Chapter 47

1.2K 54 17
                                    

Walang required na attire ang party lalo pa at hanggang sa may swimming pool at pababa sa dagat ay may nilalatag na buffet. Sinamahan ulit ako ni Janine na magbihis sa kuwarto ni Juno. Snow white na beach dress, see through at sa ilalim ay glittered black super-short shorts at hapit na cropped top. Maong na itim din ang suot ni Juno at puting polo, nakabukas lang ang mga butones sa harapan. Hantad ang mga masels niya sa dibdib at tiyan na bunga ng regular nitong work-out.

Kasalukuyan niyang ini-estima ang mga bisita namin mula sa konseho sa lungsod at mga tauhan niya sa police station ng Sol Viento PNP. Panaka-naka'y inaalog niya ang alak na laman ng basong hawak habang ang isang kamay ay nakatuon sa sandalan ng bakanteng silya sa tabi niya. Tumatango siya sa pagitan ng pagsipsip ng alak habang nakikinig sa usapan ng mga panauhin. Malamyos ang musikang humahagod sa paligid pero may kalakasan kaya hindi ko marinig ng malinaw ang pag-uusap.

Kinaladkad ako ni Janine patungo sa
mga magulang ko at parents niyang magkakasama sa iisang table, mukhang may nakatutuwang pinag-uusapan din ang mga ito dahil hindi mapawi ang tawa ni Mama at ng Nanay nina Juno at Janine. Wala sa loob na nahaplos ko ang nakalugay kong buhok at inayos ang white orchid na nilagay ng dalagita sa kanan kong tainga.

Nabaling sa akin ang paningin ni Juno at ng mga bisita. Akala ko sa movie lang may ganitong tagpo na hinahakot ng magandang bida ang atensiyon ng lahat sa isang party. Ngayon ay nararanasan ko. Hindi ko mapangalanan ang masidhing emosyon na sumanib sa akin. Nasasabik ako na may halong nerbiyos. Medyo na-conscious din ako sa suot ko. Bagay kaya sa akin? Maganda ako sa paningin ni Juno?

Nilapag niya sa table ang basong bitbit at sumalubong sa akin. Umuklo siya, ang mga mata ay nakangiti sa gitna ng pagnanasang nababasa ko. Hinagkan niya ang kaliwa kong tainga at bumulong.

"Guess I was seeing my dream girl coming into flesh. You're lovely and this outfit is a terrible turn-on." Hinaplos niya ang pang-upo ko at marahang pinisil.

Muntik na akong pumiksi na ikinangisi niya. Nakatanaw sa amin ang mga bisita, ikakasal naman kami kaya ayos lang siguro kung magharutan kami pero pakiramdam ko ay mistula akong papel na gusto nang tangayin dahil sa hiya. Hindi ako sanay sa ganito.

"Ate," nagpaalam si Janine sa akin.

Tumango akong nakangiti ng matamis at muling binalingan si Juno. "Akala ko hindi mo 'to magugustuhan," pabuntong-hininga kong sagot.

"Anything becomes desirable when you fit them," dagdag pa niyang hindi na ako binigyan ng chance na sumagot dahil kagat na niya ang labi ko.

Pumikit na lang ako at tumingkayad, ini-angkla ang aking mga braso sa kanyang batok at tinugon ang marubdob niyang halik. Dinig ko ang palakpakan mula sa aming mga panauhin. Pagkatapos ng halik ay iginiya niya ako patungo sa mesa namin.

Umakyat doon sa main garden ang nga panauhing nasa swimming pool at sa dagat sa ibaba. Magkakasama sina Toby, Maricel, Pejay at ang iba kong mga ka-eskwela. Narito rin ang mga kapitbahay namin sa San Vitores. Pero hindi ko inasahan na pati sina Warren at ang mayor ay dadalo rin ngayon. Lalo pa akong na-sorpresa dahil ang host na nagsasalita habang hawak ang microphone ay si Konsehala Lidi Mae.

"At this juncture, may I call on our couple of the evening to take the floor!"

Inakay ako ni Juno sa gitna habang hinahatid kami ng masigabong palakpakan. Kinuha niya ang microphone na ibinigay ni Lidi Mae at nagsalita roon.

"Thank you, Lidi. Good evening, everyone! I'd like to extend my gratitude for joining us here today. Let me acknowlwdge the presence of our honorable Mayor Erwin, thank you, Sir, for the favor granted. Sa lahat, maraming salamat. Ngayon ay sigurado na akong hindi tatanggi si Nash kung hihingin ko ang kamay niya sa ikalawang pagkakataon dahil saksi kayo," biro niyang ikinasabog ng tawanan ng mga bisita.

Humagikgik ako kahit naluluha na sa saya. Wala akong ideya talaga sa mga mangyayari ngayon. Lahat ng ito'y malaking sorpresa sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay hindi na sumasayad ang mga paa ko sa lupa. Lumapit si Toby sa amin at may ibinigay na parihabang kaheta kay Juno. Nakangising kumindat pa sa akin ang binata bago tumalikod at bumalik sa mesa ng mga ka-eskwela namin.

Halos hindi na ako humihinga nang magsalitang muli si Juno. "Mang Vergel, Aling Aniceta, mahal na mahal ko ang inyong anak at gusto ko siyang makasama habang-buhay. Hinihingi ko po ngayon ang inyong pahintulot at bendisyon para mapakasalan siya."

Sabay na tumango ang mga magulang ko. Si Mama ay naiiyak na at inakbayan ito ni Papa, inaalo. Natuon muli ang paningin ko sa puting kaheta nang buksan iyon ni Juno. Tumambad sa akin ang pares ng gintong wedding rings. Namilog ang mga mata ko.

"Will you accept these rings for me and keep them until the day of our wedding, while I keep you in here," inilapat niya ang nakakuyom na kamao sa kanyang dibdib sa tapat ng kanyang puso. "For the rest of our lives, I love you, Nazarita."

Nagbagsakan na ang mga butil ng luha sa aking mga mata. Tumango ako at kinuha ang kahetang naglalaman ng wedding rings namin.

"I love you too, Juno."

Sinaklot niya ako at hinalikan ng malalim. Yumapos ako sa kanya ng mahigpit. Walang palakpak at ingay, katahimikan ang bumalot sa amin, kahit ang saliw ng musika ay tumigil habang saksi ang lahat ng bisita namin sa matamis na tagpong iyon na buong buhay kong iingatan tulad ng mga singsing at ng lalaking yakap ko ngayon.

Pagkatapos ng deklarasyong iyon ay isinunod ang salu-salo at gala dance kung tawagin dito sa amin. Habang kasayaw ko si Juno sa gitna, kasama ang ilang kapareha ay natanaw kong kausap ni Mama si Warren. Naisip ko agad ang tungkol sa kasunduan nila Mama at ng ina ng lalaki noon. Pagkuwa'y iniwan ni Warren si Mama at naglakad ito papunta sa amin ni Juno.

"May I borrow her for this dance?"

"Of course," huminto kami sa pagsayaw at matiwasay naman akong inilipat ni Juno sa mga bisig ni Warren.

"Your homeroom teacher told me you passed the final exam," balita niyang banayad akong iginiya kasabay ng indayog ng musika.

"Salamat po, Sir. Thank you rin sa pagpunta rito ngayon." Sumulyap ako sa kinaroroonan ni Mama.

"Gusto kong bitawan ka sa maayos na paraan. I will expect you be happy with him. Huwag na huwag mong ipakita sa akin na iiyak ka, alam mo na kung ano'ng gagawin ko."

Ngumiti lang ako sa tono niyang nagbabala. Hindi pa nangangalahati ang kanta ay lumapit naman si Toby at pinalitan si Warren.

"Wala ka man lang sinabi kahit kunting clue," bahagya akong sumimangot.

"Sorpresa nga 'to, bakit ko sasabihin sa iyo?" Tumawa si Toby.

"Mas loyal ka kay Juno?"

"Mahal kita pero loyal ako sa kanya para sa happiness mo. By the way, ang ganda mo ngayon. Sabagay lagi ka namang maganda lalo na kung nakapantulog ka," hirit niyang nanunukso.

Sinadya kong apakan ang kanan niyang paa. Hindi naman niya ininda, wala kasing takong ang sandals na suot ko. Hinagilap ko sa mga mata si Juno. Kausap niya sina mayor at Lidi Mae habang pasulyap-sulyap siya sa amin ni Toby.

Matapos ang sayawan ay nagkaroon ng parlor games para sa mga dalaga at binata. Deck cards relay. Dalawang team ang maglalaban-laban. Ang mechanics na ipinaliwanag ni Toby.

"Listen up, guys! Kailangang maipasa ang card sa kakampi na nasa harap gamit ang lips at tatanggapin iyon ng pinagpasahan na labi rin ang gagamitin hanggang sa makarating sa dulo ang card. Ang unang matatapos ang panalo!"

Magkasama sa team A sina Toby, Lidi Mae, Maricel, Pejay at Mayet, Benjie. Sa team B naman ay sina Warren at Janine at apat pa mula sa school namin. Sa hudyat ni Juno ay nagsimula ang laro. Kanya-kanyang cheer ang mga manonood. Tagumpay sina Mayet at Benjie pero pagdating kay Toby ay nahulog ang card nang akmang tatanggapin na iyon ni Lidi Mae kaya direktang naglapat ang mga labi ng dalawa. Hiyawan kaming lahat. Talo tuloy ang team A. Panalo ang team nina Warren at Janine.

"Sinadya mong ihulog iyon, loko-loko ka!" Kinuyog ng kantiyaw si Toby ng mga kaklase namin pagbalik niya sa table nila.

"Shut up, mga engot! Ayaw dumikit sa lips ko 'yong card kaya nalaglag!" katuwiran ng binatang sumulyap sa gawi ni Lidi Mae na nasa wine table at nagsalin ng ladies' drink sa baso nito.

Napahagikgik na lang ako habang nakahilig sa dibdib ni Juno na yakap ako mula sa likod.

ISLA SEÑORITA: KANDUNGAN NI EVA✔Where stories live. Discover now