CHAPTER 80

71 3 0
                                    

Andito kami ngayon sa kitchen habang si John naman nagluluto.

"Daddy the food is so delicious."masayang sabi ni Nic sabay tayo sa upuan at niyakap si John ng sobrang higpit.

"Oo nga Daddy, you really are the best daddy in the world"masayang sabi ni Ice.

"Oo nga, right Mommy?"tanong ni Nic sabay tingin sa akin kaya ningitian ko nalang sila ng mapait.

Napatingin ako kay John at nakangiti ito ng sarkastiko.

What if malaman na ng mga anak ko na hindi si John ang Daddy nila.

Matatanggap kaya nila si Demon?

Ngayon napamahal na ng mga anak ko si John hindi ko na alam ang gagawin ko kung paano ko sasabihin sa kanila.

"Mga anak, can I ask you something?"sabi ni John sabay tingin sa mga anak ko.

"What is it Dad?"tanong ni Nic.

"What if I'm gone one day, are you gonna find a new daddy?"tanong ni John.

"Of course not Dad, we don't want a new daddy because you are our only daddy."sabi ni Nic sabay tingin kay Ice kaya tumango naman si Ice habang nakangiti.

Parang bigla nalang nanikip ang dibdib ko sa aking narinig.

Plano ko na sanang sabihin kay Demon ang totoo tungkol sa mga anak namin at sa ginagawa ni John sa akin, pero nag-alala ako sa mga anak ko, sigurado ako na kapag iiwan ko si John magagalit sila sa akin.

Ano na ang gagawin ko.

Titiisin ko nalang ba si John hanggang mamatay ako sa mga kamay niya?

At sigurado akong sasaktan niya rin ang mga anak ko tulad ng ginagawa niya sa akin ngayon.

Wala siyang kasing sama.

"Mommy why are you so quiet?"tanong ni Ice kaya napatingin ako sa kanya.

"Oo nga Mom, is something wrong? Pwede mo namang sabihin kay Daddy na inaaway tayo ng lalaki sa mall."galit na sabi ni Nic at bigla nalang akong kinabahan.

Haist anak ano ba!

Pinapahamak mo naman ang Mommy mo.

"Lalaki sa mall? Who is he?"nagtatakang tanong ni John sabay tingin kay Nic.

Naku kinabahan na ako, ano na ang gagawin ko.

Nagulat nalang kami nang biglang umutot si Ice kaya sabay kaming napatingin sa kanya.

"Hehe i'm sorry."sabi ni Ice.

"Don't you have any manners? ni hindi ka man lang nag-excuse!"galit na sabi ni Nic.

"Because I can't hold it anymore!"galit na sabi ni Ice kaya pinigilan na sila ni John.

"Kumain nalang kayo."sabi ko.

"It's so disgusting!"galit na sabi ni Nic.

Manang-mana talaga kay Demon ang ugali.

Pagkatapos naming kumain agad nang pumunta sa kwarto sina Nic at Ice kaya kami nalang ni John ang nasa kusina.

Habang naghuhugas ako ng plato bigla nalang siyang nagsalita.

"Si Demon ba ang lalaking sinasabi ni Nic kanina?"tanong ni John kaya napatigil ako sa kanyang tanong.

"Hindi, si Julius 'yon nagkita kami kanina."sabi ko.
At narinig kong tumayo siya sa upuan at lumapit sa akin.

"Sana tama ang hinala ko na hindi ka nagsisinungaling sa akin Athena."bulong niya sa tenga ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Promise si Julius talaga 'yon."sabi ko at tumango nalang siya.

Pagkatapos kong maghugas ng plato agad na akong pumunta sa kwarto ng mga anak ko at kinausap ko si Nic at Ice na kapag nagtanong ang Daddy nila kung sino ang lalaking nakita nila sa mall sasabihin nila na si Julius 'yon kaibigan ko.

Haist mabuti nalang masunurin ang mga anak ko.

JOHN POV

Maraming araw ang nakalipas andito ako ngayon kausap si Claire.

"Mabuti naman hindi nagkikita si Demon at Athena."sabi niya sabay inom ng alak kaya napangiti nalang ako nang sarkastiko.

"Pero John what if malaman mo na nagkikita parin sila anong gagawin mo?"tanong niya kaya bigla ko nalang binasag ang bote sa harap ko dahil sa tanong niya.

"At kapag malaman ko lang ganyan ang mangyayari sa kanila!"galit kong sabi sabay turo sa bote na basag habang si Claire naman ay nakangiti.

"Hindi ako papayag na babalik siya kay Demon dahil unang-una sa lahat ako ang una niyang minahal hindi ang Demon na 'yon!"galit kong sabi.

"Good! Kaya dapat lang bumalik si Demon sa akin!"galit niyang sabi.

Kaya Athena magpakabait ka kasi hindi mo ako kilala!

Kayang kaya kitang patayin lalong-lalo na ang mga anak mo!

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant