Chapter 6: Assassination

43 2 0
                                    

Aria 
  
 
  
Matapos ang dalawang araw na payapa naming pananatili sa loob ng mansyon, tila may isang panganib sa aming nakaabang nang may dumating na isang nakakagimbal na trahedya.

Habang mahimbing akong natutulog sa aking silid, nagpagising sa aming lahat ang isang matinis na sigaw mula sa kusina.

Kaagad rin akong tumungo sa lugar na pinagmumulan ng ingay dahil sa pag-atake ng kuryosidad. At nang makita ng aking mga sariling mata ang nangyari sa loob ng kusina, halos kapusin na ako ng hininga.

"Who would have made this kind of killing?" bulong ko habang nakatingin pa rin sa loob ng kusina.

May ilang mga taga-protekta ng mansyon ang nangangasiwa sa nangyaring insidente. Hindi na akong muling tumingin sa loob ng kusina nang magsimulang tanggalin ang lahat ng bangkay dito.

"Binibining Haran, maayos po ba ang iyong nararamdaman?" tanong ni Sir Grant nang makita akong nakasandal sa pader at nakahawak sa dibdib.

"Maayos naman po."

"Mabuti't wala ni isa sa atin ang napahamak. Magpasalamat tayo sa mga taga-bantay na nasiguro nilang hindi nalagay sa peligro ang pinangangalagaan nating mga mag-aaral." rinig kong sabi ni King Gavin kay Lady Laurette.

Umalis na ako sa lugar na 'yon at tumungo sa hardin ng mansyon. Noong unang araw ko pa gustong tumambay dito. Dahil wala pang sinasabi sila Sir Grant kung ano ang mga susunod naming pagsasanay, dito muna ako magpapalipas ng oras.

"Mabuti sa pakiramdam ang mapaligiran ng kalikasan. Kasama ang paglanghap ng sariwang hangin pati na rin ang nakikita mong--"

Tinitingnan ko ang buong paligid nang may makita akong tao na nakaupo sa katapat kong bench.

"Anong ginagawa mo dito, LX?"

Binigyan niya lang ako ng isang seryosong tingin at bumalik muli sa binabasang libro pagkatapos.

Hanggang ngayon, wala pa rin akong napapalang sagot mula sa kanya. Sabagay, imposible namang magsalita ang lalaking 'to.

Pero hindi ba niya alam na nakakainsulto yung silent treatment niya?

Kasama na rin d'on yung bigla-bigla siyang susulpot sa kung saan.

Huminga ako ng malalim at hindi na inisip pa ang mga nangyari kanina. Pinapapangit lang ng kasamaang loob ang pananatili ko dito sa hardin. Pumunta ako dito ng payapa ang isipan kaya gayun din ang dapat kong maramdaman hanggang makaalis dito.

"Sa totoo lang, natakot ako sa mga nangyari kanina. May tatlong tagapangalaga ng mansyon ang walang buhay na nakahandusay sa loob ng kusina. Kita ko sa kanilang mga bangkay na walang awa silang pinaslang. Gaya na lang ng marka na parang 'I' or 'H' na letra. Ewan ko kung ano sa kanila ang totoo. Slant kasi ang posisyon eh."

Matapos kong magkwento kay LX, nakita ko siyang nakatingin sa akin.

"Mukhang hindi ka ata natakot sa sinabi ko. Haay. Sabagay, wala ka kanina sa pinangyarihan ng trahedya. Kung makikita mo lang ang kaawa-awa nilang mga bangkay, hindi ganyan ang ihaharap mong mukha sa akin."

Nag-iba ito ng tingin at nakita kong parang nagtaka rin siya sa mga sinabi ko. Mas lalo ko pang napatunayan na napunta ang kanyang atensyon sa sinabing trahedya nang magtaas siya ng kamay at nagbigay ng sign. 
 
 
 
Give me more some details about the death last time. 
 
 
 
Hmmp, he is now acting like a curious cat. I guess, this will be more exciting.

Tingnan natin kung paano magreact ang isang Louis Xen Infinite tungkol sa murder.

Pinaliwanag ko pa ang ilan kong nakita sa kusina kanina. Halos maikwento ko na ang buong pangyayari sa kanya. Miski ata yung kulay ng mga gamit sa kusina at ilang aparato sa pagluluto ay naisama ko na sa aking pagpapahayag.

Under ImperialDove le storie prendono vita. Scoprilo ora