Chapter 8: Clash

60 3 0
                                    

Aria 
 
  
 
"Queen? Sinong queen ang sinasabi mong nakaalam sa pagpupulong na 'to?"   
   
Pagkakita sa akin ni LX, napatayo ako nang tumigil siya sa pagsasalita.

"Nakakapagsalita ka?"

Hindi pa rin siya kumikibo dahil pinipilit niya atang paniwalaan ang presensya ko sa loob ng kabanya.

"LX?"

Wala ba siyang balak magsalita? Kanina ko pa siya kinakausap ah.

Mas lalong hindi sinagot ni LX ang tanong ko nang basta na lang siya umalis ng kusina.

Iniwan ko ang iba sa silid dahil sinundan ko si LX.

"LX! Ilang araw na tayong magkasama pero ba't ngayon ka lang nagsalita? Bakit mo itinatago sa iba na marunong ka palang kumausap? Sagutin mo ako! Hoy!"

Inunahan ko siya sa paglalakad kaya naharangan ko ang pangunahing pinto ng kabanya.

"Kung kaya mo naman palang magsalita, ba't nagpapanggap ka na pipi? Gusto mo bang hindi makapagsalita panghabam buhay?"

Napadiin ang pagkakasandal ko sa pinto nang maglabas siya ng rebolber.

"Ikaw? Gusto mo rin bang hindi makapagsalita habambuhay?"

My heart starts pounding faster because of his gun. Pakiramdam ko ay hinihigop nito ang lakas ko lalo't nakatutok ito sa aking bibig.

Ito pala ang tunay na katauhan ni LX. Kung mas delikado sila Martini, mas nakakatakot pala ang taong nasa harap ko.

Nanatili akong nakatingin sa kanyang baril dahil nag-iingat ako sa pwede nitong gawin sa akin.

Lumipas ang ilang minuto, binasag niya muli ang katahimikan.

"Even you are the Queen, you should be careful from now on. You already know who we are and this dangerous secret."

Itinago niya ang baril at nagulat ako nang ilapat niya ang kanyang kamay sa gilid ko.

"Nagkakaintindihan ba tayo, Aria Haran?"

Dahil sa takot, agad akong tumango sa kanya.

"P-Pero bakit hindi ka--"

Hindi ko itinuloy ang gustong sabihin dahil hinampas niya ang pinto gamit ang kanyang kamay.

"Akala ko ba, nagkakaintindihan na tayo?"

"Yung--"

"Di ba?"

"Ano--"

"Aria Haran--"

"Aming minamahal na King, pagpasensyahan mo na siya."

Salamat kay Martini nang dumating siya upang pigilan si LX sa kanyang ginagawa. Lumayo ako sa kanilang dalawa pero masama pa rin ang tingin sa akin ni LX.

"Queen, maipapangako mo ba sa amin na hindi mo ipagkakalat ang natuklasan dito sa loob ng kabanya?"

"Maari ko bang malaman ang dahilan kung bakit hindi magawang makapagsalita ni LX sa labas?"

"Maipapangko mo ba, aming Queen?"

"Kung sasabihin mo muna ang dahilan, bakit hindi?"

Sumuko na si Martini sa kondisyon ko kaya siya na ang unang tumupad sa pangako.

"You still have no enough knowledge about those officials of S.A. Hindi ko alam kung maiintidihan mo ang mga sasabihin ko sa kabila ng kaunti mong kaalaman tungkol sa ating akademya. All of the S.A. officials know about our King's trauma of having no ability to speak on anyone. His parents were been murdered before his eyes. That's the truth why he chose of not speaking with someone else... except us."

Under ImperialWhere stories live. Discover now