CHAPTER 18

108 6 0
                                    

Bigla nalang kumabog ang aking dibdib nang biglang pumasok sa isip ko na baka buntis ako.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko kung maeexcite ba ako.

Bigla nalang tumulo ang mga luha ko.

What if malaman ito ni Demon ano kaya ang mararamdaman niya?
Pero hindi dapat niyang malaman na buntis ako baka kukunin niya ang anak ko at baka ito rin ang habol niya sa akin.

Agad kong pinahid ang mga luha ko gamit ang aking dalawang palad.

"Pero Athena dapat siguraduhin mo mamaya kung buntis ka ba talaga."sabi ko sa aking sarili.

At napagdesesyonan ko ng lumabas ng cr baka hinahanap na ako sa office.

Nang nando'n na ako agad kong nakita ang mga katrabaho ko masama ang tingin sa akin.

Pero hindi ko sila pinansin at pumunta na ako sa table ko.

"Athena!"galit na sabi ni Kathleen Gubian isa sa mga kasama namin dito sabay lapit sa akin.

"Bakit?"tanong ko habang nakatingin sa loptop ko.
Ayoko silang tignan.

Alam kong galit sila sa akin.

Lahat kasi sila nakahanda sa meeting na 'yon tapos ako lang ang hindi.
At napakamalas lang kasi ako yung tinanong ni Demon.

"Bakit tinatanong mo pa 'yan! Haha baliw ka ba!"Galit niyang sabi.

"Tumingin ka nga sa amin!"galit na sabi ni Jane kaya napatingin ako sa kanila.

"Pasinsya hindi ko napag-aralan na pagod kasi ako sa pagtype kahapon."sabi ko.

"Pinatawag ako kanina ni Boss Athena at ang sabi na ikaw lang daw ang magreport sa kanya tungkol sa ginawa nating project at dapat mo iyon galingan upang ma approve."sabi ni Trisha kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano? Pero napaka unfair naman kung ako lang ang magreport no'n sa kanya at saka ako naman ang nagtype ng mga documents hindi ba?"sabi ko at napangiti ng sarkastiko ang mga kasamahan ko except kay Trisha, Jessa at Julius.

"Jessa totoo ba?"tanong ko sabay tingin sa kanya at tumango naman siya kaagad.

"Kaya ako sayo Athena Robert! Pag-aralan mo ng mabuti para hindi ka mapahiya haha."sabi ni Kathleen habang tumatawa at pumunta na siya sa table niya.

Ano na ang gagawin ko sobrang dami pa naman no'n.
Sigurado akong hindi ako makakatulog sa Project na 'to.

"Athena gawin mo na at saka alam mo naman iba magalit si Boss."sabi ni Julius kaya tumango nalang ako wala na akong magagawa.

Nakakainis ano ba ang kasalanan ko sa Demon na 'yon!
Hindi muna ako magpapahalata sa kanya na kilala ko siya baka mas lalong magalit 'yon.
Magpretend lang ako sa harap niya na walang nangyari rito sa companya.

9:30 na ng gabi at andito ako ngayon nag-aayos ng mga gamit ko.
Nang nakatayo na ako agad kong nilapitan si Trisha.

"Trisha kailan daw yung deadline ng report ko?"tanong ko kaya napatingin siya sa akin.

" Sa Monday."sabi niya na kinagulat ko.

"Teka hindi ba Friday ngayon at saka kulang naman ang araw upang pag-aralan ko yung report ko."reklamo ko.

"I'm sorry Athena pero 'yan talaga ang sabi ni Boss kanina."sabi niya kaya huminga nalang ako ng malalim.

Haist!

Ano na ang gagawin ko!

Wala pa naman akong loptop upang dalhin sa Mansyon at saka bukas dito ako matutulog?   Natatakot ako

"Mauna na ako."sabi ko at tumango naman siya bago ako lumabas ng office.

Habang naglalakad ako pakiramdam ko naman na walang may sumusunod sa akin kaya agad akong pumara ng taxi upang pumunta sa drugstore upang bumili ng PT.
Pagkatapos ko ng bumili andito ako ngayon sa Mansyon.

Nasaan na kaya ang lalaking 'yon?

Nagugutom na ako.

Napag-isipan kong pumunta sa kitchen upang maghanap ng makakain nagugutom na talaga ko promise.

Hayss mabuti nalang may nakita ako ditong dilata kaya ayon binuksan ko na at kumuha ako ng kanin at kumain.

Promise gutom na gutom na ako at nahihilo.

Sa gitna ng aking pagkain bigla nalang may nagsalita mula sa pintuan.

"Bakit ngayon ka lang?"galit niyang tanong kaya napatingin ako sa kanya.

Sino pa ba?

Syempre si Demon AKA Mr. Bonet

Haist palagi nalang galit.

"May binili lang ako."sabi ko at tumayo na sa upuan upang hugasan ang platong ginamit ko.

"Tinatanong kita!"galit niyang sabi sabay hawak sa balikat ko ng sobrang higpit kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano ba ang problema mo! Bitawan mo nga ako!"galit kong sabi habang pinipilit na hinihila ang balikat ko sa pagkakahawak niya pero malakas talaga siya kisa sa akin.

"Hindi mo pa rin ako kilala!"galit niyang sabi habang nakatingin sa aking mga mata nakakatakot ang mga tingin siya sa akin at sigurado akong may gagawin siyang masama sa mga magulang ko at mga kaibigan.

"Hin..di."nauutal kong sabi sabay iwas ng tingin habang hawak hawak niya parin ang braso ko.
Kinabahan ako sa sunod niya ginawa kasi bigla niyang kinuha ang kutsilyo sa likod ko at pinakita iyon sa akin.

"Wala pang ibang taong nakakilala sa akin!"galit niyang sabi habang pinapatingin sa akin ang kutsilyong hawak niya.

"Ano..ng ga..gawin mo sa..kin?"kinakabahan kong tanong sa kanya.

"At kapag may taong gustong makita sa mukha ko at makilala ako ito ang mangyayari sa kanya!"galit niyang sabi sabay saksak sa lababo na nasa likod ko.
Parang mahimatay ako sa ginawa niya napakademonyo niya.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon