CHAPTER 12

110 7 0
                                    

Andito ako ngayon nakaupo sa harap ng table ko nang bigla nalang bumukas ang pinto.

"Sinong hinahanap mo?"tanong ni Mhira isa sa mga nagtatrabaho rito.

"Nandiyan ba si Miss Athena Robert may nagpabigay kasi sa kanya ng mga pagkain."sabi ng babae kaya lumapit ako sa kanya.

"Sino ang nagbigay?"tanong ko.

"Hindi ko po alam Miss inutusan lang po kasi ako."sabi niya kaya tumango nalang ako.

"Kunin mo na Miss."sabi niya kaya kinuha ko ang dalawang plastic na hawak niya.

"Thank you."nakangiti kong sabi at bumalik na ako sa table ko.

"Athena ang dami 'yan ha pahingi naman."sabi ni Jessa kaya kinuha ko ang isang burger at binigay iyon sa kanya.

"Wow thank you."sabi niya at bumalik na siya sa table niya.

"Haist! Hindi naman lagi pumapasok sa trabaho tapos may nagpabigay pa!"galit na sabi ni Mhira kaya hinayaan ko nalang siya.
Ayoko ng gulo kapag pinansin ko 'yan.

Siya lang kasi ang parang galit sa akin dito ni hindi niya nga ako pinapansin eh.

Kukunin ko na sana ang isang burger nang bigla kong naalala  ang tanong ni Boss kanina.

Siya kaya itong nagbigay?

"Athena may sulat pala l, andiyan nahulog oh." Sabi ni Jessa sabay turu sa isang sulat sa bandang ibaba ng upuan ko.

Kaya kinuha ko iyon at binasa.

"Kumain ka ng marami Asawa ko, wala dapat may maiiwang natira ubusin mo 'yan lahat!"

Buw*sit!

Ang lalaking nakabonet pala ang nagbigay nito sa akin.

Kaya agad ko iyon tinago sa bag ko.

"Anong nakasulat?"tanong ni Jessa sabay lapit sa akin.

"Wala."sabi ko at bigla nalang sumimangot ang mukha niya haha chismosa talaga ang babaeng 'to.
At ayon bumalik na siya sa table niya.

Habang kumakain ako hindi talaga mawala sa isip ko ang tanong ni Boss.

Hindi ba nagtanong siya kanina kung kumain na ako tapos bigla bigla nalang may dumating na pagkain sa akin at si Mr. Bonet ang nagbigay?

Haist!
Nalilito na talaga ako!

Kaya wala na akong nagawa at kinain ko na ang lahat ng pagkain na binigay ni Mr. Bonet sa akin.
As in kinain ko lahat gutom na gutom kasi ako.

9:30pm na ng gabi at heto ako ngayon palabas ng building kakatapos lang kasi ng trabaho ko.

Habang naglalakad ako palabas bigla nalang ako hinarangan ni Mhira at Judy Ann na mukhang galit na galit.

"Bakit palagi ka nalang pinapatawag ni Boss sa kanyang office! Siguro inaakit mo siya no!"galit na sabi ni Judy Ann.

Lakad na sana ako nang bigla nalang hinawakan ni Mhira ang braso ko nang sobrang higpit.

"Bitawan mo ako! At saka wala naman akong kasalanan sa inyo kaya please lang gusto ko ng umuwi!"sabi ko at pinipilit na kunin ang kamay niya sa braso ko at bigla nalang ako sinabunutan  ni Judy Ann.

Hindi ko sila kaya dahil dalawa silang nagtulong-tulong upang sabunutan ako.
Ang bigat bigat pa naman nilang dalawa.

"Nasasaktan ako ano ba!"sigaw ko habang sila naman ay patuloy sa pagsasabunot sa akin.

"Ang landi mo talagang babae ka! Kahit kailan hindi ka magugustuhan ni Boss!"sigaw ni Mhira.

Marami na akong sugat sa mukha at balikat dahil sa mga kalmot nila sa akin.
Kaya napatulo nalang ang mga luha ko.
Wala akong pakialam kung sabihin niyo man na talunan ako pero hindi ko talaga sila kaya.

Na bigla nalang ako nang bigla nalang may sumakal sa kanilang dalawa.

"HUWAG NA HUWAG NIYONG SAKTAN ANG PAGMAMAY-ARI KO!"galit na sabi ni Mr. Bonet habang sinasakal silang dalawa.

"Sino ka! Paka..walan mo ka..mi!"galit na nauutal na sabi ni Judy Ann kaya binitawan sila ni Mr. Bonet.

"Anong gagawin mo sa amin!"takot na sigaw ni Mhira habang nilalapitan siya ni Mr. Bonet habang may hawak itong kutsilyo.

Sinabunutan niya sa Mhira upang tumingala sa kanya at nagulat kami ni Judy Ann sa sunod niyang ginawa dahil bigla niyang hiniwa ang leeg nito.
Hindi ako makagalaw sa aking nakita.
Naalala ko ang ginawa niya kay Sandro at Kent.

Tatakbo na sana si Judy Ann nang bigla niya itong binaril sa ulo.
Napatingin siya sa akin habang hawak hawak ang kutsilyo at baril.
Pinipilit kong lumayo sa kanya dahil sa takot.

Bakit siya nandito?

Bakit siya nakapasok dito?

Sino ba talaga siya!

Hindi ko na pala namalayan na may tinatawagan siya.

Sinong kausap niya?

"Nilisin niyo ang mga pinatay ko rito!"galit niyang sabi sabay baba ng kanyang cellphone.

Paano kapag malaman ito ng Boss ko?

Sigurado talaga na ako ang makukulong nito.

Nagulat ako nang bigla niya akong binuhat.

"Uwi na tayo!"cold niyang sabi habang sobrang kabog ng aking dibdib.

Nakakatakot talaga siya.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDOnde as histórias ganham vida. Descobre agora