CHAPTER 68

60 5 0
                                    

JOHN POV

Andito ako ngayon sa Companya susunduin ko kasi si Athena.
Pumunta ako ng office nila pero ang sabi ni Trisha kanina nag-usap sila ni Athena at tinuro niya ako na pumunta sa office ni Demon baka nando'n parin si Athena kaya dali-dali akong pumunta roon.

Nang nando'n na ako agad na akong pumasok sa loob at nakita ko si Demon nakatayong nakatalikod sa akin

"Nasaan si Athena?"tanong ko kaya napatingin siya sa akin.

"Bakit dito mo siya hinahanap?"sarkastiko niyang tanong.
Magsasalita na sana ako nang bigla siyang nagsalita.

"Hindi ba binigay ko na siya sa'yo! Kaya kung ayaw mong mawala siya ingatan mo!"galit niyang sabi kaya napangiti nalang din ako.

"Talaga sa akin mo 'yan sinasabi ngayon hindi sa sarili mo? Matagal ko ng iniingatan si Athena pero ano ang ginawa mo sa kanya? Oo unang-una hindi ako naniniwala kay Athena pero ngayon alam ko na ang totoo at may dahilan kung bakit mo kami pinainom ng gamot na sarili mong gawa-gawa lang!"galit kong sabi.

"Unang-una Deiven ikaw ang hindi nag-ingat kay Athena! Kaya ko nga nagustuhan noon si Athena kasi pakiramdam ko ako yung Boyfriend niya! Kasi palagi mo akong tinatawagan upang humingi ng favor na samahan si Athena! Samantalang ikaw kasama ang mga babae mo!"galit niyang sabi.

"Kaya ngayon huwag mo siyang hanapin sa akin kasi wala na akong pakialam sa kanya!"sunod niyang sabi kaya umalis na ako sa office niya.

May pagkakamali ako kay Athena pero sana naman hindi niya ginahasa ang Girlfriend ng sarili niyang kakambal!

Mahal ko si Athena kahit may mga babae ako noon.

Hindi ko alam kung bakit ako gano'n pero ngayon alam ko na ang gagawin ko at hindi ko na siya kayang lukuhin.

Andito na ako ngayon sa Parking lot at nakita ko si Athena na umiiyak.

Habang naglalakad siya bigla ko nalang nakita sa unahan ang isang red na kotse papunta kay Athena.

"Athena!"sigaw ko.

ATHENA POV

"Athena!"rinig kong sigaw ni John kaya napatingin ako sa kanya at agad siyang tumakbo papunta sa akin.

Hindi ko na pala alam na nakahiga na kami sa sahig kaya na galusan ang braso ko.

"Athena okay ka lang?"nag-alalang tanong ni John sabay tingin sa akin.

"Teka nagalusan ka sa braso."sabi niya at tinulungan niya akong tumayo upang tingnan ang braso ko.

Bakit mas masakit ang mga sinabi sa akin ni Demon kisa sa sugat ko ngayon.

Sana hindi nalang ako iniligtas ni John.

"Okay lang ako."sabi ko.

"Tara dalhin kita sa Hospital."sabi niya.

"John okay na ako at saka malayo naman ito sa bituka hindi naman ako mamatay nito."sabi ko.

"Tara na Mansyon gagamutin ko 'yan."sabi niya at dinala niya na ako sa kotse niya.

Napatingin ako kay John habang nagmamaneho siya ng kotse.

Nagbago na ba talaga siya?

Bakit nagsisisi ako na naalala ko ang lahat?

Parang gusto kong ibalik ang dating magkasama kami ni Demon.

CLAIRE POV

Habang nakahiga ako sa kama katabi si Demon bigla nalang nagring yung phone ko kaya tinignan ko si Demon upang sagutin kung sino ang tumawag.

"Haist! Bakit naman kaya tumawag ito!?"galit kong tanong sa aking sarili at unting-unti ako tumayo sa kama para hindi maramdaman ni Demon.

Agad na akong pumunta sa terrace upang sagutin ang tawag ni Garrel.

"Ano ka ba gabi na tumatawag ka pa!"galit kong sabi.

"Namiss kasi kita."sabi niya.

Haist!

Buw*sit!

"Nagkita na tayo kanina hindi ba! At saka please lang baka ma gising si Demon!"galit kong sabi.

"Ano ba Claire! Bakit palagi nalang si Demon ang kasama mo! Sabi mo pagkatapos nilang maghiwalay ni Athena sasama kana sa akin!?"galit niyang tanong.

"Pwede ba Garrel! Tumahimik kana d'yan magkita nalang tayo bukas!"galit kong sabi.

"Kaya nga ako tumawag sayo kasi gusto kong sabihin na hindi ko nasagasaan kanina si Athena dahil niligtas siya ni John!"galit niyang sabi kaya napayukom ang aking kamao.

"Sana pinatay mo nalang ang Athena na'yon! Buw*sit! Ang bagal-bagal mo kasi magmaneho!"galit kong sabi.

"Anong ginawa mo kay Athena?!"rinig kong tanong ni Demon mula sa aking likuran.
Hindi ako makagalaw at bigla nalang bumilis ang tibok ng aking dibdib.

Hindi ko na pala namalayan na nasa harap ko na siya at kinuha niya ang phone ko at tinignan.

"BUHAY KA PA PALA!"galit na sigaw ni Demon at bigla nalang pinatay ni Garrel ang tawag kaya napatingin si Demon sa akin galit na galit.

"ANONG GINAWA NIYO KAY ATHENA?!"galit na sigaw ni Demon.
Nakakatakot siya.
Hindi ako makapagsalita.

Nagulat nalang ako nang bigla niyang tinapon ang phone ko sa labas.

"Demon ano ba!"galit kong sabi.

"Sabihin mo!"galit niyang sabi.

"Oo! Inutusan ko si Garrel na patayin ang babaeng 'yon! Hindi ba wala kana mang pakialam sa kanya?! Mas mabuti ngang mamatay nalang si-"hindi ko natuloy ang sasabihin ko kasi bigla niya akong sinakal ng sobrang higpit.
Hindi ako makahinga.

Sunod-sunod nalang na pagtulo ang aking mga luha.

"Kapag pinatay mo siya! Papatayin din kita!"galit niyang sabi sabay bitaw sa akin.
Kaya hinahabol ko ang aking paghinga.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now