CHAPTER 13

126 5 0
                                    

Andito kami ngayon sa Mansyon.
Habang ginagamot niya ang sugat ko hindi ko talaga maiwasang tumingin sa kanya.

Ano kaya ang itsura niya?

Gwapo kaya siya?

"Baka malaman ni Boss ang nangyari sa companya ayokong makulong."kinakabahan kong sabi habang siya naman ay tahimik sa kanyang ginagawa.

Moody talaga ang taong 'to.

"Nakikinig ka ba! Hoy ayokong makulong!"sabi ko at napatingin siya sa aking mga mata.

"Hindi ka makukulong! At saka kung sino man ang kukuha sayo rito na Pulis papatayin ko! Dito ka lang sa Mansyon ko at dito ka lang pwedeng ikulong!"galit niyang sabi kaya tumahimik nalang ako.

Bakit nakakatakot siya tuwing nagsasalita?

Parang pinaglihi sa kidlat ang lalaking 'to.

Na bigla ako kasi bigla nalang niyang nilagyan ng alcohol ang sugat ko.
Buw*sit parang hahampasin ko talaga siya ng kaldero!

"Magsabi ka nga kung lalagyan mo!"galit kong sabi at parang narinig kong tumawa siya ng mahina.

Teka?

First time kong narinig na tumawa ang Mr. Bonet na 'to.

Napatingin ako sa Bonet na suot niya.
Kung tatanggalin ko kaya itong bonet papayag kaya siya?

Kaya unti-unting lumalapit ang kamay ko sa mukha niya at napatingin siya sa aking mga mata.

Nakaraan ang ilang sigundo akala ko papayag siya na tanggalin ang bonet niya pero akala lang pala iyon kasi bigla niyang hinawakan ang kamay ko na mayroong sugat kaya napasigaw ako sa sakit kaya napabitaw siya agad sa kamay ko.

"Ako lang ang pwedeng magtanggal sa mukha ko 'to! At saka huwag ka munang pumasok bukas sa companya alam kong masama pa ang pakiramdam mo! Naintindihan mo?"maawtoridad niyang sabi kaya tumango nalang ako.

Para na akong naging sunod-sunuran sa kanya.

Nakakainis!

"Matulog kana."sabi niya.
Lalabas na sana siya ng kwarto nang bigla ko siyang tinawag.

"Pwedeng dito ka lang? Huwag mo akong iwan."hindi ko alam kung bakit ganyang ang salita na lumabas sa bibig ko.

Athena ano na ba ang nangyayari sayo!

Nababaliw kana ba?
Buw*sit ka talagang babae ka!

Hindi ko na pala namalayan na nasa harap ko na siya at parang naramdaman kong gusto ko siyang makasama at bakit parang may nararamdaman ako sa kanya.

Naku Athena!

Huwag kang mainlove sa lalaking ito!
Mamatay tao siya!

At saka ginahasa ka niya at siya ang dahilan kung bakit hindi mo kasama ang mga magulang mo ngayon.

Nagulat nalang ako nang hinawakan niya ng maingat ang aking mukha.

Anong ginagawa niya?

Hindi ko alam ang gagawin ko basta nakatingin lang ako sa mga magandang mata niya.

Kinuha niya ang panyo sa table at tinakip sa mga mata ko.

Anong gagawin niya?

Pero bakit parang may tiwala ako sa kanya na hindi niya ako sasaktan.

Na bigla ako nang bigla niya akong hinalikan.
Gusto kong kunin ang panyo na nakatakip sa aking mukha pero pinigilan niya ako.

Bakit parang pakiramdam  ko kilala ko ang halik na ito?

Wala naman akong naging boyfriend pero bakit parang kilala ko siya?

Parang ginayuma ako ng lalaking ito nang hindi ko alam na ginantihan ko rin siya ng halik.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin basta bigla nalang bumilis ang tibok ng aking puso.

Hiniga niya ako sa kama at doon na may nangyari sa amin.

(Sorry Readers bawal SPG haha hindi rin naman ako marunong eh haha mag-imagine nalang po kayo✌️)

Nagising ako na wala na siya sa tabi ko.

Nasaan na kaya ang lalaking 'yon?

Kaya tumayo na ako upang hanapin siya.

Nang makababa na ako agad ko siyang nakita nagluluto ng pagkain.

"Good morning."nakangiti kong pagbati sa kanya kaya napatingin siya sa akin.
Syempre nakabonet parin siya.
Bakit ko naman pinatulan ang lalaking hindi ko pa nakita?

Nababaliw na talaga ako!

"Umupo kana riyan kumain ka ng marami alam kong nagugutom ka."sabi niya kaya umupo na ako.

Habang nagluluto siya bigla nalang nahagip ng aking mga mata ang kanyang leeg na mayroong tattoo na maliit na infinity at bigla ko nalang naalala ang tattoo ng Boss ko sa kanyang leeg kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt