CHAPTER 58

69 4 0
                                    

ATHENA POV

Andito na ako ngayon nag-aayos pwede na kasi akong lumabas ng  Hospital at hanggang ngayon hindi ko parin nakikitang pumunta rito si Demon.

Gusto ko siyang makausap.

"Apo tara na."sabi ni Lola kaya tumango nalang ako at sumunod sa kanya.

Andito kami ngayon sa kotse habang si Manong naman ay nagmamaneho.

"Lola may trabaho ba si Demon ngayon?"tanong ko at ngumiti lang siya sa akin.

Teka?

Bakit hindi niya sinasagot ang tanong ko?

Kaya heto hinayaan ko nalang baka pagod lang siya pabalik-balik sa Hospital at sa Mansyon.

Nakaraan ang ilang minuto andito na kami sa Mansyon.
Nang makapasok na ako sa loob agad kong nakita si Yaya Marry Jane.

"Yaya nakita mo ba si Demon?"tanong ko.

"Ma'am nasa pool po kasama si Miss Claire."sabi niya.
At bigla nalang kumirot ang aking dibdib.

Bakit sa tuwing marinig kong kasama ni Demon si Claire nasasaktan ako.

"Apo tara sa kwarto niyo."sabi ni Lola kaya tumango nalang ako.
Susunod na sana ako sa kanya nang bigla nalang ako nagsalita.

"Mauna na po kayo sa taas susunod na po ako sa inyo."sabi ko.

"Oh sige."sabi niya at agad na siyang pumunta sa taas upang dalhin ang mga gamit ko roon.

Kaya napagdesisyonan kong pumunta sa pool.

Nang nando'n na ako agad kong nakita si Demon kayakap si Claire sa bewang.

"Sana ganito nalang tayo lagi."masayang sabi ni Claire sabay tingin kay Demon.
At nakita ako ni Claire sa pinto at nakita kong napangiti siya ng sarkastiko.

"Anong gagawin mo kay Athena ngayon?"tanong niya sabay tingin kay Demon.

"Hiwalayan ko na siya."sabi ni Demon at doon na tumulo ang aking mga luha.

Demon bakit ka ba ganito?

Bakit mo lagi akong sinasaktan?

Please kahit isang araw lang huwag mo muna akong saktan ng ganito.

Kaya pinahid ko ang aking mga  luha sa aking pisngi.

"Simula ngayon papakasalan na kita."sabi ni Demon at niyakap si Claire ng mahigpit kaya tumakbo ako papunta sa garden at doon na ako umiyak ng umiyak.

Napakasama mo naman Demon!

Kakamatay lang ng mga anak natin ganyan kana agad!

Pero bakit ayaw kong maghiwalay kami?

Mahal na mahal ko siya pero bakit madali niya lang akong palitan!

Hindi niya ba alam na nasasaktan ako sa mga ginagawa niya?

Pinahid ko ang luha sa aking pisngi kasi bigla bigla nalang itong tumutulo.

"Athena hayaan mo na siya, tanggapin mo nalang na hindi kana niya mahal."sabi ko sa aking sarili sabay tulo ng aking mga luha.

DEMON POV

"Umupo kana muna rito kanina pa tayo nakatayo baka mapano ang baby natin."nag-alala kong sabi at inalayan siyang umupo kaya napangiti siyang nakatingin sa akin.

"Mahal na mahal kita Demon."nakangiti niyang sabi at bigla ko nalang naalala si Athena.

Ngayon ang uwi niya rito.
Hindi pa ako handa na makita siya!
Galit ako sa kanya kasi nang dahil sa kanya namatay ang mga anak ko!

"Dito ka lang ipagtimpla kita ng juice."sabi ko at tumango naman siya.

Kaya agad na akong pumunta sa kusina at inutusan ko si Yaya na dalhan si Claire ng Juice.

Paglabas ko agad kong nakasalubong si Athena.

ATHENA POV

Nakikita ko ngayon sa mga mata ni Demon ang galit.

Aakyat na sana ako sa taas nang bigla nalang siyang nagsalita.

"Simula ngayon dito na titira si Claire."sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Ngayon lang ako nakauwi dito mo na sya patitirahin?"galit kong tanong.

"Bakit? Kung ayaw mo edeh umalis ka rito! Basta huwag kana doon sa kwarto tutulog kasi doon na si Claire katabi ko."sabi niya kaya doon na tumulo ulit ang mga luha ko.

"Bakit Demon? Ano ba ang ginawa ko sayo kung bakit ganyan nalang ang galit mo sa akin!"galit kong sabi habang umiiyak.

"Nang dahil sayo namatay ang mga anak ko! Kaya sino ang dapat sisihin? Hindi ba ikaw! Kasi kung hindi ka lang sana lumabas ng Mansyon hindi sana naging ganito ang nangyari!"galit niyang sabi at nakikita ko ang mga katulong na nakatingin sa amin.

"Iyon na nga eh! Sana pinili mo nalang yung mga anak natin! Kasi alam mo sobra akong nagsisisi kung bakit na buhay pa ako!"galit kong sabi habang umiiyak at bigla nalang lumapit si Claire sa kanya.

"Umalis kana Athena! Layuan mo na kami ni Demon kasi magkakaroon na kami ng anak!"sabi ni Claire kaya napatingin ako sa mga mata ni Demon sabay tulo ng aking mga luha.

"Totoo ba 'yon Demon?"mahina kong tanong at napatulo ulit iyon nang tumango siya.

"Congrats sa inyong dalawa ang bilis ah."sabi ko at tinalikuran ko na sila.

Ang sakit sakit.

Sana ako nalang ang namatay!

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now