CHAPTER 87

52 3 0
                                    

JOHN POV

Andito na ako ngayon sa bahay at tumakbo na ako papasok sa loob ng kwarto ng mga anak ko pero wala sila.

Hindi ko na sila nakita.

Tinignan ko ang buong bahay pero wala na talaga sila kaya agad kong binasag ang lahat ng crystal sa bahay ko.

"BUW*SIT KA TALAGA ATHENA!"sigaw ko dahil sa sobrang galit.

"PAPATAYIN KITA PATI NA ANG MGA ANAK MO!"galit kong sabi kaya tinawagan ko si Claire baka alam niya kung nasaan na ngayon sina Athena.

Tiningnan ko yung phone ni Athena.
Talaga lang ha!

Iniwan niya pala ito upang hindi ko malaman kung nasaan sila!

"John?"tanong niya.

"Wala na sila rito!"galit na galit kong sabi at narinig kong tumawa siya nang malakas.

"Ang bagal mo kasi kaya ayan na una na naman si Demon sa'yo."sabi niya.

"Tulungan mo ako! Kaya kitang bayaran ng ilang billion makuha ko lang si Athena!"galit kong sabi.

"Kahit hindi kana bumayad basta ibalik mo si Demon sa akin! Ayy nga pala! Kahit patayin mo nalang ang kambal nila okay 'yon sakin haha."sabi niya.

Talaga lang Claire!

Kasi papatayin ko na talaga sina Ice at Nic.

ATHENA POV

Andito kami ngayon sa Mansyon na luma kung saan ako dinadala ni Demon noon.

Sabi niya kasi hindi ito alam ni John.

Habang nakahiga sa kama ang mga anak ko na natutulog.

Napatingin ako kay Demon.

"Sigurado ka bang hindi masama ang gamot na pinainom mo sa kanila?"tanong ko kaya lumapit siya sa akin sabay hawak sa mukha ko.

"Alam mo naman na hindi ko sasaktan ang mga anak ko at saka maya-maya gigising na sila."sabi niya kaya tumango nalang ako.

FLASHBACK

Andito na kami ngayon sa bahay ni Deiven at agad na akong tumakbo sa loob at nakita ko sina Ice at Nic naglalaro.

"Mga anak, let's go sumama kayo sa akin."sabi ko sabay hawak sa kamay nilang dalawa habang si Demon naman nasa tabi ko na nakatingin sa kanila.

"But Mom, Dad told us na hindi tayo lalabas."sabi ni Nic.

"Oo nga Mom, Dad don't want us to become friends with him, Dad even showed us his pictures and told us that he is bad!"sabi ni Nic habang tinuturo si Demon.

Nilason na nga ni Deiven ang utak ng mga anak ko.

"I'm sorry Mom but we will do what Daddy told us."sabi ni Ice kaya lumapit si Demon sa kanila.

"Please sumama na kayo sa amin ng Mommy niyo."sabi ni Demon at bigla nalang kinuha ni Nic ang car niya at binalik iyon kay Demon.

"Daddy told us masama ka raw! Killer ka!"galit na sabi ng anak ko na kinagulat ko.

Ano ba ang ginawa ni John sa mga anak ko!

"Demonic! Don't talk to him like that!"galit kong sabi sabay hawak sa braso niya.

"Isn't it true Mommy?! And Daddy said you killed our grandma!"galit na sabi ni Nic kaya pinigilan ako ni Demon.

"Huwag mo siyang sasaktan!"galit na sabi ni Demon sa akin kaya binitawan ko na si Nic.

At nagulat nalang ako nang may biglang kinuha si Demon na dalawang gamot at pinainom niya iyon kina Ice at Nic kaya nawalan sila ng malay.

"Anong ginawa mo!?"galit kong tanong kay Demon.

"Bilisan na natin!"sabi niya at binuhat niya na ang mga anak niya at dinala sa kotse.

END OF FLASHBACK

"Demon ano na ang gagawin natin?"kinakabahan kong tanong.

"Pupunta tayo ng London para doon hindi tayo mahanap ni Deiven."sabi niya kaya tumango nalang ako.

Alam kong hindi niya kayang patayin si Deiven kasi kakambal niya.

Pero na kaya niya ngang patayin ang mga magulang niya si Deiven pa kaya?

JOHN POV

Andito ako ngayon sa condo ni Claire.

"Hahanapin ko sila!"galit kong sabi.

"Haha hahanapin mo pero nandito ka?"sarkastiko niyang tanong sabay lapit sa akin.

"Huwag kana mang stress Deiven, andito naman ako."sabi niya sabay upo sa heta ko.

Haist!

Si Athena ang hinahanap ko hindi siya!

At bigla niya akong hinalikan sa leeg.

Ayoko siyang pansinin.

Dapat kong malaman kung saang lungga sila ngayon nagtatago.

ATHENA POV

"Mommy."sabi ni Ice.

Hay salamat gising na sila.

"Why are we here? Where's Daddy?"tanong ni Nic kaya hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Mga anak I hope you understand me, I'm only doing it for your own good."sabi ko.

"Mommy he is dangerous! Daddy told me that he's going to hurt us."sabi ni Nic kaya niyakap ko siya nang mahigpit.

"Don't be scared of him."sabi ko kaya sabay silang napatingin sa akin.

"Why Mom?"tanong ni Ice.

"Because si Demon ang totoo niyong Daddy."sabi ko na kinagulat nilang dalawa.

"Demon pala yung name niya Mommy?"gulat na tanong ni Ice habang si Nic naman napaisip.

"That's why you named us Demonice and Demonic kasi Demon pala ang name ng Daddy namin?"gulat na tanong ni Nic kaya tumango nalang ako.

"That's why you don't have to be afraid of him because he won't hurt us. Okay?"sabi ko habang sila naman tahimik lang.

Pasinsya mga anak pero dapat niyo na talagang malaman na si Demon ang totoong Daddy niyo.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now