Chapter 24: Epistle

24 1 0
                                    

Chelsea  
  
  
  
When I was a child, I'm not fond of reading books nor anything that has so many words. As a person who prefers being verbal rather than writing on how I'm gonna express how I feel and what to say, papers and ink isn't my thing.

Sunday evening. Sinundo ako ni Chaz mula sa mansion namin dahil may kailangan kaming puntahan. Nasa kalagitnaan ako ng hapunan kasama ang aking pamilya nang dumating siya. Nang makita siya ng mga magulang ko, tila natuwa pa sila dahil inakala nilang kakain kami sa labas ni Chaz.

Little did they know, we had something to do which is beyond what they're thinking.

It's NOT a romantic date for us. Mas lalong hindi trip ni Chaz na imbitahin akong lumabas ng mansyon dahil lamang sa gusto niyang lumanghap ng sariwang hangin sa kalagitnaan ng gabi. He would prefer locking himself in his room while studying explosive powders rather than taking me into fancy restaurants for us to have that kind of date.

"Bakit kasi ngayon pa tayo kailangan bumalik sa Splendid Academy? Hindi ba pwedeng sa susunod na Sabado na lang? May pasok na tayo bukas. Masisira na naman ang tulog ko."

Dahil nakakaramdam na ako ng antok, medyo mabagal ang paglalakad ko habang nakasunod kay Chaz.

"Bakit hindi ka kay LX magreklamo?" sagot niya habang nakatuon ang atensyon sa daan.

"Alam ko na ang mangyayari kung sakaling ipilit ko na ipagpaliban muna ang misyon na 'to. He'll shake his head and flashed his emotionless-- CHAZ NAMAN!"

Bigla akong napasigaw matapos niyang kurutin ang tagiliran ko. Noon kasing dumadaldal ako tungkol kay LX, hindi ko napansing umurong siya ng paglalakad at pumantay sa akin para kurutin ako.

"Are you already awake?" tanong niya habang seryoso.

Hiwakan ko ang parteng kinurot niya.

"Sino bang hindi masasaktan sa ginawa mo? Ang sakit kaya."

"Then shut up and walk ahead. Mas matatapos tayo ng maaga sa misyon na 'to kung hindi bibig ang ipaiiral mo."

Why is he that harsh this evening?

"Who told you that you have the right  to scowl? FYI, you're the one who trespassed in our mansion and ruined my family's dinner!"

Tumigil sa paglalakad si Chaz at tumingin sa direksyon ko.

"I already told last time that you should shut your mouth. Gusto mo bang may gawin ako para tuluyan kang tumahimik?"

My eyes widen when I saw him stepped forward. Nang hahakbang siya ng isa pa, napapikit ako at pinagkrus ang mga kamay.

"Okay! Okay! I'll shut up! Ang seryoso mo kasi masyado. Wala naman tayong ibang gagawin dito kundi magmasid."

Chaz tch-ed at me and go back in walking. Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya at pinigilang magtanong ng magtanong ng kung anu-ano sa kanya. Baka kasi kapag naingayan na naman siya sa'kin, ituloy na niya ang dapat gagawin kanina.

Whatever it is, I know that will shut me quickly.

And no, he won't take my life. It's the other way around.

Nang marating na namin ang Splendid Academy, dumaan kami sa masukal na likuran nito. Chaz climbed the towering walls of the school's boundary and jumped inside the premises without creating any noise.

He could be the male version of Ghostly Wind (Euris' Assassin Codename) because of his quick and quiet moves he did last time.

From a small hole, nakita kong bumalik na sa paglalakad si Chaz kaya medyo nataranta ako. Bukod sa baka malingat ako sa aking kasama, hindi ko alam kung paano makakaakyat sa pader dahil sa suot kong mga sapatos.

Under ImperialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon