Chapter 27: Trust

28 1 0
                                    

Aria  
  
  
  
I still remember that day, when Chaz accidentally shoot me using his gun, a wrong made by the them which costs of unsuccessful retrieving the body of the late puppet of bandits.

Whether or not if she really died or not, the existence of book of Royalties was revealed. Her death was a key towards LX and his team's main goal. Thus, the letter we received from Maria Garan was also the key on it.

Patuloy na iniimbestiga ni LX ang liham habang ako naman ay nakatitig lang sa kanyang direksyon. Nang mag-angat siya ng tingin, sumenyas ito na kailangan na naming umalis ng akademyang Splendid.

It's almost six in the evening when we finally left the school premises. Habang binabaybay ang masukal na daan, binilisan ko ang paglalakad upang pumantay kay LX.

"Magkakaroon ba tayo ng pagpupulong ngayon?"

Nagpatuloy lang sa paglalakad si LX kaya parang hinahabol ko siya.

"LX."

Parehas kaming tumigil sa paglalakad noong humarap sa'kin ang kasama ko.

"You can go home if you want to. I still need to visit the Skye Manor."

Skye Manor? Hindi ba't Skye ang apelyido ni Martini?

"Ilang araw ng hindi sumasama sa atin si Martini. Kapag mayroong pagpupulong na nagaganap, madalas itong hindi pabor sa ating mga bagong hakbang. Pakiramdam ko'y hindi ka niya papayagang tumuntong sa kanilang teritoryo."

Walang imik si LX nang talikuran ako at naglakad palayo. Agad akong sumunod sa kanya hanggang sa huminto na naman kami sa isang puwesto. Hindi gaya kanina, mayroon palang dahilan kung bakit tumigil si LX sa paglalakad.

A car was waiting for my companion and I think it's his one of his body guard who keeps an eye on him whenever he isn't on his home. Nang makalapit kaming dalawa dito, bumukas ang pinto ng driver seat at may isang lalaki na nakapormal na damit ang bumati sa'min. Hindi man lang bumati pabalik o miski tumango si LX at basta na lamang ito pumasok sa loob ng sasakyan nang pagbuksan siya ng pinto.

Habang nakatayo pa rin sa gilid ng sasakyan, binati ako ng lalaking naka-pormal na damit at pinagbuksan rin ako ng pinto sa kabila. Kahit wala akong narinig na pahintulot kay LX kung pwede ba akong sumama, pumasok pa rin ako sa sasakyan.

"Malayo ba ang Skye Manor mula dito?"

Nakafocus lang ang tingin ni LX sa bintana kung kaya't yung body guard na lang niya ang sumagot.

"Opo, Ma'am. Naka-bukod po ang Skye Manor mula sa pangunahing bayan. Isa pong malawak na ektarya ng lupain ang tinatayuan nito. Hindi po madali ang biyahe dito dahil bago mo marating ang Manor, bakanteng mga lupain ang tatahakin mo. Wala po ditong makikitang mga palatandaan. Dista-distansyang puno at mahabang hindi sementadong kalsada lamang po ang magbibigay sa inyo ng daan papunta sa angkan ng Skye."

Maybe this is one of the reason why Martini became the second hand of our King. The clan he came from was powerful enough to help him in his goal against the important officials in Splendid Academy. If he would be an enemy, LX's group won't only lose strength over their plans.

It's better if we fail in a battle from people who were against us rather than losing the trust of a friend from a war.

Gaya ng sinabi ng driver ni LX, malayo nga ang Skye Manor dahil matapos namin makalabas ng bayan, higit dalawang oras pa ang biyahe bago makarating dito. Kahit mga puno lamang ang nakikita kong bagay sa daan, nalilibang naman ako kapag nakikita sila na lumalagpas sa gilid ng daan.

Sa kalagitnaan ng biyahe, napansin kong nag-iba na ang tanawin dahil nagkaroon ng pattern ang mga puno. Hindi gaya kanina, kita kong sinadya ang pagkakagupit ng mga dahon sa mga sanga upang maghugis tatsulok ang mga puno. May mga bughaw na bandera rin akong nakikita na nakasabit dito kaya bigla akong napaisip kung nasa teritoryo na kami ng angkan nila Martini.

Under ImperialWhere stories live. Discover now