CHAPTER 83

57 5 0
                                    

ATHENA POV

Maraming araw ang nakalipas andito ako ngayon kumakain kasama si John habang ang dalawa kong anak naman nasa kwarto natutulog.
Kakarating niya lang kasi galing sa companya kaya heto ginising niya ako upang samahan siya kumain.

"Athena magpakasal na tayo."sabi ni John kaya napatingin ako sa kanya.

Ano sabi niya?

Magpapakasal kami?

Ano na ang sasabihin ko?

Hindi ko kayang magpakasal sa kanya.

"John kasi-"hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla nalang siyang nagsalita.

"Bakit Athena! Hanggang ngayon si Demon pa rin  ba ang mahal mo! Mabuti nga pinauwi ko na kayo rito sa Pilipinas tapos hindi ka magpapakasal sa akin!"galit niyang sabi sabay tayo sa upuan kaya napatingin ako sa kanya.

Sumusubra na talaga siya.

"Hindi pa ba okay sayo na kasama mo kami ng mga anak ko? Sana maintindihan mo naman!"galit kong sabi kaya lumapit siya sa akin sabay hawak sa braso ko nang sobrang higpit.

Nakakatakot ang mga titig niya sa akin.

"John nasasaktan ako!"galit kong sabi habang pinipilit kong  hinihila ang aking braso.

"Sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal tayo!"galit niyang sabi.

"Pwede ba John huwag ka namang ganito sa akin! Kasi nagsasawa na ako!"galit kong sabi kaya mas lalo niyang hinigpitan ang pagkahawak niya sa akin.

Wala talaga siyang awa sa akin.

Nagulat nalang ako nang biglang bumaliktad ang sikmura ko kaya binitawan niya ako at dali-dali akong tumakbo papunta sa lababo.

Nakalipas ang maraming sigundo bigla nalang ako natauhan sa nangyari sa akin ngayon.

Ganito rin ang nangyari sa akin no'ng pinagbubuntis ko sina Nic at Ice.

Hinawakan ko ang aking tiyan.

Buntis ba ako?

Pero paano?

"Athena."sabi ni John kaya napatingin ako sa kanya.

"Buntis ka?"masaya niyang tanong sabay lapit sa akin.

Hindi ako makapagsalita.

Dahil palagi nalang ako may nararamdaman na parang sumasakit ang ulo ko.

Sign na talaga iyon na buntis ako.

"Maging Daddy na talaga ako?"masayang tanong ni John at niyakap niya ako nang sobrang higpit.

Hindi ko alam kung anak ba niya ito o kay Demon.

Pero sigurado akong kay Demon ito dahil pakiramdam ko masaya ako.

"Kaya dapat magpapakasal na tayo para magiging anak natin."masayang sabi ni John habang hinihimas ang aking tiyan.

"Promise, simula ngayon maging mabait na ako sayo para sa maging baby natin."nakangiti niyang sabi kaya ningitian ko nalang siya ng mapait.

Baliw na talaga siya.

Hindi na siya ang John na nakilala ko.

DEMON POV

Andito ako ngayon sa kwarto habang nakatingin sa picture nina Demonice at Demonic sa laptop ko.

"Babawiin ko kayo pati na ang Mommy niyo."sabi ko.

Mahal na mahal kita Athena.

Alam kong nagalit ka man sa akin noon dahil sa ginawa ko sa'yo at kung bakit ko sinira ang buhay mo kasama si John.

Pero ramdam na ramdam ko na ako parin ang mahal mo hindi si John.

FLASHBACK

Kakatapos lang nang kasal namin ni Athena kaya heto kami ngayon sa kwarto nagsasama.

Nilapitan ko siya habang nakahiga siya sa kama na sobrang tahimik.

"Athena."sabi ko sabay hawak sa kanya.

"Demon please layuan mo ako!"umiiyak niyang sabi sabay layo sa akin.

Alam kong nandidiri siya sa akin at sa mga nagawa ko sa kanya pero Athena alam ko sana mapatawad mo ako dahil kung hindi ko ito gagawin alam ko ang gagawin ni Deiven sa'yo.

"Bakit pa tayo nagpakasal Demon! Ayaw kitang makasama! Please lumayo kana sa akin!"sigaw niya habang sunod-sunod na pagtulo ang kanyang mga luha.

"Athena sana mahalin mo rin ako."sabi ko kaya napatingin siya na sobrang galit na galit sa akin.

"Sa lahat ng ginawa mo sa akin sa tingin mo mapapatawad pa kita? Ang k*pal din naman ng pagmumukha mo Demon!"galit niyang sabi kaya tinalikuran ko na siya.

Hindi mo ako maintindihan kung bakit ko 'yon ginawa sa'yo Athena.

Hinding-hindi kita kayang saktan kaya uminom ako ng gamot bago kita gahasain para magawa ko 'yon sa'yo, dahil kung hindi ipapakasal ka ng Lolo mo kay Deiven at ayokong mangyari iyon dahil alam ko ang plano ni Deiven sa'yo at sa Lolo mo.

Ito lang ang tanging paraan upang maging akin ka at alam kong kapag sinabi ko sayo ang totoo hindi kana man maniniwala sa akin.

Patawarin mo ako Athena.

Dahil unang-una sa lahat hindi kita kayang saktan.

Mahal na mahal kita.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang bigla nalang siyang nagsalita.

"PALAGI MONG ISAKSAK SA KUKUTI MO DEMON MARTINEZ! HINDING-HINDI KITA MAMAHALIN AT SI DEIVEN LANG ANG LAMAN NG PUSO KO!"galit niyang sabi kaya napatulo ang aking mga luha.

Ganyan na talaga ang galit niya sa akin.

Maraming araw ang nakalipas nalaman nalang namin na patay na ang Lolo ni Athena at sa akin iyon lahat sinisi ni Athena.

Nagplano sila ni Deiven na ikukulong nila ako kaya heto ako ngayon tinitignan ang mga gamot na ginawa ko.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko basta gusto ko lang tumahimik na ang lahat at makasama ko si Athena.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon