Chapter 35: Scale

38 1 0
                                    

Aria 
   
       
  
Hours after Chaz and Chelsea found the book of Royalties, inimbitahan ang lahat na pumunta sa headquarters kahit madaling araw na. Habang may pagpupulong, nagpapahinga muna sila Chaz at Chelsea sa guest room kaya hindi kami kumpleto sa meeting hall.

Matapos ang pagpupulong, isa-isang nagsialisan ang mga assassin hanggang sa kami na lang ni LX ang natira. He was busy flipping the pages of the book and I almost jumped out of surprise when I heard him asked.

"Hindi ka pa uuwi?"

Umiling ako.

"I'll stay until morning. Hindi na rin naman ako makakatulog ngayong oras at mamaya'y kailangan na nating pumasok sa akademyang Splendid."

Hinihintay kong sumagot si LX pero busy lang ito sa pagbuklat ng libro. Noong tatanungin ko siya kung wala rin itong balak umuwi, bigla itong nagsalita.

"There are still available chambers upstairs, if you like to take some rest."

Tumango ako.

"I know. Pero ayoko pa rin matulog."

Another silence filled the meeting hall, hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang pakikipag-usap sa kanya. The truth is, he was very serious last time especially when he have known that Chaz pushed to finish his mission even though he's already in weak condition. Nang matanggap niya naman ang mahiwagang libro, nawalan na ng emosyon ang kanyang mukha at tila inaabsorb na nito ang kanyang buong atensyon.

Because of boredom, I keep tapping my fingers on the table when Sherry returned in the meeting hall. Lumapit siya kay LX para sabihin ang kondisyon nila Chelsea at Chaz. Ayon sa kanya, mas lalong lumala ang kalagayan ni Chaz kaya tulog na tulog ito ngayong oras. Si Chelsea naman, kakatapos lang mag-ayos ng sarili pero nahihilo pa rin dahil sa toxic na amoy ng mga bulaklak sa pinuntahan nilang chamber.

Bago ito umalis, tumayo ako at tinawag siya. Ngumiti ito sa akin bago magsalita.

"Aria, hindi ka pa uuwi?"

Umiling ako.

"Papunta ka ba kila Chelsea? Gusto kong sumama."

Lumingon ako kay LX para magpaalam na aakyat kami sa tinutuluyang silid nila Chelsea. Yun nga lang, hindi pa rin ito namamansin at ang atensyon niya ay nasa libro.

"Shall we go? I think he wants to be alone here."

Hindi ko na hinintay ang paglingon ni LX at nagsimula na akong maglakad palabas ng hall. Nakasunod naman sa'kin si Sherry kaya hindi na ako nagsalita pa.

Habang paakyat kami ng hagdan, pansin kong tahimik lang si Sherry. Although alam kong madalas siyang ganito, parang may nararamdaman akong kakaiba sa kanya.

"He's really eager to finish their mission, even though he almost collapsed from the pain he's enduring after they fought the Magus in Town of Grand." biglang sabi ni Sherry noong naglalakad na kami sa pasilyo.

"Feeling ko nagtatampo si LX kaya hindi namamansin kanina. Kinausap niya naman ako kaso noong nagpaalam tayo sa kanya, baka naalala nito yung tungkol kila Chaz."

Natawa si Sherry sa sinabi ko.

"Hindi naman matampuhin si LX. Pero hindi ko itatanggi na kapag may nakakuha ng kanyang atensyon, hindi na nito pinapansin ang nasa paligid niya."

I nodded.

"How about you and Clyde? Okay naman kayo noong makarating sa Splendid Academy matapos puntahan ang bayan ng Grand?"

Under ImperialDonde viven las historias. Descúbrelo ahora