Chapter 26: Veil of Demise

31 1 0
                                    

Euris 
  
  
  
I clicked my tongue while staring at the towering buildings of the Skye Manor. Ilang buwan na ba ang lumipas magmula nang tumuntong ako sa lugar na 'to? One? Two? Or I can no longer recount months has passed because why do I still to care of it?

This luxurious place is nothing but a demon's den. Hindi kasama si Tara at ang ilang mga tagapagsilbi dito na kasundo ko, lahat sila ay mga demonyong nakabihis ng magagarang damit at tila ginto ang nanalantay sa dugo.

Bakit nga ba ako bumalik sa lugar na ito? Wala akong choice na dito muna manatili dahil hindi na ulit umuuwi sa dormitoryo ng akademyang Splendid si Martini.

Dahil sa mga pangyayari, tila umiiwas ito sa amin at alam kong may nararamdaman itong galit na hindi niya maipakita. Kahit nagmula siya sa makapangyarihang angkan, alam niyang wala siyang magiging laban kay LX at sa mga kasama ko.

Kahit ganun ang nagaganap ngayon, kailangan maibalik ang tiwala ni Martini sa aming grupo. Kung hindi, may posibilidad na talikuran niya kami at isiwalat sa mga opisyal ng akademyang Splendid ang tungkol sa pagkontra namin dito.

Kahit nakakairita ang ugali niya, mahalaga siya sa aming grupo dahil siya ang nangunguna sa mga assassins. Siya ang may pinakamaraming alam sa bawat misyon na ibinibigay ni LX. He's an asset that can't be a liability.

"Euris, ang tagal kitang hindi nakita." bati sa akin ng isang guard na nagbabantay sa main gate ng manor.

Ngumiti ako sa kanya.

"Opo, manong. Nandito po ba si Martini?"

"Madalas ay umaalis siya ng manor na walang pasabi. Ngunit masuwerte ka ngayon dahil nasa loob pa siya ng mga oras na 'to."

Matapos kong magpasalamat sa guard, pinagbuksan niya ako ng gate at mayroong tagapagsilbi na sumunod sa akin hanggang makarating sa pangunahing gusali ng manor. Pinagbuksan niya ako ng pinto at mayroon na namang tagapagsilbi na naggabay sa aking paglalakad.

Habang tinatahak ang pamilyar na pasilyo, napansin kong napakatahimik ng manor.

"Sinong mataas na pinuno ng Skye Manor ang nandito?" tanong ko sa kasamang tagapagsilbi.

"Wala sila ngayon sa manor, Euris. May pinuntahan silang pagtitipon ng isang hindi nalalayong kamag-anak na naninirahan sa Europa."

Nasa Europe sila?

"Kailan pa?"

"Noon pang isang araw."

"Ibig sabihin mag-isa lang si Martini dito magmula noong isang araw?"

Nag-alinlangang sumagot ang tagapagsilbi kaya kumunot ang noo ko.

"Feline, okay ka lang ba?"

Nagitla ang tagapagsilbi nang tapikin ko ito sa balikat. Pagkaharap niya sa'kin, mabilis itong tumango at niyuko ang ulo bago sumagot.

"O-Oo, nag-iisa lamang a-ang tagapagmana ng Skye Manor magmula pa noong isang araw."

Kung gayon, madali ko siyang makakausap dahil wala dito ang mga nakatatandang miyembro ng Skye Manor.

Inihatid ako ni Feline sa tapat ng pamilyar na pinto at iniwan ako dito dahil mayroon pa siyang aasikasuhin sa mga sumunod na silid. Bago kumatok, huminga ako ng malalim at pilit kumuha ng lakas ng loob habang iniisip ang mga dapat sasabihin sa kanya mamaya.

Kailangan ko siyang hikayatin na magtiwalang muli kay LX at sa lahat ng mga assassins. Mahirap mawalan ng pinuno, gayong hindi pa namin nakakamit ang kalahating porsyento ng aming layunin. Kung magpapatuloy siya sa pagtatampo dahil hindi kami tutol sa kagustuhan niyang ipatalsik si Sin Morris, walang patutunguhan ang lahat ng mga hakbang na aming sinimulan.

Under ImperialWhere stories live. Discover now