Chapter 7: Allies

95 2 0
                                    

Aria  
  
  
  
"Queen."

Bumalik ako sa pagkakahawak ng pinto at sinamaan ng tingin ang taong nagsalita.

Paano siya nakarating sa Inglatera?! At isa pa, paano niya natunton ang lugar na 'to?

Hinayaan ko siyang pumasok ng silid dahil baka makita siya ng mga taga-bantay ng mansyon. Mahirap na at baka mahuli siya ng mga 'to.

Pagkatapos niyang pagpagin ang suot na jacket, ngumiti siya sa akin at agad itinuon ang atensyon kay Death.

"Paano mo nalaman na nandito kami ni LX?" tanong ko sa bagong dating.

"Dahil sa kanya."

"Kanino?"

"Kay LX."

Nakalimutan ko nga palang magkakilala sila.

"Anong gagawin niyo dito? Alam ba nito ng mga opisyal ng Splendid?"

May inabot siya sa aking papel habang patuloy niyang nilalaro si Death.

Pagkabasa ko ng mga nakasulat sa papel, nasapo ko yung noo ko nang malamang isang buwan silang mawawala sa paaralan.

"At ano naman ang gagawin niyo dito sa Europe para mawala ng isang buwan sa akademya ng Splendid?"

Binuhat ni Martini yung pusa at nakangiti pa rin siya nang humarap sa akin.

"We would protect our King and Queen. Did it answered your question?"

I think... not yet. Psh.

"Hindi namin kailangan ng proteksyon mula sa'yo at sa mga kasama mo. Nandito ang opisyal ng Splendid. Hindi kami mapapahamak."

"Hindi nga ba?"

Ano bang gusto nitong iparating?

"May isang kaso ng pagpatay ang naganap kaninang umaga dito sa loob ng mansyon. May alam ka na ba kung sino ang nasa likod nito?"

"Wala. Wala kasi ako sa posisyon para mangialam sa nasabing trahedya."

"Nakikita ko na gusto mong malaman ang tungkol sa pagkamatay ni Maria Garan at Carissa. Isama mo pa ang nangyaring pagpatay sa mga ilang taga-bantay ng mansyon. Halata sa'yo ngayon ang isang delikadong kuryosidad na kung hindi mo malalaman ang dahilan ng kanilang malagim na sinapit, sarili mo ang susunod dito."

Hindi ko alam na may itinatagong abilidad si Martini na magbasa ng isip.

O sadyang halata na ang kuryosidad ko?

Bago pa man makapagsalita, may iba pang tao na pumasok sa aking silid at ang balkonahe pa rin ang ginawang lagusan.

"Malamig sa labas ng mansyon. Kung hindi pa namin pinasok ang silid na 'to, baka nagyeyelo na kaming lahat bago pa man makabalik si Martini." puno ng sarkastika na saad ni Euris.

Kumpleto silang lahat na nasa loob ng kwarto ko. At dahil maraming tao ang nandito sa aking silid, malalagay sa peligro ang lahat.

Mapapagalitan ang bawat isa dahil ako lang at si LX ang pinahintulutan na mag-aaral ng Splendid na manatili dito sa mansyon.

"Paparating si Sir Grant dito sa loob ng silid. Umalis na muli tayo at bumalik na lang mamayang hating gabi."

Sumang-ayon ang lahat sa anunsyo ni Tara at sunud-sunod silang nagtungo sa balkonahe.

Isang minuto lang ang naging distansya ng pagkawala nila sa silid ko nang dumating si Sir Grant.

"Sir Grant!" kinakabahan kong bati sa kanya.

Under ImperialWhere stories live. Discover now