Chapter 50: Back to Ashes

29 0 0
                                    

Sherry   
  
 
      
As we parted ways due to our own missions to be taken care of, I'm with Clyde inside the classroom to wait for our Queen because we'll send her home. Nang makabalik na si Aria sa silid-aralan, para bang may hinahanap ito kaya nilapitan ko siya.

"Aming Queen, may hinahanap po ba kayo?"

Pagkakita niya sa'kin, ngumiti ito matapos umiling.

"Napansin ko lang na nakaalis na pala ang iba." sagot niya habang tinutukoy sila Martini.

"Pasensya na kung hindi na sila nakapagpaalam sa'yo. May ibig ka pa bang puntahan? Ihahatid na kasi namin ikaw sa apartment."

"Pwede ba akong pumunta sa headquarters ngayong gabi?"

Saglit akong napatingin kay Clyde bago sagutin ang tanong ni Aria.

"Hindi ko lang alam kung mayroong maagang makakauwi sa headquarters ngayon. Lahat kasi kami ay kailangan sa iba't-iba naming misyon."

"Ganun ba?"

Gustuhin ko mang dalhin sa headquarters si Aria ngunit mas mabuti kung hindi muna siya aalis sa kanilang apartment mamaya. Ginagawa namin ang lahat upang parehas silang maprotektahan ni LX kung kaya't kailangan muna naming tiisin na hindi magkita-kita ngayong gabi.

Pagkahatid kay Aria sa kanilang apartment, paalis na sana kami ni Clyde nang huminto ako sa paglalakad matapos itong marinig na magsalita.

"Nakita ko si LX kahapon. May pinuntahan siyang lugar hindi kalayuan sa akademyang Splendid. Ang kabahayan dito ay maihahalintulad sa Europa. Nakausap ko siya sa isang lugar na mayroong itim na gate. Para bang walang mga taong nakatira dito dahil sa sobrang katahimikan."

Hindi ko maiwasang magtaka sa sinabi ni Aria. Hindi gaanong pamilyar ang sinabi nitong lugar ngunit parang may natatandaan akong kagaya niya mula sa mga nakasulat sa libro ng Royalties.

Nang humarap si Clyde sa'min, nakatingin lang ako sa kanya at ito ang ginamit kong paraan upang makumpirma kung pamilyar siya sa lugar.

"We'll try to visit the place you told us, our Queen. Sa ngayon ay magpahinga ka na sa inyo."

Wala ng nagawa si Aria kundi sumang-ayon sa sinabi ni Clyde at magpaalam sa aming dalawa. Inihabilin niya na mag-ingat kami sa pag-uwi kung kaya't ginantihan ko din ito ng pagngiti.

Nang makalayo na kami sa apartment nila Aria, nakatingin lang ako sa dinadaanan namin nang magsalita si Clyde.

"It means LX's still visiting the old town of Veil. I haven't heard of it for a long time and I was surprised to know that there are still buildings there. Unfortunately, it became a ghost town, an empty community."

Hindi pa ako nakakarating sa bayan ng Veil kaya wala akong alam kung ano ang itsura nito. Base sa paliwanag ni Clyde, parang nakakapanghinayang na isa na lamang itong abandonadong bayan matapos bumagsak ang kaharian kung saan ito nasasakop.

"Will he be okay if he keeps returning in his old home even though he's already with our enemy?"

Natahimik si Clyde sa sinabi ko, hindi alam kung ano ang isasagot. Gayunpaman, mas nanaig pa rin sa kanya ang pagiging kalmado kahit alam niya sa kanyang sarili na mayroong panganib sa ginagawa ni LX.

After few minutes of silence, we reached the headquarters to get what we need in our next mission. Dahil naihatid na namin si Aria sa kanyang apartment, kakailanganin na kami nila Martini kung kaya't dapat na kaming maghanda.

Habang hinihintay si Clyde na abala sa paglilinis ng isang rifle, napatingin ako sa pintuan nang dumating si Chaz.

"Chaz, ikaw lang ang nandito?"

Under ImperialWhere stories live. Discover now