Chapter 4: Europe

68 3 0
                                    

Aria         
     
       
    
Halos mahilo ako habang naka-upo dahil sa paglipad ng private jet. Ito ang una kong sakay ng jet at nakakahilo naman talaga kapag sumakay dito. Inabutan ako ni Ms. Vice President ng chewing gum para hindi ako mahilo ng labis.

Gumaan naman ang loob ko nang nasa himpapawid na kami at natutuwa akong nakasilip sa bintana ng jet. Kitang-kita mo kung gaano kaganda ang dagat dahil sa liwanag ng buwan. Napakaganda rin ng tanawin na nakikita ko. Yung langit na puno ng mga bituin, yung bundok sa di kalayuan at ang mga kaunting ulap.

May chef na lumapit sa akin habang may ipinatong na plato na may laman na pagkain sa mini table ko.

"Huwag kayong mahiyang dalawa sa amin kahit tayo'y nasa Europa na. Tayo ang magiging pamilya simula ngayon. Ang hapunan na hinanda ni Chef Agatha ay isang putahe na orihinal na nagmula sa Inglatera..." Nakikita ko na rin dati si Chef Agatha sa cafeteria ng S.A.. Ang pinagtataka ko lamang ay kung bakit rin siya kasama dito?

Abala sa pagpapaliwanag si Mr. President ng mga nakahandang pagkain sa aming harapan. Hindi ko gaanong kilala ang pagkain na yun at sana naman masarap ito. Ang tangi ko lamang alam ay yung hinanda nilang dessert na chocolate mousse. Nakakatakam!

Nagsimula na silang kumain kaya kinuha ko na ang aking mga kobyertos. Nang makakuha ako ng hinati kong maliit na karne, tinikman ko yun at nakakapansisi dahil hindi gaanong masarap.

Inubos ko ang aking pagkain dahil nakakahiya naman kung may matitira ako. Ang pinagtuunan ko na lang ng pansin ay yung dessert.

"Ang sarap!" bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan si Louis Xen na nasa aking tapat. Dahan-dahan siyang umiinom ng orange juice habang nakatingin sa isang papel. Anong meron dun?

Umisod-isod ako ng pagkakaupo at pasimpleng sinisilip yung tinitingnan niyang papel pero halos malaglag ako sa upuan nang lumingon siya sa direksyon ko.

"A-ano... U-uhh... Gusto ko sanang humingi pa ng dessert sayo kaso nakita ko yung plate wala ng laman. Sige, magbasa ka na lang ulit. Thanks!" tinaasan niya ako ng kilay bago magbasa ulit. Marami ba siyang mata? Bakit alam niya kapag napapalingon ako? Nakakatakot naman ang isang 'to.

"Hija, gusto mo pa ba ng mousse?" may iniabot sa aking platito si Ms. Vice President na may lamang mousse.

"Hindi na po, Ms. Vice President! Ok lang naman--"

"Sige na, Aria. Tanggapin mo na, hindi kasi akong pwedeng kumain ng mga matatamis." kunwari pa si Ms. Vice President, nagda-diet siguro siya. Pero hindi na niya yun kailangan dahil kita ko naman ang katamtaman niyang katawan. Hindi na maihahalintulad sa akin na hindi mataba dahil payat. Nakakawalang-hustisya.

Kinuha ko na rin ang inaalok ni Ms. Vice President. Nginitian niya ako at naging abala na siya sa pagkain ng mga ubas at berries. Natahimik lang ako sa aking upuan habang nakatingin sa bintana. Mahaba-haba pa ang oras na kailangan bago makarating ng Europe.  
   
  
 
◇ ◆ ◇ ♔♕ ◆ ◇ ◆
    
    
  
"Binibining Haran, kayo na lamang po ang hinihintay." napaunat ako at di ko namalayang nakatulog na ako sa pagkainip kagabi. Ang haba ata ng oras ng tulog ko. Ang sakit ng katawan ko dahil sa upuan na lang ako nakatulog.

"Ha? Bakit po Ma'am? Nasa Europe na ba tayo?" tanong ko sa stewardess. Oo, may stewardess rin silang kasama.

"Opo Ms. Haran, 2 oras na po ang nakakaaraan."

ANO?! Ba't hindi man lang nila ako ginigising?!

Napatayo ako paalis ng upuan at inilibot  ang aking paningin sa bawat sulok ng silid. Tumingin ako sa aking relo at nakita kong 12 na pala ng tanghali. Ang haba talaga ng pagkakatulog ko! At nakakahiya na stewardess pa ang gumising sa akin. Tiningan ko ang aking itsura sa salamin at nahiya ako sa nakita kong imahe. Kailangan ko na sigurong mag-ayos. Halos makahinga ako ng maluwag ng makita si Louis Xen na pumasok sa silid at umupo sa inuupuan niya kagabi.

Under ImperialWhere stories live. Discover now