Chapter 41: Sorrow

40 0 0
                                    

Aria  
   
   
      
I feel numbed after I received a bad news about my bestfriend.

Hindi pa man ako nakakapasok kanina, mabigat na yung nararamdaman ko dahil dito palang ay mayroon ng hindi maganda na nangyari sa isang tao na mahalaga sa'kin. Kasabay pa nito ang biglaang pag-anunsyo ni King Gavin na bumalik ang dating kaharian, hindi ko malaman kung ano ang mas ikinakatakot ko ngayon.

Matapos ang mabilis na anunsyo, nilapitan ako ni Sir Grant at tinanong kung maaari akong sumama sa kanya. Nais ng mga opisyal ng akademyang Splendid na kausapin ako at nararamdaman kong tungkol ito sa aking matalik na kaibigan.

Bago sumunod kay Sir Grant, napansin kong lumapit si Chelsea sa'min at gusto niya rin akong makausap. Hindi nga lang ito natuloy nang kaunin siya ni Ms. Evette at sinabing kailangan na nilang bumalik sa silid-aralan dahil oras na ng kanyang klase.

Even though Ms. Evette isn't fond of my existence, it's a good thing that she came since I'm not yet ready to talk with Chelsea and the rest of the assassins. Kapag kasi nakikita ko sila, nararamdaman ko ang sakit dahil sa pagkawala ng bestfriend ko. I don't want to avoid Chelsea as she's just being nice to me since the first day we knew each other. Maybe we can go back on what we used to be when everything's already okay.

If I can still act like myself after I lose my bestfriend.

Pagkarating sa opisina ni King Gavin, naghintay pa kami ng ilang minuto bago dumating ang punong guro. Naandito din si Ma'am Reanna at Ma'am Thea na siyang mas lalong nagbigay ng kaba sa'kin.

"Binibining Haran, nais ka namin makausap dahil alam naming malapit ka sa isang mag-aaral sa pangalawang seksyon ng inyong baitang. Nakikiramay kami sa pagkamatay ng matalik mong kaibigan."

Hindi ko na napigilan ang mga luha sa mata ko nang isa-isa itong rumagasa sa mukha ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon dahil kahit anong pakikiramay na maririnig ko sa mga taong nasa paligid ko, hindi nito kayang pabalikin ang buhay ni Cara.

Habang umiiyak, hinawakan ni Ma'am Reanna ang kamay ko. Kita ko sa kanyang mga mata ang kalungkutan kaya mas lalo akong nanghina.

"We're here for you, Aria. Kami ang bahala na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay sa matalik mong kaibigan."

Due to the sorrow I feel, my mind convince me to beliebe that they will help me seek justice towards the death of my bestfriend. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga oras na 'to kaya mas pinili ng isip ko na paniwalaan sila. Kahit pa alam kong kalaban ang tingin ng grupo ni LX sa mga opisyal ng akademyang Splendid, tila naghahanap ako ng karamay ngayon kaya nagawa kong maniwala sa sinasabi nila.

I stayed for atleast half an hour inside the office before Ma'am Thea left to get my things in our classroom. King Gavin approved to let me skip my classes today and mourn for my bestfriend who's wake was held in a nearby funeral homes. Hindi na iuuwi si Cara sa'min dahil alam ko na ring wala na itong mga magulang.

I have known too much about my bestfriend and those information almost made me feel tired and in pain. Ang dami kong nalaman kay Cara magmula noong nawala siya. Hindi ko na alam kung paano ko haharapin ang bukas ngayong ang tanging rason ko kung bakit ako lumipat sa akademyang Splendid ay para makasama siyang muli.

Pagkauwi sa apartment, umiyak ako ng umiyak dahil hindi ko na kaya ang nararamdaman ko. Gusto ko mang puntahan si Cara pero hindi ko magawa ngayon dahil may parte pa rin sa'kin na ayaw tanggapin ang pagkawala niya. While in sober, I called my parents thru phone and told them about Cara's death. They were also sad after knowing that I lose my only bestfriend. Sinabi nila sa'kin na bukas ay pupuntahan nila ako para damayan ako sa burol ni Cara. Without them, I don't know if I can handle myself for sure.

Under ImperialWhere stories live. Discover now