tapos may ginawa ka pa sa akin upang makalimutan ko ang nakaraan! Para ano Demon? Para mahalin kita?!"galit kong sabi.
Habang siya naman ay tahimik na nakikinig sa akin.

"OO TAMA NGA ANG SINABI MO NA MALAKI ANG PAGKAKAMALI ANG NANGYARI SA ATIN KAGABI! KASI DIRING-DIRI AKO SA SARILI KO DAHIL PINATULAN KITA DEM*NYO KA!"sigaw ko sabay tulo ng aking mga luha.

"HINDI KO MAISIP KUNG BAKIT NGAYON MO LANG PINAKITA ANG MUKHA MO SA AKIN! PARA ANO? PARA HINDI KO NA KAYO PAKIALAMAN NI CLAIRE? SANA NOONG UNA PALANG DEMON PINALAYA MO NA AKO! BAKIT NAGKAROON PA TAYO NG ANAK TAPOS GANITO LANG PALA ANG MANGYAYARI!"umiiyak kong sabi.

Ang sakit-sakit.

Niluko niya ako!

Kaya pala kay Claire lang siya nagpapakita dahil magkakampi sila noong una palang.

Wala siyang kw*ntang Ama sa mga anak ko!

"Mas mabuti ngang nawala na yung kambal natin kasi kapag lumaki sila at malaman ang totoong ginawa mo sa akin hindi ko alam kung matatanggap ka nila!"galit kong sabi kaya bigla niyang hinawakan ang aking braso nang sobrang higpit.

"Kung nagsisisi ka Athena na bumuo sila sana! Hindi nalang kita minahal noon! Buong buhay ko pinagsisihan ko ang ginawa ko sa'yo pero hindi ako nagsisisi na nagkaroon tayo ng anak!"galit niyang sabi sabay bitaw sa akin.

Kaya tinalikuran niya na ako.

"Bumalik kana kay John kasi wala na akong pakialam sa'yo!"galit niyang sabi bago lumabas sa kwarto kaya umiyak nalang ako nang umiyak sabay upo sa sahig.

DEMON POV

Andito ako ngayon nagmamaneho ng kotse.

Ngayon alam niya na ang nangyari noon.

Siguro babalikan niya talaga si John.

Kasi si John naman talaga ang totoong mahal niya hindi ako.

Napatulo ang mga luha ko dahil naalala ko na naman ang nangyari noon.

Iba ako kay John kaya gano'n nalang ka mahal ni Athena ang kambal ko.

FLASHBACK

"Demon ano ka ba! Sundin mo kaya ang kambal mo mahilig sa sports at saka maraming dinadalang babae rito."sabi ni Mommy habang ako naman ay busy sa ginagawa ko.

Andito kasi siya sa kwarto kung saan ako nag-iimbento ng mga gamot.
Gusto ko kasi maging isang mahusay na Scientist.

Tama kayo.
Mahilig ako sa Science at habang si Deiven naman mahilig sa sports kaya palagi siyang lumalabas samantalang ako taong bahay lang.

"Demon!"galit na sabi ni Mommy pero hindi ko parin siya pinansin.

Kaya heto lumabas na siya.

Bahala siya sa buhay niya.

Nakalipas ang dalawang oras bigla nalang nagring yung phone ko at tumawag si Athena?

Kaya ito naman si ako agad kong kinuha iyon at sinagot ang tawag ng babaeng mahal ko.

Kahit boyfriend ni Athena ang kambal ko hindi ko talaga maiwasan ang sarili ko magkagusto sa kanya.

Sino ba naman hindi magkakagusto kay Athena mayaman, maganda at matalino.

Pero ang turing niya talaga sa akin parang Bestfriend niya na kinakausap kapag may problema siya sa kambal ko.

"Athena bakit ka umiiyak?"nag-alala kong tanong habang siya naman ay umiiyak sa kabilang linya.

"Demon nakita ko kasi si Deiven may kasama na namang babae kanina."umiiyak niyang sabi.

"Hayaan mo na siya sasabihan ko 'yon mamaya!"galit kong sabi.

Bakit palagi niya nalang sinasaktan si Athena.

Buw*s*t!

"Please Demon tulungan mo ako upang lumayo ang babaeng 'yon kay Deiven ayokong mawala si Deiven sa akin."umiiyak niyang sabi kaya napapikit nalang ako.

Athena hindi mo ba napapansin na nagseselos ako tuwing nagsasalita ka ng ganyan.
Kailan mo pa kaya ako magugustuhan?

Napatingin ako sa sarili sa salamin at nakaglass ako na parang nerd mahaba ang buhok na parang Scientist at nakaputi na mahabang damit na parang nakatoga.
Hindi niya talaga ako magugustuhan dahil ganito ang itsura ko samantalang si Deiven mahilig sa ibat-ibang damit na parang korean style.

"Demon?"sabi niya.

"Oh sige tutulungan kita."sabi ko at binaba ko na ang tawag.

END OF FLASHBACK

Napatulo ang mga luha ko.

Ginawa ko 'yon Athena noon dahil ayokong mapunta ka sa kambal ko.

Gusto ko sa akin ka lang.

Pero iba na ang sitwasyon ngayon.
Si Claire na ang mahal ko at magkakaroon na kami ng anak.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now