CHAPTER 1

293 13 0
                                    

Hi My name is Athena Robert I'm 24 years old nagtatrabaho sa DM company.
Andito ako ngayon sa office at napatingin ako sa clock ko sa ibabaw ng table ko.

9:40pm na pala ng gabi.

Haist!
Nakakapagod naman magtrabaho rito.
Sobrang suplado pa naman ng Boss ko haist!
At saka kapag meron kalang sobrang liit na mali syempre parang lilindol na ang building na ito.
Saan kaya 'yon pinaglihi?

"Ten uwi na tayo."pag-aaya ni Kent sa akin kaya napatingin ako sa kanya nasa pinto siya nakatayo habang nakangiti.
Haha ang laki ng eyebags niya pero gwapo pa naman niya.

Si Kent isa sa mga lalaking kaibigan ko rito sa DM company at siya lang ang tanging concern sa akin.
Ang bait nga niya sa akin palagi niya nga akong dinadalhan ng baon tuwing papasok ako rito.

"Sige, wait lang aayusin ko muna ang mga gamit ko."sabi ko at tumango naman siya.

"Sa labas nalang kita hintayin."sabi niya.

"Oh sige."sabi ko at lumabas na siya.

Kaya inayos ko na ang mga gamit ko para makauwi na ako kaagad.
Mabuti nalang may motor si Kent kaya libre na ang pangtaxi ko haha.
Kuripot kaya ako.

Habang naglalakad ako palabas ng office bigla nalang akong may narinig na sigaw.

Teka?

Si Kent 'yon.

Kaya tumakbo ako papalapit kung saan si Kent sumisigaw.
Anong nangyari sa kanya?

"Athena tulungan mo ako!"sigaw niya.

Kaya tumakbo na ako papunta sa rooftop.

Nang nando'n na ako agad kong nakita si Kent at lalaking nakamask na tinutukan si Kent ng kutsilyo sa leeg.

"Teka! Sino ka!"sigaw ko sabay tibok ng aking puso.
Kinakabahan ako baka ano ang gawin niya kay Kent.

"Athena tulungan mo ako."kinakabahan na sabi ni Kent kaya tumawa nalang ang lalaki na parang demonyo.

"Anong kasalanan ni Kent sayo! Bitawan mo siya!"sigaw ko.

Papalapit na sana ako sa kanila nang bigla niyang hiniwa ang leeg ni Kent at tinulak kaya nahulog si Kent.
Nagulat ako sa nangyari hindi ako makapagsalita.

At bigla nalang tumulo ang luha ko dahil sa takot.

"Huwag na huwag kang lalapit sa mga lalaki! Naintindihan mo! Akin kalang!"galit na sabi ng lalaki.

Kaya napatingin ako sa kinaroroonan lalaking nakabonet pero wala na ito.

Nanindig na ang aking mga balahibo.
Natatakot na ako.
Baka babalikan niya ako.

Nagising ako sabay tulo ng aking mga luha.
Napatingin ako sa salamin at nakikita ko ang sarili ko na takot na takot.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin.
Napatingin ako sa pinto at nakita ko si Mama na papalapit sa akin.

"Ma."sabi ko sabay tulo ng aking mga luha kaya bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit.

"Anak huwag ka nang umiyak."malungkot niyang sabi.

"Si Kent Ma yung kaibigan ko wala na siya."umiiyak kong sabi habang nakatingin sa kanyang mga mata.

"Huwag ka nang umiyak."sabi niya sabay yakap ulit sa akin.

"Bumangon kana riyan ipaghahanda kita ng pagkain."sabi niya at tumango nalang ako.

"Huwag ka nang umiyak."sabi niya sabay yakap ulit sa akin at lumabas na siya ng kwarto ko.

Napatingin ako sa drawer ko at hinahanap ko ang picture ni Kent.

Teka?

Nasaan na 'yon?

Kaya hinalungkat ko lahat ng gamit ko pero hindi ko talaga makita.

Kaya agad na akong lumabas ng kwarto at nakita ko si Mama at Papa na nagtatalo.

"Ano ba Aljun! Hindi nababaliw si Athena! Siguro totoo yung sinabi niya tungkol sa Kent na 'yon!"sigaw ni Mama.

"Hindi naman natin kilala ang Kent na 'yon! At saka Oo nagtatrabaho si Athena roon pero no'ng pinuntahan ko ang companya na 'yon at ang mga Pulis at ang sabi walang balitang may namatay kagabi!"galit na sabi ni Papa kay Mama.

"Anak mo si Athena! Kaya pwede ba tanggapin mo naman na totoo yung sinasabi ng anak ko!"galit na sabi ni Mama sabay tulo ng kanyang mga luha kaya napatulo rin ang mga luha ko.

"Isipin mo nga ang nangyari noon sa kanya! Na trauma lang siya sa nangyari noon! Kaya siguro kahit ano-ano ang iniisip niya!"galit na sabi ni Papa kaya nilapitan ko sila ni Mama at nagulat sila nang makita ako.

"Pa! Nakita ko ang nangyari! Hiniwa ang leeg ni Kent at tinulak siya ng lalaking nakamaskara!"sigaw ko habang tumutulo ang aking mga luha.

"Anak tama na."sabi ni Papa.

Lalapitan niya sana ako nang bigla nalang akong nagsalita.

"Iyon na nga ang nangyari sa akin hindi niyo ako paniniwalaan? Sinabihan ako ng lalaki na huwag daw ako lalapit na kahit na sino! Sa kanya lang daw ako Ma! Kaya please lang Pa! Natatakot na ako! Kahit paniwalaan niyo lang ako sana makakatulong kayo sa akin! Totoo yung sinasabi ko!"sigaw ko habang umiiyak.

"Anak."sabi ni Mama sabay lapit sa akin kaya tumakbo na ako palabas ng bahay.

Sasagasaan na sana ako ng isang magarang sasakyan na kulay black mabuti nalang mabilis itong huminto.
Lumabas ang lalaking naka suit.

"Athena?"gulat na sabi ni Sir Jhon isa sa mga business partner ni Boss.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now