CHAPTER 50

79 4 0
                                    

ATHENA POV

Nagising ako na wala si Demon sa tabi ko saan na kaya ang lalaking 'yon?

Kaya agad na akong pumunta ng cr upang maghilamos.
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko agad na akong bumaba at nakita ko si Lola Lorna na naghahanda ng almusal.

"Apo gising kana pala."nakangiting sabi ni Lola kaya ngumiti rin ako habang lumalapit sa kanya.

"Nasaan si Demon?"tanong ko.

"Apo sinabi niya kasi sa akin na mayroon siyang meeting ngayon at saka ako na raw ang magsasabi sa'yo kasi ang himbing daw ng tulog mo."nakangiting sabi ni Lola kaya tumango nalang ako sabay ngiti.

Hayyss kinikilig na naman ako.

Sana gano'n nalang si Demon.
At sana hindi na bumalik ang dati niyang pag-uugali.

Kaya ko siya siguro minahal ngayon dahil nag-iba na siya at nakikita ko na ang tinatagong side niya.

"Apo kumain kana."sabi ni Lola kaya umupo na ako sa upuan upang kumain.

DEMON POV

Andito ako ngayon sa parking lot kung saan nagtatrabaho ang Doctor na nagbigay kay Athena ng gamot.

Hindi ko parin nakakalimutan ang Doctor na 'yon!

At nakita ko siya palabas ng kanyang kotse kaya agad na ako lumabas ng kotse ko at mabuti nalang walang tao.

Kaya madali lang iligpit ang Doctor na 'to!

"Sino ka?!"takot niyang tanong kaya napangiti ko ng sarkastiko sabay tutok sa kanya ng baril.

"Malaki ang kasalanan mo sa akin at sa mga anak ko!"galit kong sabi.

"Ano? Hindi kita maintindihan!"takot niya sabi.
At nakaraan ang ilang sigundo bigla nalang nag-iba ang expression niya na parang gulat na gulat siya.

"Ikaw si Demon Martinez?"gulat niyang tanong kaya binaril ko na siya sa ulo.

"Bagay 'yan sa isang katulad mo!"galit kong sabi at tinignan ko ang cctv at agad ko iyon binaril.
Pumasok na ako sa kotse ko at pinahurot na ito.

Wala pwedeng tumangkang pumatay sa mga anak ko dahil kapag nalaman ko!

Ililibing ko siya ng buhay!

Napatingin ako sa cellphone ko dahil tumawag si Claire.

Haist!

Buw*s*t!

Kaya pinatay ko na iyon.

Hindi ko siya gusto kaya bahala siya sa sarili niya kung gusto niyang magmukhang tanga sa harap ko.

Pasinsya Athena pero ginagawa ko naman ito para sa iyo mahal kita kaya dapat akin ka lang!

Hindi dapat maalala ni John ang tungkol noon gano'n na rin ikaw Athena!

Kasi hindi ako papayag na kunin ka niya sa akin!

ATHENA POV

Habang nakaupo ako sa sala bigla nalang may tumawag sa akin.

Bakit Unknown number sino kaya ito?

Kaya sinagot ko nalang baka si Demon.

"Hello?"sabi ko.

"Athena nandito ako ngayon sa labas ng Mansyon ninyo, pwede ba kitang makausap?"tanong ni

John?

Paano niya nalaman ang number ko?

Haist!

Lagot na naman ako nito kay Demon pagnagkataon.

"Pe-"magsasalita na sana ako nang bigla nalang siyang nagsalita.

"Please Athena kahit sandali lang."sabi niya kaya huminga ako ng malalim.

"Wait lang."sabi ko at pinatay ko na ang tawag.

Hindi ko na siguro sasabihin kay Lola at sa mga katulong dito na gustong makipag-usap ni John baka kasi magsumbong sila kay Demon lahat kami malalagot.

"Lola labas lang muna ako."sabi ko.

"Ano gagawin mo roon?"tanong niya.

"Amm gusto ko lang pong maglakad-lakad."nakangiti kong sabi.

"Pasasamahan nalang kita."sabi niya.

"Hindi na po babalik din naman ako kaagad baka kasi may gagawin pa sila rito sa loob."sabi ko at tumango nalang siya.

Hayy salamat pumayag.
Kaya heto ako ngayon naglalakad palabas ng gate.

Nang makalabas na ako agad kong nakita si John malapit sa puno.
Kaya agad ko siyang nilapitan.

"Kamusta kana?"tanong niya kaya napakunot ang noo ko.

Okay lang ba siya?

"Okay naman, ikaw?"tanong ko.

"Okay din."sabi niya.

"Bakit gusto mong makipag-usap sa akin?"tanong ko sabay tingin sa paligid baka kasi darating si Demon.

"Athena gumawa ka ng paraan upang makita ang mukha ni Demon."sabi niya.

Ano?

Iyan lang ang sasabihin niya?

Pero bakit?

Haist!

"Bakit naman?"tanong ko.

"Lahat ng kasagutan sa mga katanungan natin doon natin malalaman tungkol noon."sabi niya na kinagulat ko.

Pati si John nagtataka rin tungkol sa nakaraan?

Paano niya nalaman at sino ang nagsabi sa kanya?

"Hindi kita maintindihan John, yung mukha ni Demon dapat nating makita para masagot lahat ng iyon? Grabe ano ito magic?"natatawa kong tanong at bigla niyang hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Please Athena maniwala ka naman sa akin para naman sa atin ito kung ano talaga ang nakaraan natin at kung ano si Demon."sabi ni John kaya tumahimik nalang ako.

Anong gagawin ko?

Tama kaya siya?

Susundin ko kaya ang sinabi niya?

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now