CHAPTER 4

154 8 0
                                    

ATHENA POV

Andito ako ngayon sa kwarto habang nakahiga sa kama na umiiyak.

Hindi ko na pala namalayan na gabi na.

Miss na miss ko na sina Mama at Papa.

"Kumain kana!"sabi niya sabay lagay ng tray sa mesa na may mga pagkain.
Pero hindi ko siya pinansin.
Mali ang ginawa niya sa akin.

Dapat niya akong ibalik sa mga magulang ko.

"Anong gagawin ko upang palayain mo ako?"tanong ko sabay tulo ng aking mga kuha kaya napatingin siya sa akin.

"Kumain kana."sabi niya tatalikod na sana siya nang bigla kong kinuha ang kutsilyo mula sa kanyang likuran at tinutok iyon sa kanya.

"Ibaba mo 'yan baka masugatan ka!"galit niyang sabi.

Hindi man lang siyang takot sa banta ko sa kanya.

"Pakawalan mo ako! Wala kang karapatan na ikulong ako rito!"sigaw ko sa kanya habang tinututok ang kutsilyo sa kanya kaya doon na ako kumuha ng lakas upang maglakad papunta sa pinto.

"Ayokong masaktan ka kaya ibaba mo 'yan!"galit niyang sabi.

"Sino ka! Ipakita mo ang mukha mo sa akin! Wala akong kasalanan sayo kaya please lang layuan mo ako!"sigaw ko sabay tulo ng aking mga luha.

Hahakbang na sana ako nang bigla siyang lumapit sa akin kaya na aksedente kong nahiwa ang balikat niya.

Kaya napatingin siya sa balikat niya habang umaagos ang dugo nito.

Natulala ako sa nangyari.

Baka papatayin ako ng lalaking ito.

Natatakot na ako.
Napatingin siya sa akin at bumilis ang tibok ng aking puso.

Na bitawan ko nag kutsilyo na hawak ko dahil sa sobrang kaba.

At nagulat ako sa sinabi niya.

"May sugat ka ba?"nag-alala niyang tanong sa akin.

Kaya napatingin ako sa tanong niya sa akin.
Siya na nga ang may sugat tapos siya pa itong magtatanong kung may sugat ako?

Hindi ko alam nang bigla nalang tumulo ang aking mga luha.

"Pakawalan mo na ako parang awa mo na sa akin."umiiyak kong sabi sabay luhod sa harap niya.

"Papakawalan kita basta sa isang kundisyon."sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano?"tanong ko.

"Papakasalan mo ako."sabi niya na kinagulat ko.
Bakit ko siya papakasalan?
Ni hindi ko siya nakita tapos bigla bigla ko nalang siyang papakasalan?

"I'm sorry pero hindi ko 'yon magagawa."umiiyak kong sabi.

"Kung gano'n umalis kana!"galit niyang sabi sabay turo sa pinto.

"Totoo?"tanong ko.

Hindi na siya nagsalita at bigla nalang siyang umalis sa harap ko.

Kaya dali-dali akong tumakbo palabas ng Mansyon.
Hindi ko alam kung anong lugar ako dinala ng lalaking 'yon basta ang pumapasok lang sa isip ko kailangan ko nang umuwi.

Nang nando'n na ako sa bahay agad kong nakita si Mama at Papa na nag-alala sa akin.

"Ma."sabi ko sa tabi ng pinto kaya tumakbo si Mama papalapit sa akin sabay yakap sa akin ng sobrang higpit.

"Saan ka ba pumuntang bata ka nag-alala na kami sayo."umiiyak na sabi ni Mama kaya napatulo ang aking mga luha.

"Anak."sabi ni Papa kaya napatingin ako sa kanya.

Hindi ko siya pinansin pero lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Patawarin mo ako kung bakit hindi ako naniniwala sa'yo pero palagi mong tatandaan mahal na mahal kita Anak."sabi niya sabay tingin sa akin kaya doon na ako umiyak.

Alam ko Pa mahal mo ako kaya nga mahal na mahal ko kayong dalawa ni Mama.

Sana hindi kayo mawala sa tabi ko.

Nagising ako nang maaga kasi hindi ako nakapasok kahapon sa trabaho.
Marami na ngang message si Trisha kung ano raw ang plano ko sa buhay ko kasi galit na galit na raw yung Boss ko sa akin.

Haist!

Ano ba naman 'yan sigurado akong mapapagalitan talaga ko nito.

Kaya heto ako ngayon naglalakad at mabuti nalang may tumigil na taxi sa tabi ko kaya heto sumakay na ako.

Nang nando'n na ako sa DM Company agad kong nakita si Trisha sinalubong agad ako sa pinto ng aming office.

"Athena pumunta ka raw ngayon sa office ni Boss."kinakabahan niyang sabi kaya napalaki ang mata ko sa sobrang gulat at kaba na naramdaman ko.

Lord please tulungan niyo ako.

Gusto po pang mabuhay.

As in takot na takot talaga ako kay Boss.

Moody kasi ang mukha niya kaya heto parang naiihi na ako habang naglalakad papunta sa office niya.

Kumatok muna ako at narinig kong nagsabi siya na pwede na akong pumasok kaya ayon binuksan ko na ang pinto at nakita ko siyang nakatalikod sa akin habang nakatingin siya sa malawak na siyudad.

"Bo..ss."nauutal kong sabi.

"Bakit ngayon ka lang pumasok?"parang galit niyang sabi habang nakatalikod parin sa akin.

Ano ba itong Boss namin siguro may deperensya ito sa mukha.
Totoo po matagal na kaming nagtatrabaho rito pero ang kinakausap lang ni Boss Demon Martinez ang kanyang ka business partner at ang kanyang secretary na si Trisha.

Bakit ayaw niyang magpakita sa amin?

Anong meron sa kanya?

At sabi sabi raw dito sa companya kapag makikita mo raw ang mukha ni Boss siguradong naku naku Athena tumahimik ka r'yan!

"Nakikinig ka ba!"galit niyang sabi kaya heto bigla nalang akong naihi sa sobrang takot.

Naku nakakahiya kaya tumakbo na ako palabas ng kanyang office at pumunta sa cr bahala na kung papaalisin ako rito nakakahiya talaga.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now