Chapter 20: Adverse Matter

31 0 0
                                    

Aria  
  
  
  
Welcome back in Splendid Academy! Of course, I'm the only one who greeted myself with that as my classmates, or even everyone around the school, doesn't care if I'm already back or not.

Nang makarating ako sa lobby ng akademyang Splendid, sumalubong sa akin si Tara na nakangiti.

"Did you miss our school?"

I laughed sarcastically on her question.

"Nope. Maybe the school itself missed me."

Naglakad na kami sa pasilyo patungo sa aming silid. Doon palang, may nakita na akong mga kamag-aral namin ang tila nasorpresa dahil nakabalik na ako sa akademyang Splendid.

Akala ko'y patuloy nilang pag-uusapan ang aming presensiya nang mapansin kong mabilis nilang binalewala ang atensyon sa amin.

Unbelievable. Hindi ba't paborito nila akong pag-usapan?

Tinapik ako ni Tara sa balikat nang mapansin niyang palingon-lingon ako sa paligid. Nang mapagtanto kong wala akong mapapala sa pag-oobserba sa bagong kinikilos ng aking mga kapwa mag-aaral, niyaya ko na si Tara sa loob ng aming silid.

Bago makaupo sa dati kong upuan, nalaman kong naunang dumating si Euris sa amin nang makita ko itong tahimik sa kanyang puwesto. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya, inirapan ako nito bago iniba ang direksyon ng tingin.

Well I guess, she's back to her usual self again. Yun nga lang, may pagbabago rin sa kanya dahil wala akong natanggap na pang-aasar at pagmamayabang matapos naming magkita.

Few minutes passed by, Chelsea came who's panicking so early in this morning. Mukhang nagtatakbo ito papasok ng school at hindi ko alam ang dahilan ng kanyang pagmamadali.

"Magandang umaga aming Queen! Muntik na akong tanghaliin ng gising dahil may ginawa akong importante kagabi."

Uh, okay?

"Bakit kailangan mo pang sabihin sa akin?" tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo.

"Naku, Aria. Parang hindi mo alam kung gaano nakakatakot si Ma'am Evette ah."

I see. Hmmp, I can't wait her reaction when she see her favorite student once again.

Before eight in the morning, dumating na si Ma'am Evette sa aming silid suot ang mataray niyang mukha.

Nang makalapit ito sa kanyang mesa, inilibot niya ang mga mata sa buong silid na tila kinikilatis kung sino ang hindi pa dumadating. Tama si Chelsea. Strikta si Ma'am Evette at mapapahiya ka sa kanya kapag may ginawa kang labag sa batas niya.

Dumako ang matalas nitong tingin sa direksyon ko. Nanatili akong kalmado sa aking upuan at hindi natinag sa nakakatakot niyang tingin.

"I was surprised to see the Queen of this section. Hindi ba't sa isang taon pa ang inyong pagbalik sa akademyang Splendid?"

Her words look like covered in poison even though her smile is sweet as candy. Syempre, hindi ako magpapatalo sa gurong ito.

"You can ask the officials of Spendid Academy why I'm here."

"And where the hell is your King?"

Napagtanto kong bakante ang upuan ni LX nang dumako ang tingin ko roon. Kung hindi pa tinanong ni Ma'am Evette kung nasaan si LX, hindi ko malalaman na hindi pa siya dumadating sa aming silid.

Speak of the devil, LX came inside the classroom, wearing his monotone face while not minding all of the students that are looking at him. Hindi pa man ito nakakaupo sa kanyang upuan, binati na siya ni Ma'am Evette.

Under ImperialWhere stories live. Discover now