Chapter 33: Shadows in the Dark

34 1 0
                                    

Sherry



On the last day of our written exams, I finished the papers in just an hour and leave the examination room afterwards. Alam na ni LX ang tungkol sa paglisan ko ng maaga sa akademyang Splendid dahil naipaalam na namin ito sa kanya noon.

Sa pasilyo ng paaralan, nakita ko si Clyde na nakaupo sa isang bench at alam kong ako ang hinihintay niya sa mga oras na 'to. Hindi lamang ako ang maagang lilisan sa akademyang Splendid ngayong araw dahil kasama ko si Clyde sa misyon na aming tatapusin.

"Tapos na ako." sabi ko nang makalapit kay Clyde.

Agad itong tumayo at ibinigay ko sa kanya ang bag ko nang hingiin niya ito.

"Nauna na si Chaz sa'tin." tipid niyang sabi bago ako niyaya paalis ng pasilyo.

Habang naglalakad, napansin kong tahimik ang kasama ko na kapareha ng nasa paligid namin. Hindi na dapat ako magtataka sa kanyang pananahimik dahil likas itong tahimik na tao ngunit nanaramdaman kong may gusto siyang sabihin sa'kin.

Noong tuluyan na kaming makalabas sa teritoryo ng paaralan, tinahak namin ang isang eskinita na hindi gaanong dinadaanan ng mga tao. Makalagpas ng ilang crate na yari sa kahoy, lumabas kami sa isang lugar na masukal.

Dito ang pinili naming daan papunta sa headquarters para walang makapansin sa aming paglalakbay.

Hindi kami gaanong nagtagal sa headquarters dahil ang pinunta lamang namin dito ay ang pagpapalit ng damit na naaayon sa aming misyon at pagkuha ng armas upang protektahan ang mga sarili sa panganib. Nilisan din namin ito dahil malang ay hinihintay na kami nila Chaz at Chelsea.

"Mayroon ka bang gustong sabihin?" tanong ko kay Clyde dahil kanina pa siya tahimik.

Imbis na sagutin ang tanong ko, sumenyas ito na ibig sabihin ay ayusin ko ang bandana na nakatakip sa'king bibig.

"Salamat." sabi ko matapos ayusin ang bandana.

Hindi pa man nagtatagal ang isang minuto, muli niyang itinuro ang bandana sa'king bibig. Dahil dito, hindi ko mapigilang magtaka sa kanyang ibig ipahiwatig sa'kin.

"Mali ba ang pagkakaayos ko ng bandana?"

Akala ko noong una, wala pa rin itong gagawin dahil nakatingin lang ito sa'kin. Nang makita ko itong huminga ng malalim, lumapit ito sa direksyon ko at siya ang nag-ayos ng bandana na aking suot.

"Someone might caught you as an outsider due to how you tie the knot of your bandana. As much as possible, we should avoid to be suspected by them. It'll be hard for us to escape if that happens."

Nag-init ang mukha ko habang nakatitig ako sa mga mata ni Clyde. I have never seen his blue-gray eyes this near even though we're dating for more than a year. Due to what's happening right now, if ever we're just an ordinary townspeople not involve in elites, can we have a normal life just like the others?

Nang maayos na ni Clyde ang bandana ko, nagtataka ako noong hindi niya pa rin tinatanggal ang kanyang kamay malapit sa'king pisngi.

"I never saw you this near before. It's like we only met yesterday, still strangers to each other, as this was only the day that I have known how beautiful your eyes are. They looked like the jewels we passed by in carts from the past. Common color of brown yet still stunning."

Umiwas ako ng tingin nang maramdaman kong gumalaw ang daliri niya papunta sa panga ko.

"If we live in a normal life, we don't have to control our affections in each other."

"I really wish we succeed in this fight." mahina kong sabi sa kanya.

For the first time in a while, I saw him smiled.

Under ImperialUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum