CHAPTER 32

85 5 0
                                    

Andito kami ngayon ni Demon sa pool dito kasi ang paborito niyang tambayan sabi ni Lola.

"Demon."sabi ko kaya napatingin siya sa akin.

"Bakit?"tanong niya.

"Pwede mo ba akong kwentuhan tungkol sa Pamilya mo?"tanong ko kaya agad niyang iniwas ang tingin niya sa akin.

"Huwag na natin pag-usapan iyon!"galit niyang sabi sabay tayo sa upuan.

"Pero Demon gusto ko talagang malaman kung na saan ang mga magulang mo kung may kapatid ka."sabi ko kaya napatingin siya sa akin na nasa ngayon nasa harap ko na siya.

"Athena please huwag na natin pag-usapan 'yan! Ayokong magalit sa'yo kaya sana sundin mo ako!"galit niyang sabi kaya tumahimik nalang ako.

Last warning na kasi ito.

Nakakatakot ang mga titig niya sa akin.

JOHN POV

Andito ako ngayon sa Companya habang kausap si Mr. Pancho.e

"John i'm sorry pero kailangan ko na talagang umalis sa companya na ito."sabi niya.

Hindi ko talaga siya maintindihan anong nangyayari sa kanya at saka bakit ngayon siya aalis ng hindi man lang magpaalam kay Demon. 

"Bakit Mr. Pancho? At saka bakit mo sa akin sinasabi ito?"tanong ko.

"Marami na akong alam tungkol kay Mr. Martinez at ayokong manganib ang buhay ng pamilya ko kaya sana huwag mong sabihin sa kanya na aalis ako."sabi niya.

Hindi ako makapagsalita sa aking narinig.

Ano ba ang tungkol sa Demon na 'yon?

"John sana darating ang panahon malalaman mo ang totoo."sabi niya at doon na siya umalis sa aking harapan.

Ano ang ibig niyang sabihin?

ATHENA POV

Maraming araw ang nakalipas heto kami ngayon ni Demon masayang nagsasama.

Alam ko kung bakit siya ganito sa akin ngayon.

At sabi niya excited na siyang makita ang anak namin.

Marami siyang dinadala sa akin tuwing umuuwi siya sa mansyon at ayaw niyang napapagod ako.
Pinagalitan niya nga ang katulong niya kasi nakita niyang tinutulungan kong magbuhat ng mga basura palabas ng Mansyon.
Pero gusto ko naman iyon dahil ayokong maging reyna sa Mansyon na 'to.

Mabuti nalang hindi niya pinaalis ang katulong niya dahil sinabihan ko siya.

Haist!

Nakakatakot talaga si Demon magalit.
Halos umiyak si Yaya sa harap niya pero wala talaga siyang puso.

Heto ako ngayon sa kusina at nakita ko si Yaya Resie naghihiwa ng karne.

"Yaya tulungan na kita."sabi ko.

Kukunin ko na sana ang kutsilyo sa kamay niya pero agad niya itong inilayo sa akin.

"Ma'am hindi na po kaya ko na ito."sabi niya habang nakayuko sa harap ko.

"Okay na at saka wala naman rito si Demon."sabi ko at kinuha na ang kutsilyo na hawak niya.

"Kunin mo nalang yaya yung mga gulay sa ref."sabi ko.

"Opo Ma'am."sabi niya.

Habang naghihiwa ako ng karne na aksidenteng nahiwa ang aking kamay.

Buw*sit ang sakit.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora