Chapter 46: A Gift of Remembrance

30 0 0
                                    

Aria     
   
   
   
Cara was buried after few days of her death. Her interment was attended by my parents, some of my close relatives and our former classmates from the last school we attended before Splendid Academy. Even though she has no relatives who reclaimed her when she's still in morgue, my family was the one who gave her a decent funeral.

During her wake, I wonder if she's sad while peacefully lying on her deathbed. But I also thought she was happy wherever she is, as she might be already with her late parents.

Matapos ang libing kay Cara, hindi muna umuwi ang mga magulang ko sa'min para samahan ako sa apartment. Tinupad nila ang kanilang sinabi na sasamahan ako habang nagluluksa sa pagkamatay ng matalik kong kaibigan. Not only being by my side during her wake, but they still decided to stay with me longer.

I admit that I miss being with them and living in our old home. Matagal-tagal din noong huli ko silang nakasama.

"Aria, mayroon ka bang inaasahan na panauhin ngayon?" tanong ni Mama matapos siyang lumabas mula sa kusina.

"Parang wala naman po. Bakit Ma?"

"Kanina ko pa napapansin na mayroong tao nakatayo sa harap ng gate. Mukhang kasing edad mo lang ito at parang ikaw ang kanyang hinahanap."

Dahil nagtaka ako sa sinabi ni Mama, sumilip ako sa bintana at nagtaka ako nang makita si Chelsea.

Is she alone? Bakit nga din pala siya hindi tumatawag dahil papapasukin ko naman siya sa loob ng apartment?

Nagpaalam ako kay Mama na pupuntahan ang taong nakita niya sa harap ng gate ng apartment. Agad naman itong um-oo at sinabing aakyat muna siya sa ikalawang palapag upang gisingin si Papa para sabay-sabay kaming maghapunan mamaya.

Pagkalabas ng apartment, paalis na si Chelsea nang tawagin ko ito.

"Chelsea!!!"

Pagkatalikod, nakita ko ang mabilis nitong pag-iiba ng ekspresyon ng mukha matapos akong makita.

"Aria."

"Napadalaw ka. May kasama ka ba noong bumalik dito?"

Ilang segundo ang lumipas bago nito sinagot ang tanong ko.

"Wala akong kasama. Mag-isa lang ako."

"Bakit? Malalim na ang gabi at baka mapahamak ka kung mag-isa ka lang. Alam ba nila Chaz na nandito ka?"

Umiling si Chelsea kaya mas lalo akong nagtaka.

"Tumakas ka?"

"Sumaglit lang ako na pumunta dito para kamustahin ka. Hindi ako tumakas."

"Pero pagtakas pa rin ang ginawa mo."

Magsasalita pa sana si Chelsea nang huminto ito para tingnan kung sino man ang nasa likuran ko. Dahil gusto kong malaman kung bakit biglang nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha, tumalikod ako at nakita si Mama.

"Is she your mom?"

Pagkatango ko, kita ko ang habol na tingin ni Chelsea sa Mama ko noong pumasok ang huli sa kusina.

"Sinamahan nila ako dito sa apartment matapos ilibing si Cara."

There's a glint of sadness on Chelsea's eyes when I looked at them.

"We're sorry for your loss, Aria. I'm also sorry if we haven't visited you for days."

Umiling ako at mapait na ngumiti sa kanya.

"Naiintindihan ko kung bakit. Huwag kang mag-alala. Hindi ako galit. At hindi ko din dapat sinisi sa inyo ang pagkawala ng matalik kong kaibigan."

Under ImperialWhere stories live. Discover now