Chapter 82: Thailand

Start from the beginning
                                    

"Ate, balik ka agad ha!." wika ni Min agad ko siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit

"Don't worry Min, babalik ako ka agad. Kaya naman wag kayong mag-alala. Kayo na bahala kay mom at..."

"At kay Clyde, don't worry Scar, kami na bahala sa asawa mo." saad ni P'Bai na ikinangiti

"Salamat, pero kailangan ko ng umalis."

Naglakad na ako palabas ng bahay at sumakay sa kotse ko. Inalis ko lahat ng connection sa kanila para hindi nila ako ma locate kung saan man ako pupunta. I'm sure susundan nila ako doon. Pwes, sorry inunahan ko na kayo. Sorry guys!.

Pinaharurot ko ng mabilis ang aking sasakyan patungong airport. Hindi naman malayo ang airport dito kaya naman 20 minutes palang nakarating ako ng maaga. Dahil sa mabilis kong pagmamaneho. Bumili na ako ng ticket papuntang Thailand, matagal na rin na hindi na ako nakakapunta ng Thailand. Kamusta na kaya ang mga kaibigan ko doon?. Makikita ko pa kaya sila? O hindi na.

Nandito na ako sa loob ng eroplano, tahimik akong nakaupo sa private seat. Walang katao-tao dito.

"Ma'am, gusto nito po ba ng maiinom." biglang tanong ng isang flight attendat

"Hmm, later. Hindi pa naman ako uhaw," saad ko sa kanya na may ngiti

"Okay po ma'am."

Nagbasa na lamang ako ng libro habang naghihintay makarating ng Thailand. 5 hours and 15 minutes bago makarating ng Bangkok Thailand kaya naman magbabasa muna ako tapos mamaya matutulog. 

**FAST FORWARD**

After 5hrs and 15 minutes nakarating narin sa wakas. Ang sarap sa pakiramdam na makarating ka sa tahimik na lugar. Nandito na ako sa airport hinihintay ko na lang ang driver ko.

"Miss Han!" biglang tawag sakin ng isang matipunong lalaki at hindi lamang yun isa rin siyang gwapo

"Janzel!" sambit ko sa pangalan niya na ikinagiti nito ng makalapit na siya sakin

"Kanina pa po ba naghintay? Pasenya na po young lady may tinapos lang po ako sa company ninyo kaya naman ngayon lang po ako." saad nito habang kinakabahan

"Don't worry kakarating ko palang at hindi ka naman late, kaya wag ka ng kabahan diyan," nakangiti kong sabi

"A-akala ko po late na ako."

"Mamaya na tayo mag-usap pwede ba? Pagod ako sa biyahe." sabi ko

"Halina po kayo young lady, para makapagpahinga kayo."

Hindi parin siya nagbabago, maalagain parin siya sakin. How i wish meron akong kapatid na kagaya niya. Kaya lang ang mga kapatid ko walang pakialam samin lalo na sakin. Business lang nasaisip ng mga 'yon kaya hindi ko na sila inaabala pa.

"Sakay na po kayo young lady," wika nito ng pagbuksan nya ako ng pinto

"Salamat," agad naman ako sumakay

"Kamusta na po pala kayo? Balita ko po malaki ang problema ninyo sa korea," bigla nitong tanong habang nagmamaneho

"Hindi lang malaki, sobrang laki. Sa sobrang laki parang gusto ko ng magpakamatay pero hindi ko magawa dahil ako lang ang pag-asa nilang lahat lalo na ni mommy."

"Miss Han, wag kayong panghinaan ng loob, alam kong mapagtatagumpayan po ninyo ang problema nayan. Tiwala lang po kayo sa sarili ninyo, tungkol naman sa mga kaaway ninyo. Hayaan ninyo muna sila, magisip muna kayo ng plano bago kayo kumilos." wika nito

"Plano? Ano namang plano? Halos lahat ng plano na alam ko nagawa ko na, pero hindi parin matapos-tapos."

"Alam po ninyo, subukan niyong magbasa ng mga novels na tungkol sa mafia, marami po kayong makukuhang ideya doon na hindi alam ng lahat. Hindi ninyo alam nandoon lang po pala ang hinahanap ninyong sagot para matapos ang away sa pagitan ng ama ninyo, baka wala pang patayan ang mangyari."

Nang sabihin niya mga katagang yun, bigla may pumasok sa utak ko. Bakit hindi ko naisip ang mga 'yon. Mahilig akong magbasa ng mga libro, pero hindi ko sinubukang magbasa ng mafia books. Scarlett, bakit hindi mo naisip yun.

"Saan ba pwedeng makabili ng mga libro tungkol sa mga mafia?" bigla kong tanong sa kanya na ikinatingin nito sakin

"Wag na po kayong bumili miss Han," saad nito na ikinakunot noo ko

"Ha? Bakit naman?"

"Marami pong libro sa mansyon ninyo. Palagi po akong bumibili ng mga libro tungkol sa mafia, dahil alam kong kakailanganin ninyo yun." nakangiti nitong sabi

"Alam mo Janzel! Bakit hindi mo sinabi sakin yan dati, edi sana matagal na akong nagbabasa ng mga novel na ganyan kesa sa horror."

"Hehehe, sorry po miss Han. Ngayon lang po kasi pumasok sa utak ko na sabihin sainyo ang ganoong ideya. Minsan kasi hindi naman importante ang lahat ng mga ideya ko kaya hindi ko magawang sabihin sainyo, baka pagtawanan niyo po ako."

"Tsk, baliw! Bakit naman kita pagtatawanan eh kung may maganda kang paliwanag."

"Sorry po miss Han, wag po kayong mag-alala, sa susunod na meron akong ideya sasabihin ko na po sayo." wika nito

"I will love that, bago ako magbasa ng mga novel daan muna tayo sa company, gusto kong makilala ang mga bagong director and writers." saad ko sa kanya

"Okay po." pinaharurut na nito ang sasakyan ng mabilis.

Kung hindi ako nagkakamali, nasa company ko ang taong tumawag sakin. Na locate ko ang location kung nasaan sya ngayon at base on what i see, he's now inside in my company. Humand aka dahil mauunahan kita, sana hindi ka kaaway dahil sa oras na malaman kong kaaway ka, papatayin kita. Ayoko pa naman sa lahat na niloloko ako o kaya nilalaruan ako.

"Miss Han, may bago pala tayong director, kahapon lang po siya dumating galing Philippines." saad ni Janzel na ikinangiti ko

"Lalake ba sya o babae?"

"Lalake po siya siya miss Han,"

Siya na nga, humanda ka.

"Wag mong sabihin na sa kanila na dumating ang may-ari ng company." utos ko sa kanya

"Po? Bakit naman?" may halong pagtataka nitong sabi

"Wag ka ng magtanong, just do what i say. May huhulihin lang akong isda." saad ko na ikinatango nito, sumuot ako ng mask at sumbrero upang sa ganon hindi nila ako makilala.

"Nandito na po tayo!" wika nito kaya naman tumingin ako sa labas nandito na nga ako. Wala paring pinagbago ang company, dati parin.

Pinagbuksan ako ni Janzel ng pinto kaya naman lumabas na ako at sakto maraming reporters sa labas. Malaking problema 'to, baka makilala nila ako. Hindi ito pwede malalaman nila mommt na nandito ako sa Bangkok.

"Janzel! Sa likod tayo dumaan." saad ko sa kanya

"Ha? Bakit?" takang tanong nito

"Ayokong makilala nila ako. Alam mo naman na hindi ako pwedeng magpakita sa television, malalaman ng family ko sa korea."

"Ayy oo nga pala, nakalimutan ko. Halina na po kayo."

Tumakbo kami patungong backdoor dahil sa mabilis kong pagtakbo may biglang bumangga sakin na bigla kong ikinatumba.

"Young lady!" saad ni Janzel

"I'm sorry miss, hindi ko sinasadya." rinig kong sabi ng taong bumangga sakin kaya naman tiningnan ko siya ng may galit kaya lang biglang nawala ang galit sa aking mga mata ng makita ko ang mukha nya.

Shia!!! Bakit siya nandito, i mean sila.

💕💕END OF CHAPTER 82💕💕
Next chapter will be posted soon.
Sorry for typographical and grammatical errors.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Where stories live. Discover now