Chapter 3: Representatives

85 3 0
                                    

Aria



Naka isang buwan na ako sa akademyang Splendid at isang buwan na rin akong laging pinag-uusapan ng buong klase.

Ito ba ay tungkol sa hindi ko paggalang sa aking mga guro? Malabong ito ang dahilan kung bakit malimit akong mapansin ng lahat.

Miski ang mga guro na hindi ko ginagalang ay hindi ako itinatapon sa guidance office. Ni hindi rin ako nakatanggap ng mabigat na parusa mula sa matataas na opisyal.

Ah. Alam ko na kung bakit. Siguro ay tungkol ito sa ilang mga trahedya na nangyari sa seksyon namin na kung saan nila ako sinisisi.

Nasa loob ako ng silid namin at mag-isa lang ako sa aking upuan habang ang lahat ay abala sa pakikipagdaldalan at pag-iingay. Hindi pa kasi dumadating ang unang guro namin para sa araw na 'to.

Ilan lamang sa mga nangungunang pinag-uusapan nila ay ang bagong balita na may namatay kaming kamag-aral at nakita siya kagabi na walang buhay malapit sa apartment na tinutuluyan ko.

Araw-araw akong nakakatanggap ng panlalait at sinisisi nila ako sa pagkamatay ng aming kamag-aral. Hindi ako apektado dahil hindi ko naman 'yon kasalanan. Sabi sa akin ni Cara, huwag ko na lang sila pansinin dahil kapag pinatulan ko pa baka akusahan nila ako.

Hindi ako masyadong kumakausap sa mga hindi ko kilala. Lalo na ang mga kaklase ko sa seksyon na 'to. Naturingan pa kaming pinaka-angat sa lahat pero kabaligtaran naman sa ugali nila.

Nananahimik lang ako sa aking upuan ng biglang may sumipa sa likod ko.

"Bakit ba hindi ka na lang umamin sa mga opisyal ng akademya, Haran? Hindi ka ba man lang naaawa sa naging kalagayan ni Carissa? Halos hindi na makilala ang bangkay niya pagkatapos mo siyang patayin bago sunugin!"

May ilan na ring mga kaklase ko ang lumapit sa kanya para tulungan paaminin daw ako sa hindi ko man lang ginawang kasalanan.

"PWEDE BA, KUNG AYAW NIYO NG GULO LUMAYAS KAYO SA HARAPAN KO!"

Nagsialisan ang mga kaklase ko na kanina lamang ay abala sa paninisi sa akin ng bigla silang sinigawan ni Euris. Nasa likod ko lang si Euris at baka naririndi siya sa kanila. Mabuti na lang at sinaway niya ang mga 'yon. Matatahimik na rin ang mundo ko.

"Huwag kang magpasalamat. Hindi kita pinagtanggol." ayan lang naman ang maaasahan mo sa mga salita niya.

Isinalpak ko na lamang sa tenga ko ang aking mga earphones para magkunwaring nakikinig ng musika mula sa aking phone.



"Dapat hindi na hinahayaan ng mga guro at opisyal ng akademya na papasukin 'yang si Haran sa S.A."

"Masyado na siyang nakakatakot. Bago lamang siya rito pero ilang trahedya na ang naganap sa seksyon natin!"

"Isa talaga siyang malas!"



Matapos ang bulungan nila, biglang tumahimik ang klase ng biglang bumukas ang pinto ng silid.



"Oh no, akala ko ba hindi na siya papasok sa S.A.?"

"Anong ginagawa niya dito?"

"Huwag na kayong magreklamo! Ayaw niyo bang kaklase natin ulit siya sa ika-siyam na baitang ng junior high?"

"Hindi naman sa ganun, bakit kung kailan Agosto na saka pa lang siya pumasok?"

"Napaka-misteryoso niya pa rin kahit kailan."



Tiningnan ko naman ang tinutukoy nilang bagong pasok sa silid. He's a guy with a mysterious aura and yeah, a good-looking one. Umupo siya sa bandang hulihan na row. Nagulat na lamang ako ng bigla siyang mapatingin sa akin.

Under ImperialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon