Chapter 11: Cure and Fall

45 1 0
                                    

Aria   
  
   
   
As me and LX had gone back inside the château, I become disappointed after I have known the next two courses that we will take 'til dawn.

Another instrument lectures and fencing for today! As for tomorrow, written exams naman ang poproblemahin ko. Mas lalo akong babagsak sa eksaminasyon dahil kakaunti lang ang kaalaman ko sa liturhiya ng bansang Pransiya.   
  
  
  
Good luck   
    
   
  
Hindi ko pinansin si LX matapos umalis sa'king tabi para tumugtog ng violin sa unahan. Aish. Hinding-hindi ako tatayo mamaya para sumunod sa kanya. Mananatili akong nakaupo dito hangga't matapos ang kanyang ginagawa.

After our music lesson, naglalakad na kami sa maluwang na pasilyo tungo sa susunod na course.

"Ang dami kong dapat pag-aralan sa loob lamang ng ilang oras. Mukhang hindi na ako papasa sa pagsusulit kinabukasan."

Tumigil sa paglalakad si LX kaya napahinto rin ako gaya niya.

"Bakit?" May sinabi ba akong masama kanina? Hindi naman tungkol sa kanya ang problema ko.

Binigyan ako ng masamang tingin ni LX at agad sumenyas sa aking direksyon.   
   
  
  
I'll help you in exams.    
  
  
   
Totoo ba ang pinahiwatig niya sa akin? Ano naman kaya ang kinain nito para tulungan ako sa pagsusulit?

"Tutulungan mo ako para bukas?"

Matapos niyang tumango sa direksyon ko, nagpakawala ako ng isang matagumpay na ngiti. Sa unang pagkakataon, mayroon na akong mataas na marka mula sa pagsasanay na 'to.

Bago pa man ako magpasalamat sa kanya, nawala agad ang ngiti sa aking mukha nang makita siyang sumenyas ulit.    
   
   
   
Tutulungan kita dahil alam kong wala kang sapat na kaalaman tungkol sa pinasok mong gulo.    
   
   
  
Kahit kailan ay hindi ko itinuring na gulo sa aking buhay ang pagpasok sa akademyang Splendid. Hindi ko na siguro dapat pang pagpasalamatan ang taong ito dahil ramdam kong labag sa kanyang loob na tulungan ako.

"Wala akong pakialam kung mababa ulit ang aking marka sa pagsusulit bukas. Mukhang hindi mo naman kailangan ng isang Queen para lumaban sa inaabangang Royal Battle ng akademyang Splendid."

Mukhang ito lang ang paraan para makawala ako sa posisyon na Queen. Kung ibabagsak ko ang pagsusulit bukas, ibabalik ako sa S.A. at magiging isang ordinaryong estudyante na lamang.

Gaya ng ngiti kanina, halos bawiin ko rin lahat ng aking sinabi nang itapat ni LX sa kanyang leeg ang kamay at aktong pinugutan ang kanyang ulo.

"Oo na! Kailangan kong ipasa ang pagsusulit dahil marami akong alam!"

Wala nga pala akong kawala sa kanila dahil kung makakatakas naman ako sa pagiging representative ng aming seksyon, buhay ko naman ang kapalit nito na paniguradong magugustuhan ng kanyang mga assassins lalo na si Euris.

Hindi nila hahayaang mapalitan ako bilang Queen dahil may ilan na akong nalalaman sa kanilang grupo.

Imbis na intindihin ang banta sa akin ni LX, tahimik kaming naglalakad sa pasilyo hanggang makarating sa isang silid kung saan kami magsasanay sa fencing.

I hate this day so much. Lahat ng kahinaan ko sa pagsasanay ay naipon sa buong araw. Mukhang mapapaaga ako sa pagpapahinga mamaya dahil sa enerhiyang maibubuhos ko sa mga sumunod na pagsasanay matapos ang pagbisita sa kabanya.

Kung hindi ko pa makikitang may bitbit si LX na armas, hindi pa ako kikilos para simulan ang nakakapagod na pagsasanay.

Hanggang sa magkaharapan na kaming dalawa sa gitna ng Training Room, walang gana kong tinapunan si LX ng tingin na naging advantage niya sa unang pag-atake.   
  
  
   
What the hell is your problem?   
   
  
   
Kahit pa hindi sumenyas si LX sa akin, halata mong naiinis ito sa kinikilos ko sa pagsasanay. Wala pa rin akong gana na labanan siya at hindi ito nawala kahit mahampas na ako ng dulo ng kanyang armas.   
   
    
    
ARIA HARAN!    
  
   
   
Kahit pa sobrang talim ng tingin sa akin ni LX, wala pa rin ako sa sarili habang nilalabanan siya. Hindi ba pwedeng bumilis ang oras ngayon para matapos na ang buong araw?

Under ImperialWhere stories live. Discover now