Chapter 22: Unseen

34 1 0
                                    

Aria   
    
    
    
If one of the Majestic Twain was a former King or Queen, their goal has a similarity towards LX and his assassins.

At first, Splendid Academy seems like an ordinary school which has students who came from wealthy families. You will thought that they're just some spoiled kids that can't live without the money of their parents. But behind of their expensive clothes, high profile and known surnames, they carry a deadly secret which will can cost your life.        
    
That's all about the Royal Battle. It takes blood and lives just to prove your worth on the throne. As I bear the crown that stands for the Queen, I need to win for the pride of our home section, so as ourselves.

Biyernes ng gabi, nakatanggap ako ng mensahe mula kay Cara at niyaya niya akong kumain sa café bukas. Dahil after lunch pa ang training ko kasama si LX, tinanggap ko ang imbitasyon ng bestfriend ko.

Akala ko'y wala na kaming pag-asa na magkita ulit dahil ilang beses kong nabalitaan na busy siya. Ngayong siya na ang kusang nagyaya sa akin, hindi ko mapigilan ang matuwa dahil kahit papaano ay namiss ko ang bestfriend ko.

The day has come and I'm already waiting for her inside the café. Makalipas ng ilang minuto sa paghihintay, dumating na siya at hindi na naman namin napigilan ang ngumiti nang makita ang isa't-isa.

"Aria! How are you? Sorry kung ngayon lang tayo ulit nagkita."

Itinuro ko sa kanya ang bakanteng upuan na nasa harap ko at doon siya umupo.

"Still the same. Dinala ko na ang pasalubong ko sa'yo."

Abot tenga ang ngiti niya nang iabot ko ang isang cream-colored na tote bag. Nang buksan niya ito, napapalakpak pa siya nang malaman kung ano ang mga laman nito.

"You really know me well, Aria. Nandito nga ang mga faves ko."

"Of course. Besides, naging busy ka lang tapos nag-iba na ang buhok mo."

Cara flipped her hair and she smiled.

"Am I pretty?"

"Lagi ka naman maganda."

"Ganyan lang talaga ang marereceive kong sagot mula sa'yo? Para tuloy hindi bagay sa'kin yung platinum blonde."

"Hay nako. Nagtampo pa ang isang 'to. Ano ka ba. Lahat ng changes sa'yo ay bagay."

Naging simple ang ngiti ni Cara at muling binuklat ang tote bag na binigay ko.

"Kapag ba nagbago ako Aria, best friend pa rin ang turing mo sa akin?"

Mahina ko itong tinapik sa balikat.

"Ang drama mo, Cara. Wala naman makakapalit sa posisyon mo bilang best friend ko."

Tumayo si Cara at bigla akong niyakap. Hinigpitan niya pa ito kaya napalo ko siya sa braso. Tatawa-tawa naman itong bumalik sa kanyang upuan habang bitbit pa rin ang tote bag.

"I really appreciate this, Aria. It's good that you're back."

Indeed. I'm glad that I'm back here.

After that, Cara volunteered that she's the one who'll order our food. Sumang-ayon ako sa kanya at hinintay ko siyang makabalik sa table namin. Hindi rin nagtagal, dumating na ito habang bitbit ang tray ng mga desserts.

Kasabay ng pagkain, nagkukwentuhan kami ng kung anu-ano. Matagal-tagal rin kasi kaming hindi nagkita kaya inaasahan ko ng marami akong maririnig na kwento sa bestfriend ko.

While she's talking about her school days which I'm still in Europe, I noticed something on her wrist.

Hindi ito masyadong pansinin dahil maliit ito at kulay pilak. Bukod sa platinum blonde niyang buhok, nagpatattoo rin pala ito. Yun nga lang, hindi ko maaninag kung ano ang tunay na itsura nito.

Under Imperialحيث تعيش القصص. اكتشف الآن