CHAPTER 99

78 6 0
                                    

Andito na kami sa Mansyon at agad kong nakita ang isang babae na nakapormal siya.

"Hello Ma'am."nakangiti niyang sabi kaya lumapit ako sa kanya at umupo na ako sa sofa.

"Umakyat muna kayo sa taas mga anak."sabi ko at mabuti nalang sinunod nila ang utos ko.

"Ma'am ako nga po pala si Atty. Jhe Say Lebuna."sabi niya at nakipagkamayan siya sa akin.

"Kayo po pala ang Apo ni Don. Arthur Robert."sabi niya.

"Ako nga bakit po?"tanong ko habang si Demon naman nakaupo sa tabi ko.

"Meron siyang iniwang mana sa mga anak mo at ito po nakikita sa mga documento na iniwan niya na nagsasabi na kapag nanganak ang apo niya na si Athena Robert ang mga anak nito ang magmamana ng isang Airline sa London, apat na lupa sa Cebu, 6 condominium at iba pa."sabi niya na kinagulat ko.

"Ito po Ma'am tingnan niyo."sabi niya at binigay sa akin ang brown envelop na hawak niya.

Kaya kinuha ko iyon at binuksan.

Sobra akong nagulat sa aking nakita.

Alam ko sobrang yaman ng Lolo ko pero hindi ko akalain na iniwan niya lahat ito para lang sa mga anak ko.

"At yung companya-"magsasalita na sana si Atty. Nang bigla nalang nagsalita si Demon.

"Atty. ako nalang ang magsabi sa kanya tungkol sa companya."sabi ni Demon kaya napatingin ako sa kanya.

Ano ang ibig niyang sabihin?

Hindi ko siya maintindihan.

"Okay po Sir."sabi niya at tumayo na siya upang magpaalam na aalis.

Nang makaalis na si Atty.

Agad akong napatingin kay Demon.

"About sa companya ano 'yon?"tanong ko.

"I'm sorry Athena hindi ko na sabi sa'yo na ang companya na hinahawakan ko ngayon ay pagmamay-ari ng lolo mo."sabi niya na kinagulat ko.

"Hindi ko naman sinasadya kasi no'ng kinasal tayo sabi ng lolo mo sa akin na ako raw ang hahawak do'n kasi hindi mo pa kaya at saka okay naman kina Mommy at Daddy kasi naghihirap din kami ng time na 'yon."sabi niya.

Haist.

"Galit ka ba?"tanong niya.

"I'm sorry nagsinungaling ako."sabi niya kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"Okay lang 'yon at saka hindi naman ako galit, okay nga 'yon kasi mas lalong tumaas yung sales ng companya at saka hindi mo naman binigo si lolo."nakangiti kong sabi kaya bigla niya akong niyakap nang sobrang higpit.

"Thank you."sabi niya.

"Wala naman akong karapatan magalit kasi sa'yo talaga binigay ni Lolo ang companya at saka mga anak din natin ang magmamana no'n."sabi ko.

"Basta huwag na huwag mo akong lulukuhin! Naku puputulin ko talaga 'yang ano mo!"galit kong sabi at nakita ko sa mukha niya ang pagkagulat.

"Kahit hindi ako mamatay tao baka ikaw pa ang una kong mapatay kapag niluko mo ako."sabi ko at ngumiti siya at hinalikan niya ako sa noo.

"Hindi mangyayari 'yon kasi ikaw lang ang mahal ko at mamahalin ko hanggang mamatay pa ako."sabi niya.

"Pero gusto ko sabay tayong mamatay kasi baka kapag ako yung mauuna baka hindi kana makahanap na pogi katulad ng mukha na 'to."sabi niya kaya bigla ko siyang binatukan.
At ang mukha niya haha ang cute as in.
Yung expression niya at ni Nic same na same talaga.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now