CHAPTER 76

62 2 0
                                    

May narinig kaming parang paparating kaya hinila bigla ni Demon ang kamay ko at pinasok niya ako sa dressing room.

"Ano ba!"sigaw ko at tinakpan niya ang bibig ko gamit ang mga palad niya at nilock ang pinto.

"Ang ganda naman ng damit na'to sana magkasya sa akin."masayang sabi ng babae.

"Teka? Bakit nakalock ito?"tanong ng isang babae.

"Haist doon na nga tayo sa kabila!"galit na sabi ng babae at umalis na silang dalawa.
Kaya binitawan na ako ni Demon.

"Baliw ka ba!"galit mong sabi.
Bubuksan ko na sana ang pinto nang bigla na lang siyang nagsalita.

"Hindi mo pa na sagot ang tanong ko!"galit niyang sabi kaya napatigil ako.

"At ano pa Demon? Lumayo ka nga sa akin kasi may mga anak na ako!"galit kong sabi.

"Pwede ba Athena huwag ka namang ganito sa akin!"galit niyang sabi kaya napangiti nalang ako ng sarkastiko.

"Demon naalala mo naman siguro ang sinabi mo sa akin noon! Wala na tayo kaya dapat lumayo kana sa akin!"galit kong sabi at bigla niyang hinawakan ang aking mukha gamit ang dalawa niyang palad.

"Patawarin mo ako sa mga nagawa ko Athena, Oo inaamin ko sinabi ko 'yon pero nagsisisi ako dahil nagawa ko 'yon sa'yo na hindi naman dapat, matagal na kitang hinahanap dahil hanggang ngayon mahal na mahal parin kita."sabi niya habang nakatingin sa aking mga mata.

Alam kong totoo ang sinabi niya.

At ramdam na ramdam ng puso ko ang pagmamahal galing sa kanya.

"Demon please huwag ka namang ganito sa akin kasi nasasaktan ako! May anak na ako kaya lumayo kana sa akin masaya na ako kay John."sabi ko sabay tulo ng aking mga luha.

Hindi ko alam kung bakit ko 'yon sinabi at nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot habang nakatingin sa akin.

"Kasalanan ko ang lahat kung bakit naging ganito tayo, at hindi ako naniniwala na masaya ka kay John kasi kilalang-kilala kita Athena."mahina niyang sabi.

"I'm sorry."sabi ko.
Tatalikuran ko na sana siya nang bigla nalang niya akong hinila at hinalikan sa labi.

Ginalaw niya ang labi niya habang ako naman ay tulalang nakatingin sa kanya.

Napapikit ako dahil sa pagmamahal na nararamdaman ko sa bawat halik na binibigay niya sa akin.

Hindi ko na pala alam na tumutulo na ang mga luha ko.

Kaya tinulak ko siya.

"Please tama na."umiiyak kong sabi at tinalikuran ko siya.

Nang buksan ko ang pinto agad kong nakita si Nic at Ice nakatingin sa amin ni Demon.

Kaya agad ko pinahid ang aking mga luha gamit ang dalawa kong palad habang ang dalawa kong anak masamang nakatingin kay Demon.

"Mommy, why are you with that guy inside the dressing room?"gulat na tanong ni Nic sabay hila sa akin.

"What did you do to our mom?"galit na tanong ni Ice kay Demon.

"I'm going to tell Daddy na pinaiyak mo si Mommy!"sigaw ni Nic kaya tinakpan ni Demon ang bibig niya.
Kaya gulat akong napatingin kay Demon.
Anong ginagawa niya sa anak ko.

"Let go of my brother!"galit na sabi ni Ice habang pinapalo si Demon braso.
Kaya pinigilan ko siya.

Naku mga anak huwag dito nakakahiya baka may makarinig.

"Shhh keep quiet, may snake d'yan na kumakain ng batang maingay."sabi ni Demon sabay turo sa dressing room kaya napatingin ang dalawa kong anak sa akin na gulat na gulat at parang natatakot haha ang cute.

"Is that true Mommy?"tanong ni Nic kaya tumango nalang ako.

"It's a good thing na sinamahan ko yung Mommy niyo sa loob, if not, your Mommy would be eaten by the big snake."sabi ni Demon habang ang dalawang bata ay natatakot na nakatingin sa kanya.

Baliw talaga itong si Demon ang daming alam.

"Can you stay here with us? It's so scary in here."sabi ni Ice sabay lapit kay Demon kaya napatingin si Demon sa kanya.

"Okay, I will protect you from that big snake."nakangiting sabi ni Demon.

"Let's go."nakangiti kong sabi at hinawakan ko na silang dalawa.

Kaya heto kami ngayon sa palabas na ng mall habang si Demon naman sumusunod sa amin.

"Thank you po for this toys."nakangiting sabi ni Ice kay Demon.

"Your welcome."nakangiting sabi ni Demon sabay himas sa ulo ni Ice habang si Nic naman masama parin ang tingin kay Demon haha.

Mahirap itong si Demonic parang ayaw niya kay Demon haha same lang naman sila ng name.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now