CHAPTER 28

100 5 0
                                    

Maraming araw ang nakalipas at heto parin ako sa Mansyon ni Demon.
Hindi niya na ako sinasaktan at medyo malaki na ang tiyan ko.

Grabe yung concern niya sa akin sa mga kinakain ko.

At andito ako ngayon sa kwarto nakahiga sa kama habang hinihimas-himas ang aking tiyan.

"Baby sana okay kalang d'yan."sabi ko.
At bigla kong naalala sina Mama at Papa.

Dit pala dinadala ni Demon ang mga pinapatay niya.
Ayokong isipin pero bakit palagi itong bumabalik sa isip ko.

Napatulo ang aking mga luha dahil naalala ko na naman kung paano niya ako pagbuhatan ng kamay.

Magagamit ko ang anak ko upang malaman ang katutuhanan sa Demon na 'yon.

Hindi ko na pala namalayan na bumukas ang pinto kaya napatingin ako at agad kong nakita si Demon may dalang mga paper bag.

Ano kaya ang laman 'yan?

"Ito."sabi niya sabay bigay ng mga paper bag sa akin kaya agad ko iyon kinuha at kinuha ang mga laman nito.

"Bakit bumili ka nito? Matagal pa naman ako manganak."sabi ko at nakita ko sa mga mata niya ang ngiti.

"Excited lang kasi akong makita ang baby ko at saka gusto ko babae at kamukha mo siya."sabi niya sabay hawak sa mukha ko kaya ningitian ko siya.

Pangit kaya siya?

"Bakit sakin? Gusto ko sayo para makita ko kung ano ang mukha mo."sabi ko at napangiti siya sa sinabi ko.

"Mahal na mahal kita Athena."sabi niya sabay hawak sa kamay ko kaya ningitian ko nalang siya.

"Hindi mo ako mahal?"tanong niya.

"Mahal din kita."sabi ko kaya niyakap niya ako nang mahigpit.

"Ito bagay sa baby natin ako lahat 'yan bumili."nakangiti niyang sabi.

"Bumaba na tayo baka nagugutom kana."sabi niya at inalayan niya akong bumaba sa kama.

Andito na kami ngayon sa dining table.

Grabe sobrang dami talaga ng binili niya.

"Para sa akin lahat 'to?"tanong ko sabay turo sa mga pagkain sa harap ko.
Halos prutas lahat ang makikita mo.
Pero may vegetable salad naman, chicken joy at iba pa.

"Kumain kana baka nagugutom ang anak ko."sabi niya sabay lagay ng kanin at ulam sa plato ko.

Kaya ayon kinain ko iyon magagalit kasi siya kapag hindi ako kumain mg marami.

Pagkatapos naming kumain andito kami ngayon sa garden nagpapahangin.
Hindi ko na pala namalayan na nakatingin siya sa akin kaya naiilang ako.

"Bakit?"tanong ko at nakita ko sa mga mata niya ang ngiti.

"Sana ganito nalang tayo lagi, kaya please Athena sundin mo yung mga gusto ko ayoko kasing may lumalapit sayo na lalaki at saka ayokong may ginagawa ka na hindi ko magugustuhan."sabi niya.

"Mahal na mahal kita mababaliw ako kapag mawala ka."sabi niya kaya ngumiti nalang ako sa harap niya.

"Magsasama tayo ng masaya kasama ang anak natin."sabi niya sabay hawak sa tiyan ko.

Bakit siya ganito?

Dahil sa anak namin?

Siguro kung hindi ako buntis mainit parin ang ulo niya sa akin.

Bigla nalang nagring yung cellphone niya kaya agad niya iyon kinuha upang tignan.
Lumayo muna siya bago sinagot ang tawag.

"Kung ayaw makinig utusan mo ang mga tauhan ko na patayin!"rinig kong sabi niya pero hindi ko pinahalata na narinig ko iyon.

"Magkita nalang tayo mamaya!"galit na sabi ni Demon at binaba ang tawag.

Hindi ko na pala namalayan na nasa tabi ko na siya.

"Tara sa kwarto para makapagpahinga kana."sabi niya at inalayan niya akong tumayo at pumasok na kami sa loob.

Bakit hanggang ngayon natatakot parin ako kay Demon.

Ayokong magalit siya.

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil hawak niya ako sa leeg.

Natatakot ako na kung tumakas ako rito baka mas malala ang aabutin ko.

Maraming oras ang nakalipas andito ako ngayon sa kwarto nakahiga sa kama.

Hindi ko alam kung saan pumunta si Demon.

Ano kaya ang gagawin ko?

Napakaboring naman rito.

Kaya napagdesesyonan kong lumabas ng kwarto at agad kong nakita sa sala si Lola.

"Apo bakit ka lumabas ng kwarto?"tanong niya.

"Boring kasi."sabi ko.

"Gusto mong libutin natin ang buong Mansyon? Kwarto, kitchen at sala lang kasi ang napuntahan mo."sabi niya at tumango naman ako sabay ngiti sa kanya.

Habang naglalakad kami ni Lola napatingin ako sa isang malaking picture frame sa dingding nakasabit.

"Lola si Sir John po ba ito?"tanong ko sabay turo sa isang lalaking nakatayo sa likod at sa harapan naman nila ang dalawang may edad na babae at lalaki.

Sa kabila naman sino 'to?

Ang gwapo naman niya kaso hindi nakangiti sa picture na 'to.

"Oo."nakangiting sabi ni Lola.

"Bakit nandito yung litrato ni Sir John? At saka sino naman itong tatlong kasama niya?"tanong ko.

"Hayaan mo na, tara na doon tayo."sabi niya kaya tumango nalang ako.

"Ang ganda naman dito."sabi ko andito na kasi kami sa pool.

"Dito ang pinakapaboritong tambayan ni Demon."sabi ni Lola kaya tumango nalang ako.

"Lola nasaan po ang mga magulang ni Demon at saka bakit siya lang ang mag-isa rito sa pinakamalaking Mansyon na 'to?"tanong ko kaya napatingin si Lola sa akin.

"Patay na sila."sabi niya kaya tumahimik nalang ako.

"Wala ba siyang kapatid?"tanong ko.

"Hayaan nalang natin ang pamilya niya Apo, at saka huwag kang mag-isip ng kahit na ano masama 'yan sa baby mo."sabi niya kaya tumango nalang ako.

"Nagugutom ka ba? Ipagluluto kita."sabi niya.

"Hindi na po Lola okay na po ako."sabi ko.

Nakaraan ang ilang oras habang nakaupo ako sa sala biglang bumukas ang pinto at nakita kong papasok sa loob si Demon.

"Kumain kana ba?"tanong niya gabi na kasi.

"Tapos na."sabi ko.

"Mabuti."sabi niya.

"Ikaw kumain kana ba? Alam kong pagod ka magbihis kana upang makapagpahinga."sabi ko at nakita ko ang ngiti sa mga mata.
Kukunin ko ang loob mo upang malaman ko kung sino ka talaga sa buhay ko!

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora