Chapter 1: Kings and Queens

168 4 0
                                    

Aria   
   
    
   
Excited na akong pumasok sa Splendid Academy dahil sa wakas, mahahanap ko na ang pakay ko.

"Mark your days, Cara Mortez."

Masayang masaya akong pumasok sa loob ng bago kong paaralan. Agad kong hinanap ang isang rich kid na babae na mayroong mahaba na buhok.

"OMG! Aria!!!"

At sakto! Nahanap ko siya agad sa lobby at natutuwa rin ito nang makita ako. Nang makalapit ako sa kanya, niyakap ko ito habang nagpipigil umirit dahil sobra naming miss na miss ang isa't-isa.

"Akala mo siguro hindi ako lilipat dito 'no?" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Mabuti naman at nandito ka na! Loner kasi ako dito eh."

Si Cara Mortez ang aking bestfriend slash most trusted person slash childhood friend. Napilitan siyang pumasok sa Splendid Academy dahil lumipat sila ng bahay sa subdivision na malapit sa paaralang ito. Magkapitbahay kami noon at ito ang isa sa mga dahilan kung bakit naging childhood friend ko si Cara. Noong hindi na kami magkalapit ng bahay, pinilit kong mag-aral dito para hindi maiwan sa ere ang bestfriend ko.

Ang totoo n'yan, tutol ang mga magulang ko na lumipat ako sa Splendid Academy. Apat na oras ang biyahe mula sa aming bahay na kung saan ako lumaki sa loob ng labin-limang taon. Ngayon ay nangungupahan ako sa isang apartment na malapit dito para hindi na kailangang umuwi sa dati kong bahay.

"Mabuti na lang at magkaklase ulit tayo, Aria." tuwang-tuwa na sabi ni Cara nang malaman na pareho kami ng seksyon.

Mukhang mas masaya sa paaralang ito kumpara sa dati kong pinapasukan na akademya. Well, another highschool life. This institution isn't ordinary at all!

Napagdesisyunan naming dalawa na hanapin ang aming silid-aralan. Nang makita namin ito, pumasok kami sa loob at napansi kong lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa akin. Miski ang guro na mukhang matandang dalaga ay nakuha ko ang atensyon.

"Oh. You must be the transferee of this class. Please tell introduce yourself."

Halata mong may pagkamasungit ito dahil mas mataas pa sa kisame ang isa niyang kilay matapos magsalita kanina.

Inilibot ko ang aking paningin bago sa buong silid bago magsalita.

"I'm Aria."

Mukhang naghihintay pa 'ata' ang lahat sa susunod kong sasabihin. Bakit? May susunod pa nga ba? Tsk.

"Hija, ayun lang ba ang pangalan mo?" tanong ng guro sa akin.

Nakatitig lang sa akin ang lahat ng mga mag-aaral sa buong silid kaya't nakaramdam ako ng inis. Do I look like an alien or something different from them? Ngayon lang ba sila nakakita ng isang tao na tulad ko?

Tsss.

"Masyadong mahaba ang aking buong pangalan kung ikukumpara sa buhok ko. Baka abutin tayo ng gabi kung sasabihin ko ito ng buong-buo." kalmado kong pagkakasabi sa kanya.

Tila hindi siya natuwa sa aking sinabi kung kaya't nagsalubong na ang kanyang mga kilay.

"Isa ka lang baguhan na mag-aaral sa paaralang ito ngunit ayan na agad ang pinapakita mong ugali sa aming lahat."

Why? Does she need some kind of respect? That's only a mere word.

"My name is Maria Lucia Teresa Crisostoma Manague - Haran. Call me Aria for short. I'm finish na PO, Ma'am." tiningnan ko ang aking guro. Halos magdikit na ang mga kilay nito sa sobrang inis.

Under ImperialWhere stories live. Discover now