CHAPTER 73

61 6 0
                                    

Maraming araw ang nakalipas napagdesisyonan namin ni John na pumunta sa America.
Wala lang gusto ko lang lumayo rito kung saan may mga taong palagi akong sinasaktan.

Sabi ni John kaya niya raw tumayong ama para sa mga anak ko.
Masaya ako kasi kahit nawala na ang pagmamahal ko sa kanya noon kaya niya parin akong tanggapin kahit may mga anak na ako.

Kaya heto na kami ngayon sa Airport.

"Sir mag-iingat po kayo."sabi ni Yaya Jennifer.

"Sige thank you Yaya kayo na ang bahala sa Mansyon."sabi ni John at tumango naman siya.
Hindi sinabi ni John sa mga katulong na sa America kami pupunta kasi iyon ang gusto ko.

Sana masaya na si Demon kasama si Claire at ang anak nila.

DEMON POV

Maaga akong pumasok sa companya at ang sabi ng mga Empleyado na aalis na raw si John at Athena pero hindi nila alam kung saan pupunta.

Kaya napagdesisyonan kong umuwi ng mansyon at agad kong nakita si Claire lumabas ng gate at sumakay sa isang magarang sasakyan.

Saan kaya siya pupunta?

Kaya sinundan ko ang sasakyan at nakalipas ang isang oras tumigil ang sinasakyan niyang kotse sa isang condominium.

At paglabas niya teka?

Kasama niya si Garrel.
Nagkikita pala sila hanggang ngayon.
Pumasok sila sa loob kaya sinundan ko na sila.
Ayaw sana ako papasukin ng Guard at agad kong pinakita sa kanya ang I.D ko at nagulat naman siya dahil ang condominium na pinagtatrabauhan niya ay pagmamay-ari ko.

"Sorry po Sir."paghingi niya ng tawad.

"Simula ngayon ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo!"galit kong sabi.

"Sir hindi ko talaga alam-"hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil bigla kong kinuha ang baril niya at pumasok na ako sa loob at sinabi sa akin ng babae na room 28 daw si Claire Santos kaya agad na akong pumunta roon.

Nang nando'n na ako binuksan ko ang pinto at mabuti nalang hindi nakalock iyon.

"Garrel hindi pwedeng malaman ni Demon ito!"galit na sabi ni Claire habang nag-uusap sila sa isang walk in malapit sa cr kaya hindi nila ako makikita.

"Claire pwede ba! Ayokong magpakasal ka sa Demon na 'yon kasi sa totoo lang-"hindi natuloy ang sasabihin ni Garrel nang biglang nagsalita si Claire.

"Sa totoo na ano? Na hindi niya anak itong pinagbubuntis ko at anak mo ito? Oo Garrel inaamin ko na walang may nangyari sa amin ni Demon no'ng time na lasing siya! Dahil plano ko lang naman iyon at ito na buntis ako sa anak mo sana hayaan mo ako!"galit niyang sabi habang hawak-hawak ko ang baril.

"Claire sana mahalin mo naman ako! Sa akin kana magpakasal lalayo na tayo kay Demon!"parang baliw na sabi ni Garrel.

Wala akong pakialam kung sasama si Claire sa kanya!

Galit na galit ako ngayon dahil niluko niya ako!

"I'm sorry Garrel pero mamatay ako kapag mawala si Demon sa buhay ko."sabi ni Claire.

"Ngayon umalis na sina Athena at John magiging akin na siya."sabi ni Claire.

"TARA UMALIS NA TAYO RITO AKIN KA LANG!"galit na sabi ni Garrel hindi ko alam kung ano ang ginawa niya kay Claire.

"Papatayin ko ang Demon na 'yon!"galit na sabi ni Garrel kaya nagpakita na ako sa kanila at nakikita ko sa mga mata ni Claire ang takot.

"Ako papatayin mo!"galit kong sabi sabay ngiti ng sarkastiko.

"Demon."sabi ni Claire sabay lapit sa akin kaya bigla ko siyang sinakal ng sobrang higpit.

"Sinungaling ka!"galit kong sabi at lalapit na sana si Garrel nang bigla kong binaril ang braso niya kaya napasigaw siya sa sobrang sakit.

"Garrel!"sigaw ni Claire sabay lapit kay Garrel.

"Manluluko ka! Bakit mo ito ginawa sa akin!"sigaw ko habang siya naman ay patuloy na pag-agos ng kanyang mga luha.

"Demon maawa ka."umiiyak niyang sabi sabay lapit sa akin at lumuhod siya sa harap ko.

"Ako nalang ang mahalin mo."sabi niya kaya hinawakan ko ang braso niya nang sobrang higpit.

"Hindi kita mamahalin kasi hindi ko naman talaga anak 'yang dinadala mo!"sigaw ko sabay tulak sa kanya kaya umiyak nalang siya ng umiyak.

"At ikaw na lalaki ka buhay ka pa pala!"sigaw ko sabay tutok sa kanya ng baril at pinigilan ako ni Claire.

"Demon huwag!"umiiyak niyang sabi kaya tumawa ako na parang Demonyo.

"Bakit? Hindi ba gusto mo sumama sa akin? Kaya dapat mawala na ang lalaking 'to!"galit kong sabi habang nakatingin kay Claire.

"Sige patayin mo na siya basta magiging akin ka lang!"umiiyak niyang sabi kaya napangiti ako ng sarkastiko.

"Manluluko ka Claire!"sigaw ni Garrel sa kanya at kinuha ni Claire ang baril sa akin.

"Pasinsya na Garrel pero ayokong mawala si Demon sa buhay ko."umiiyak niyang sabi.

"Ako ang ama ng anak mo bakit ako yung patayin mo!"galit na sabi ni Garrel.

"D'yan ka nagkakamali Garrel kasi hindi ko naman talaga ginusto na mabuntis mo ako!"sabi ni Claire.

"Dem*nyo ka!"sigaw ni Garrel at doon na siya binaril ni Claire sa ulo.

Kaya tinalikuran ko na si Claire.

"Demon saan ka pupunta?"umiiyak na tanong ni Claire sabay lapit sa akin pero hindi ko siya pinansin.

Gusto kong malaman kung saan si Athena pumunta kasama si John.

Babawiin ko siya kay Deiven!

Kaya sumakay na ako sa kotse at pinahurot ko na ito papunta sa Airport.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt